Ch. 31

400 11 1
                                    

LISA

Having friends is great because you have someone to talk to, someone to lean on and someone you can share your problems with. But not until they start invading your space and making a mess.

Mabilis lang lumipas ang mga araw at malapit na ang Christmas break. Hindi na rin namamansin sila Hyeji dahil kalat sa buong school ang tungkol sa tatay niya. Sila Rosè, Jisoo at Jennie naman ay  lagi na  silang tumatambay dito sa apartment ko kung wala akong part time job. Sabi nila, mas maganda raw dito kasi mas nagiging close kami kaysa naman sa napakalawak na space.

Nandito ulit kami ngayon, kumakain ng chicken na inorder namin.

"Ano pala kukunin niyong course sa college?" Tanong ni Jisoo. Siya naman lagi ang nagbubukas ng usapan eh. Parang hindi nawawalan ng bala ang bunganga niya.

"Basta ako, doon ako sa may kinalaman sa business." Proud na sabi ni Rosè. Syempre siya ang magmamana sa business ng tatay niya eh.

"Parang gusto ko maging doctor." Nagaalangan na sagot naman ni Jennie.

"Ah basta ako, magaartista ako. Sa mukha kong to! One simple smile, laglag na agad ang mga bunganga nila." Confident na sabi ni Jisoo.

Bagay sa kaniya! Maganda naman talaga siya, para siyang isang Greek Goddess na may lahing Asian.

"What about you Lisa?" Tanong ni Jennie sa akin.

Napapansin ko lang, bakit palagi siyang curious sa akin? Lagi na lang gusto niya malaman kung ano ang para sa akin, kung ano ang gusto ko, kung ano ang iniisip ko at marami pang iba. Simula noong sinabi kong friends kami, mas naging curious siya sa buhay ko. Ewan ko ba.

Ito kasi ang mahirap eh, ang sumugal. Ayaw ko namang umasa kasi alam kong masakit lang sa huli. Kaya please Jennie, don't give me false hopes.

"Ah, hindi ko alam. Wala akong gusto." Sagot ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata nila sa sagot ko.

"Seriously?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Rosè.

"Sabagay kahit hindi naman na siya magaral, mayaman na siya." Tumatangong sabi ni Jisoo.

Si Jennie naman, nakatingin lang sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

"Wala akong interes sa school. At isa pa, wala talaga akong gusto sa ngayon eh. Ang gusto ko lang mabuhay ng masaya at kasama ang mga mahal ko sa buhay." Sabi ko sa kanila.

Totoo iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong kurso ang kukunin ko. Kailangan pa ba iyon? Dapat ba lahat ng tao, makapagtapos ng pagaaral para lamang makahanap ng magandang trabaho?

"Oh come on. Sayang, ang talino mo pa naman." Sabi ni Rosè.

"Gomawo! Pero wala pa talaga eh." Sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

"May ilang months pa naman para magisip." Sabi ni Jennie.

Nagkwentuhan muna kami saglit at nagpaalam na silang tatlo sa akin.

Ano nga ba ang gusto ko? Ano ba ang kurso na nababagay sa akin?
Should I just pursue modeling? Bagay ba sa akin iyon?

Nagulat ako nang marinig ko ang phone ko na tumutunog at nakita ko ang pangalan ni Taehyung at napangiti ako. You came at the right time.

~on the phone~
"Baka uuwi ako sa Christmas. Sabay tayong magcelebrate." Bungad niya sa akin.

Tumatawag naman siya from time to time kaya updated kami sa isa't isa.

"Baka uuwi rin ako sa Philippines or sa Thailand. Nakaipon na kasi ako para sa ticket." Sabi ko sa kaniya.

"Ohh,, I thought... hindi ka na magpapakita sa kanila?" Tanong ni Taehyung.

"Hindi naman talaga. I just want to see them kahit ayaw nila akong makita." Malungkot na sabi ko. At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na umiyak.

"I'm pretty sure, they badly want to see you too, just like what I do." Pagkocomfort naman sa akin ni Taehyung.

"Anyway, ano kukunin mong course sa college? And saan ka magcocollege?" Tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan.

"Don't worry, babalik ako riyan. Hindi ko kayang makita ka na magisa." Malayong sagot niya sa tanong ko. 


You Never Know (Jenlisa FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon