Ch. 33

394 9 0
                                    

LISA

Naranasan niyo na rin ba iyong feeling na okay ka naman pero hindi ka masaya? Minsan naman masya ka, pero bakit parang kulang?

Nandito ako ngayon sa mall bumibili ng regalo.

Mayaman sila Rosè, Jisoo at Jennie kaya ano pa nga ba ang wala sa kanila? First time ko magregalo sa ibang tao. Si Taehyung lang naman kasi ang palagi kong nireregaluhan at last year lang naman si Mr. Lee. 

Napahinto ako sa lakad nang may nakita akong isang bagay na nakaakit sa mga mata---kumikinang na bracelet. I know they can buy something that is more expensive than this. But this one is different.

Pumasok ako at nagpacostumize ng bracelet. Ang kay Rosè ay pangalan niya at may pendant na rose. Ang kay Jisoo naman ay pangalan niya lang din at ang pendant ay film kasi gusto niya raw maging artista. Ang Jennie naman ay pangalan niya rin at ang mga pendant ay lahat ng phase ng moon.

Pagkatapos ay naglakad lakad pa ako sa mall. Nagulat na lang ako nang may biglang kumausap as akin na babae na may nakasabit sa leeg niya na camera.

"Excuse me, are you a model?" Tanong niya sa akin. Nakangiti siya at mala-anghel ang mukha niya.

Matangkad kasi ako. Actually, napagisipan ko na rin iyan. I want to become a model not because of my advantages like my height or my looks but because I'm hoping, that maybe if I become one, I can see my mother.

"Aniyeo." Pagtanggi ko sa tanong niya.

"Do you want to become a model? I have a lot of connections. Here's my calling card." Tanong niya sa akin sabay abot sa calling card niya. Isa nga iyong sikat na company kasi lagi kong naririnig at nakikita sa social media.

"Yeah sure." Sagot ko naman sa kaniya at kinuha ang calling card niya.

"Can I take a picture of you?" Napakunot ako sa noo ko sa tanong niyang iyon. Nagrerecruit lang naman bakit kailangan pa ng picture ko. "Just for my portfolio. I will pay, I promise." Dugtong niya dahil nakita niya ang reaksyon ko. Kung may bayad, e 'di sige. Pumayag na lang ako. Inutusan niya akong magpose at ginawa ko naman ang utos niya. Napangiti pa siya ng maluwag noong tinignan niya ang resulta as camera niya.

"You're beautiful." Pagpupuri niya pa sa akin.

"Kamsahamnida." Pagpapasalamat ko sabay bow sa kaniya. "I accept your offer." Sabi ko pa sa kaniya. Nagulat naman siya. Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon.

Kinuha niya ang number ko at sabi niya tatawagan niya na lang  ako. Binayaran niya ako ng 50,000 won. Wow! Isang picture lang 50,000 won na agad samantalang sa isang araw ko iyong sahod sa part time job ko sa convenience store.

Ang bilis ng araw. December 24 na. Sabi ni Jennie, dito na lang daw kami sa apartment ko magcecelebrate ng Christmas kasi malungkot kung doon kami sa bahay nila. Nagorder siya ng mga pagkain na sakto lang sa amin. Pagpatak mg 12AM, humarap siya sa akin at sinabing...

"Here's my gift for you. Merry Christmas!" Masayang bati niya sa akin sabay abot sa akin ng katamtaman lang na box.

"Oh, wait let me get my gift for you." Tumayo ako at kinuha ang regalo ko sa kaniya.

Nagexchange lang kami ng gift at sabay naming binuksan.

"Wow!! I like.. no I love it!!" Masayang sabi niya na nakatingin sa akin kaya naman napangiti rin ako.

Ang regalo niya sa akin ay isang photo album.

"Wait, before you open it I want to talk to you first." Seryoso at kinakabahan na sabi ni Jennie.

"Okay." Maikling sagot ko.

"I.. I think.. uhm. Ahem sorry I'm nervous." Nahihiya at kinakabahan na sabi niya.

"It's okay. Ano ba iyon??" Mahinahong sabi ko sa kaniya.

"Okay. Don't laugh at me or anything. And also, don't change the way you treat me. Lisa, I like you." Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Talaga ba? Si Jennie may gusto sa akin? Papaano?

"Uhm..." Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Please wala sanang magbago sa  pakikitungo mo as akin. Hindi ko kaya." Umiyak na siya. Niyakap ko na lang siya at pinatahan.

"I love you." Sabi ko sa kaniya habang tinatapik tapik ang likod niya.

You Never Know (Jenlisa FF)Where stories live. Discover now