Ch. 36

404 11 1
                                    

LISA

Nandito kami ngayon ni Vincent sa isang restaurant. Si Vincent ay half brother ko. Mabait siya sa akin noon pa man. Actually lahat naman sila. Ako lang talaga ang hindi.

"Buti bumalik ka ate. Ayaw mo ba talaga pumasok sa bahay?" Tanong niya sa akin. Bakas talaga sa mga mata niya ang pangungulila.

Gustong gusto kong bumalik at tumira ulit sa bahay na iyon. Gustong gusto kong maranasan ulit ang magkaroon ng pamilya.

Aaminin ko, nagkaroon ako ng sama ng loob noong pinalayas ako pero kasalanan ko rin naman iyon eh.

"I'm contented to see you from afar." Nakangiting tipid na sabi ko sa kaniya.

"Ate naman! Miss ka na rin ni mama." Nakapout na sabi niya sa akin. Lumaki na siya, pero bakit isip bata pa rin hanggang ngayon?

"Pero hindi pa ako handa." Sabi ko sa kaniya.

"At kailan ka magiging handa? Kapag nagkasakit na sila? Kapag namatay na sila? Kapag ba huli na ang lahat? Ate naman. Ito na iyon. Ito na ang chance mo." Pangunglit niya. May point naman siya roon.

Kumain muna kami at pagkatapos ay pumunta nga kami sa bahay. Dahil katatapos lang ng Christmas, kompleto ang tao roon.
Pagpasok namin, nagulat ang dalawa appa step mother ko. Napatakip pa siya ng kaniyang bibig at dahan dahan na lumapit sa akin.

"Lisa, i.. ikaw ba iy..an?" Gulat pa rin na Tanong ng step mother ko.

"Merry Christmas!" Bati ko sa kanila at awkward na ngumiti.

Lumapit sa akin ang step mother ko at niyakap ako nang mahigpit. Sunod naman na lumapit ang appa ko at niyakap din ako.

Hindi ko na tulo napigilan ang sarili kong umiyak. Ang naririnig ko na lang ay ang mahina kong hikbi. Kaya tinatapik ni appa ang balikat ko.

"I miss you, Lisa." Sambit niya sa akin kaya naman mas lalo lang akong naiyak.

"Sorry po." Iyon na lamang ang naiusal ko.

Pagkatapos ng dramahan namin ay pinakain ulit nila ako at nagkwentuhan muna kami para naman makacatch up kami sa isa't isa. Kinuwento nila na pinahanap nila ako at si Taehyung ang nagsabi sa kanila kung nasaan ako. Si Taehyung ang naguupdate sa kanila ang tungkol sa akin. Hindi ko man lang na ginawa ni Taehyung iyon.
At dahil doon, matagal na pala akong napatawad ng pamilya ko. But still, I kept on saying sorry to them because I disappointed them.

Gustuhin ko pa mang manatili at kailangan ko nang bumalik sa hotel dahil may flight pa ako sa madaling araw.

Mabilis lang akong nakabalik sa Korea at dumiretso na ako sa apartment ko. Sakto may isang pamilyar na nakatayo at aktong kakatok na sana ng pinto.

"Jennie?" Pagtawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mata niya. Ngunit mabilis din na naging fierce ang mukha niya. Galit siya.

"Why are you not answering my calls? Why are you not replying, huh?" Galit na tanong niya sa akin.

Pinapasok ko muna siya sa apartment ko at pinaupo sa couch.

"Where have you been? Bakit hindi mo man lang ako sinama? Bakit hindi ka nagpaalam? Ha?" Galit pa rin na tanong niya.

Ang ingay niya pero ang cute niya!!

Lumapit na lang ako at hinalikan ang pisnge niya.

"Isa isa lang. Mahina ang kalaban." Sabi ko sa kaniya at napangiti ako sa reaksiyon niya. Naestatwa siya sa ginawa ko. Ang cute niya tuloy!!!!

Sa huli, nagexplain pa rin ako sa kaniya at tumango tango na lang siya. Ganito pala ang feeling ng may jowa! Pero hindi ko pa siya jowa hahaha.

"Ano pa ang ikinagagalit mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na. I'm glad that you're fine now with your family. I'm happy for you." Sabi niya sa akin sabay yakap. Ako naman ngayon ang naestatwa!!!

"Next time, don't forget to text me or call me. I will support you no matter what. I know I can't always be at your side but remember that I'm praying for you always." Dagdag pa niya. Grabe!! Ang sweet mo naman Jennie!!! Matutunaw na ako rito!

Pinakawalan na niya ako at ngayon naman, ginawa niya ang hindi ko inaasahan.

Hinalikan niya ako sa labi!

You Never Know (Jenlisa FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon