Ch. 26

406 14 1
                                    

JENNIE

Nagpatuloy ang klase na para bang walang nangyari kanina. Nandito lang ako, physically present but mentally absent. Hindi talaga mawala sa isip ko si Lisa. Mabuti na lang at lunch time na.

"Tara, lunch!" Masiglang yaya ko kay Lisa.

Nagnod lang siya at sumunod sa amin. Syempre kasabay rin namin si Rosè at Jisoo.

"You know what, everything happens for a reason. Kaya ka nandito dahil may rason. Kaya ka nandito because you deserve to be here." Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Rosè iyon kay Lisa habang kumakain kami sa cafeteria.

"Rosè's right. Honestly, hindi ka unwanted. I want you! We want you. Right girls?" Masiglang Sabi naman ni Jisoo.

"See we are here for you, as your friends and even sisters." Masigla ring sabi ko sa kaniya to lift her mood.

Parang kulang na nga ang tulog niya ngayon eh. Pumapayat na rin siya.

"Kung gusto mo, ako na mama mo. Come here my lovely daughter!!" Sabi ni Jisoo at akmang yayakapin si Lisa but Lisa just waved her hand to refuse.

"Thank you. I really appreciate it." Nakangiting sabi ni Lisa.

"Ayaw mo ba akong maging eomma? Oh sige appa na lang!" Masigla pa ring sabi ni Jisoo. Natawa naman kami ni Rosè eh kasi naman nagboses lalaki pa siya.

Nagulat na lang kami nang may bumato sa ulo ni Lisa at natapon ang chocolate milk sa ulo niya. Nalagyan na rin ang uniform niya! Mahirap pa naman iyong alisin!

Mabilis kong kinuha ang tissue para punasan siya.

"Huwag na Jennie. It's okay." Mahinang sabi niya sa akin pero patuloy ko pa rin siyang pinunasan.

Napatalon ako sa gulat nang may nabasag na itlog sa ulo ni Lisa.

"Sesanghae!" Mahina at gulat na naiusal ni Jisoo.

"I hope you and your dad get what you deserve." Tumayo si Lisa at sinabi niya iyon sa harap ni Hyeji.

"Did you plan it with her?" Tanong naman ni Lisa kila Irene.

Natatakot naman na tumango si Irene.

"Kaninong idea ito? It's fucking FUN!" Sigaw ni Lisa emphasizing the word fun.

"Me! Are you enjoying it? Or do you want more?" Hyeji is just smirking at Lisa while saying those words. The audacity of this bitch!

"Sobra! Gusto mong sumali?" Seryosong nakatitig si Lisa kay Hyeji.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman umorder ako ng dalawang cake at...

"Jennie..." Sigaw ni Rosè ngunit huli na ang lahat.

Hinampas ko ang isang cake sa likod ng ulo ni Hyeji at noong humarap siya sa akin, hinampas ko rin ang isa sa mukha niya. Deserve!!

"Jennie, you stay out of this mess." Seryosong sabi ni Lisa sa akin. Pero bakas pa rin sa mata niya ang pagaalala.

"Your problems are my problems too. Your pains are my pains too. I can't just let you fight them alone." Seryosong sumbat ko rin sa kaniya.

"What the hell Jennie!!" Sigaw ni Hyeji sa akin at punong puno ng icing ang mukha niya. Pinipigilan ko ang tawa ko. Hahaha her face....hahaha..

"What's going on here!?" Galit na tanong ng director. Nasa gilid niya si Joy na malamang siya ang nagsumbong. Hindi ko man lang namalayan na umalis siya ah.

Pumunta ang director sa gawi ni Hyeji at sinampal nang napakalakas. Napahawak si Hyeji sa pisngi niya at paniguradong masakit iyon!

"Useless brat. To my office!!" Sigaw ng director at umalis na.

You Never Know (Jenlisa FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon