Her Secret

424 13 1
                                    

LISA

Badtrip naman oh! Kailangan kong magbihis ng PE uniform at maligo ulit dahil sa ginawa nila.
Kapag ito naulit pa... hindi ko na alam gagawin ko!!

Nagpatuloy lang ang klase at pinagtitinginan ako kasi ako lang ang naka PE uniform.

"Saan tayo mamayang hapon? Sa bahay niyo rin kaya Rosè?" Masiglang tanong ni Jisoo.

Simula noong umalis si Taehyung, silang apat na ang nakakasama ko. Since wala naman akong trabaho, sumama na lang ako.

Malaki ang bahay nila Rosè. May halong traditional ang mga designs ng bahay nila kaya medyo  antique. Tumambay kami roon at nagchika chika silang tatlo at minsan nakikiusap din ako. Uuwi na sana ako pero sabi ni Jennie, ihahatid niya raw ako. Bakit naman ako tatanggi 'd ba?

"Nadamay ka tuloy sa away namin ni Hyeji." Sabi ni Jennie na nakatingin sa akin. Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse papunta sa apartment ko.

"Hey, it's fine." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti para hindi na siya magalala.

"Sorry." Mahinang sabi niya.

Hindi na ako umimik hanggang sa nakarating na kami sa apartment ko. Bumaba ako at nagpaalam na.

Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa main building, kalat na ang mga pictures ko. Wow! Natulog lang ako ng isang gabi tapos gigising akong sikat na! Daebak!!!

Tumunog ang cellphone ko kaya naman inopen ko at nakita ko ang  rumor tungkol sa akin na anak ng isang sikat na artista sa Thailand. It's not a rumor. It's a fact. Now fact this!!! Bakit kailangan pang madamay ng Eomma ko?

"The great daughter of Chiship Brüschweiler!!" Nagpapalakpak na sabi ni Hyeji habang naglalakad siya palapit sa akin.

Magreresearch na nga, wrong information pa. Chitthip Brüschweiler hindi Chiship!

"The great daughter of the director of this school!" Panggagaya ko sa tono ng boses at palakpak niya.

"What a brave girl." Nakangisi na sabi ni Joy.

Hindi ko na sila pinansin at umalis na ako pero...

"Leave this school or else.." pagbabanta ni Hyeji at hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.

"Ikaw ang may ayaw sa akin kaya ikaw ang umalis." Sagot ko naman sa kaniya at malakas na hinablot ang braso ko sa hawak niya kaya muntik na siyang natumba. Naglakad ako papalayo pero binabato pa rin nila ako.

Siguro nalaman na nila na ako ang gumawa non. I don't regret it though.

"My gosh Lisa!! Anak ka pala ng artista?" Gulat na tanong ni Jisoo pagpasok ko sa room namin.

"Your mom is pretty!! You took it from her. Bakit wala ka pang boyfriend?" Tanong ng isang classmate namin. Noon nga kung itrato mo ako parang multo tapos ngayon feeling close ka na? Just wow!

"I don't do boyfriends." Maikling Sabi ko at umupo na lang sa upuan ko.

"Wae?" Tanong naman ni Jennie.

Girlfriend nga kasi ang gusto ko!

Hindiko na siya nasagot dahil pumasok na ang teacher namin. Buti na lang talaga hindi ko classmate sila Hyeji. Paano na lang kaya kung oo?

Nakinig na lang ako sa klase. Recess namin at lahat ng classmate ko ay ako ang pinaguusapan.

Hindi ko na talaga matiis kaya pumunta ako sa office ng director.

"Annyeonghaseyeo." May respetong bati ko pa rin sa director.

"What can I do for you?" Nakangiting tanong ng director. Alam kong peke yun.

"I told you to discipline your daughter sir." Nawalan na nang pasensiya na sabi ko.

"Kung hindi mo siya kaya, the gate is open. Feel free to leave whenever you want." Nakangiti pa rin na sabi niya sa akin.

What kind of director are you? Siraegi!

"Bakit hindi na lang kayo?" Naiinis na tanong ko sa kaniya. Like father like daughter.

"At sino ka para utusan ako?" Nagagalit na tanong niya. Lumakas na ang boses niya. Siguro he's really that afraid to lose his position.

"Ako lang naman ang may ari ng school na ito. And you? Director ka lang!" Maawtoridad na sabi ko
sa kaniya.

"Ha!!! Ang lakas naman ng loob mo bata. Matagal ko nang kilala ang may ari ng school na ito." Ngayon naman natatawa na siya.

Nilabas ko ang cellphone ko at may tinawagan doon.  I made sure na nakaloud speaker para marinig niya.

~on the phone~
"Hello ma'am. Ano po iyon?" Tanong ng lalaki na may edad na.

Siya ang lawyer ng adaptive mother ko. Matagal na siyang nagtratrabaho at siya na rin ang tumayo bilang pangalawang tatay ko.

My adaptive mother owned this school. Minana niya sa family niya kasi she's an only child and wala siyang asawa. I don't know how she became friends with my birthmom. Mula noong namatay siya, sa akin niya pinamana ang school, without me knowing. Noong nandoon ako sa Philippines with my dad, hinanap pala ako ng lawyer ng adaptive mother ko na si Mr. Lee. In the mean time, nagappoint na lang sila ng bagong director habang hinahanap nila ako noon. Sakto naman na bumalik kami ni Taehyung dito sa Korea noon at sakto rin na nagenrol kami dito sa school na ito, doon nila ako nahanap.

I don't want publicity. I don't want to brag. Actually, hindi rin alam ni Taehyung ang tungkol dito. Kaya iyon, nagrent ako ng apartment at  nagtratrabaho para may sariling pera ako. I'm an independent woman. Ang ayaw ko sa lahat ay yung dumedepende sa iba!

"Magpatawag ka ng board meeting. A-S-A-P! Lahat ng mga shareholders at ang director dapat nandoon Mr. Lee." Sabi ko sa kaniya.

Naguguluhan at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin ang walang kwentang director ng school.

"What's the main reason ma'am?" Mahinahong tanong ni Mr. Lee.

"Appointing a new director. Thank you Mr. Lee." Sabi ko sa kaniya at binaba na ang phone.

"Resign or I'll fire you?" I playfully ask the director.

I know I shouldn't use my emotion   but he's too much. Balita ko magmula noong siya ang naging director, ang daming hindi magandang nangyari dito sa school. And now I'm experiencing it.

"See you sa board meeting. Mr. Former Director of this school." Sabi ko sa kaniya sabay talikod at isinara ang pinto.

You Never Know (Jenlisa FF)Where stories live. Discover now