Ch. 30

428 11 0
                                    

LISA

Nagorder na lang kami ng pizza at fries at kumakain kami ngayon sa loob ng apartment ko.

"Alam ba Lisa, hanga ako sa tapang mo. How can you handle something like that?" Bakas sa mukha ni Jisoo ang paghanga noong tinanong niya sa akin iyon.

"Kung proproblemahin mo ang problema, lalala lang iyon. Maghintay ka lang ng tamang oras at kapag handa ka na, harapin mo na ito. Hindi pwedeng lagi na lang natin itong tatakbuhan. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kinabukasan kaya harapin natin ito bago pa madagdagan." Payo ko sa kanila. Iyon lang ang paraan na alam ko para mapagaan ang problema ko sa buhay eh.

"Baka mamaya, hindi namin alam 20 plus ka na pala ah. Marami pa kaming hindi nalalaman sa'yo ah." Pagbibiro naman ni Jisoo.

Totoo iyon. Marami pa silang hindi alam tungkol sa akin. Ni hindi nga nila alam na may gusto ako kay Jennie o baka akala ko lang iyon?

"Saan pala kayo sa Christmas?" Tanong naman ni Rosè. Malayo pa naman iyon. November pa lang ah.

"I want to go to Japan!!" Masiglang sabi ni Jisoo.

Masaya kaming nagkwekwentuhan. Unti-unti na ring gumagaan ang  loob ko sa kanila. Nawalan nga ako ng bestfriend, may pumalit naman. Dalawa pa o tatlo? Ah, basta. Hindi ko gustong hanggang bestfriend lang si Jennie pero hindi ko rin namang gusto na maging girlfriend ko siya. Bahala na.

Nagulat na lang kami nang biglang may kumatok sa pinto. Agad along pumunta roon at nagulat ako sa bumungad sa akin.

"Am I late?" Nagtatakang tanong ni Jennie. Halatang hinihingal pa.

Pumasok na lang siya at umupo.

"Akala ko hindi ka pupunta?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Rosè.

"Akala ko rin eh." Maikling sabi ni Jennie sabay kagat sa pizza.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay ko noon. While talking to them, I find comfort. I finally felt the feeling that I have been longing for a long time--- companion. Hindi ako iniwan ni Taehyung at naappreciate ko iyon pero iba pa rin talaga kung may friends kang iba.

"Hindi mo pa nakakausap ang eomma mo?" Curious na tanong ni Jennie.

"Hindi. I don't even know the reason why she just gave me to her bestfriend. I felt like I'm just a used thing, na kapag ayaw mo na, ipapamigay mo na." Sagot ko sa kaniya.

"What if, magpakita siya sa'yo? What are you gonna do?" Tanong naman ni Rosè.

"Hindi ko alam. A simple HI will do." Casual na sagot ko.

"What about your appa? Nagusap na ba kayo?" Tanong naman ni Jisoo.

"Hindi rin." Casual pa rin na sagot ko.

Bakit pa? Tinakwil nila ako. Totoo ang sinabi ni Hyeji, I'm an UNWANTED CHILD. It's okay, matagal ko nang tanggap iyon.

"Sabi ko sa'yo dati, ako na lang ang daddy mo eh." Pagbibiro ni Jisoo. Natawa naman kami kasi nagboses lalaki pa talaga siya.

Sa gabing iyon, napakasaya ko. Masayang masaya na sana huminto na lang ang oras para saya na lang ang maramdaman ko, para wala nang sakit pa.

Naunang umuwi sila Jisoo at Rosè. Nagpaiwan si Jennie dahil may sasabihin pa raw siya sa akin. Ano naman kayo iyon?

"Uhm.. Lisa, do you consider Rosè and Jisoo as your friend?" Curious talaga na tanong ni Jennie at nininerbyos pa.

"Why not? Ngayon lang ako nagkaroon ng friends." Sagot ko sa kaniya. Nagkaroon na ako noon ng friends pero fake nga lang. Pineperhan ako noon at ako namang si tanga, binibili mga gusto nila.

"W.. what a..about me?" Nauutal na tanong niya. Dahil siya hitsura niyang iyon, napakacute niya!!

"What about you?" Tanong ko rin. Dahil nakafocus ako sa mukha niya, hindi ko nagets ang tanong niya.

"Do you also consider me as your friend?" Grabe ang pamumula sa pisnge niya. Kung dahil pa sa nervous o sa kung ano man, at hindi ko na alam.

No, hindi kita kayang maging kaibigan lang. Gusto ko mas higit pa roon. Pero alam ko naman na ako'y kaibigan mo lang.

You Never Know (Jenlisa FF)Where stories live. Discover now