Ch. 17

430 8 0
                                    

LISA

Ilang minuto ko nang hinahawakan itong pintuan at nagdadalawang isip kung papasok pa ba ako o hindi na.

"Miss, pindot mo lang yung button magbubukas na iyan." Natauhan na lang sa narinig kong iyon.

Hindi po ako bulag. Wala lang talaga sa katinuan.

Pumasok na lang ako at sa isang dulo ay nakita ko si Jennie na naghihintay. Pinuntahan ko siya at nanlaki ang mata niya noong nakita niya ako.

"Ikaw... ikaw yung... si secret admirer?" Gulat na tanong niya.

"Hindi ako lang yung pinadala. Hindi siya makakapunta kasi may importante siyang gagawin." Paliwanag ko sa kaniya.

"Sinong siya? Si Taehyung?" Tanong niya sa akin. Paano niya nalaman?

Oo nga pala si Taehyung lang ang palagi kong kasama.

"Oo. May practice siya mg basketball." Iyon na lang naisagot ko. Pinaupo niya ako at pinainom niya na lang sa akin iyong kape na dapat ay kay Taehyung.

"Sabi ko na eh, si Taehyung,  yung secret admirer at yung bumato kay Hyeji ay iisa." Pangiting sabi niya sa akin.

Hindi siya, kundi ako.

Masakit man sa kalooban ay wala akong magawa. Masaya na ako kahit na iba ang rason sa mga ngiti niya.

"Pagkatapos na lang natin dito ay pumunta na tayo sa bahay nila Jisoo para gawin ang project." Sabi niya sa akin at nagnod na lang ako.

Sinikay niya ako sa kotse niya at walang imikan pagdating namin sa bahay nila Jisoo.

"Kala ko ba may emergency ka?" Sabay na tanong sa akin ni Jisoo at Rosè.

"Iyon na nga. Sinundo niya ako dahil sinabi ni Taehyung." Proud na sabi ni Jennie at nakalabas ang ngipen niyang ngumiti.

Kung nakamamatay ang ngiti na iyan, diretso na siguro ako sa langit.

Doon kami sa kubo na nasa garden nila Jisoo. Nagplano kami and as expected, ako ang nagsuggest at iyon na ang nasunod. Bukas na lang namin sisimulan ang paggawa kasi nga kulang naman kami ng mga gamit. Kaya naman nagkwentuhan muna kami.

"Hey, Nini so ano na, si Taehyung ang secret admirer?" Natutuwang tanong ni Rosè at bakas sa mukha niya ang excitement.

"Really? I mean sa gwapo niyang iyon hindi niya man lang magawang umamin sa iyo?" Tanong naman ni Jisoo.

Kinuwento ni Jennie ang lahat sa kanila.Samantalang ako, nandito lang nakikinig.

"Ikaw ba Lisa, ayos lang sa'yo na  utusan ka niya?" Walang prenong tanong ni Rosè.

"Hindi naman. Pinapautangan niya kasi ako. Hehe." Sagot ko sa kaniya na may kasamang awkward na tawa.

"Utang? Hahahha daebak! (Amazing)  Sabi naman ni Jisoo na  pumapalakpak pa.

"No offense meant ah, pero bakit dito pa na school? I mean madami namang public schools out there at sure na hindi ka na mahihirapan sa pagbayad ng tuitions mo." Prankang sinabi ni Jennie.

Parang maha-hot seat yata ako dito ah.

"Si Taehyung kasi. Ayaw kong mapunta siya sa mga public schools." Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyon.

"Huh? Gusto mo ba siya?" Napakaseryosong tanong ni Jennie.

"Of course not. Ang isang bestfriend ay isang bestfriend lang. Hindi pwedeng maging boyfriend." Paliwanag ko sa kaniya pero lahat sila ay nakatingin sa akin. Parang isa akong pagkain na iniihaw tapos lahat sila ay nakaabang na maluto ako.

Hindi naman boyfriend ang hanap ko. Girlfriend po!

You Never Know (Jenlisa FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora