Ch. 37

383 8 1
                                    

JENNIE

Impulsive na kung impulsive, iyon ang biglang pumasok sa isip ko eh---ang halikan si Lisa.

She's blushing so hard right now! Napaiwas pa siya ng tingin noong tinignan ko siya. Cute!!

"You said, kung ano ang iisipin ko. I think of you as partner and a lover not just a friend." Sabi ko sa kaniya at bigla siyang napatingin sa akin.

Bakit naman ganon ang reaksiyon niya? She looked like she doesn't want to enter in a relationship.

"Oo pero..."

"Pero ano? Masasaktan mo lang ako? Hindi pa ito ang tamang panahon? Eh kailan pa iyang sinasabi mong tamang panahon na iyan? Kung magiging tayo rin lang in the future, why not make it official right now? We are just wasting our time." Naiinis na sabi ko sa kaniya. Ako na nga gumagawa ng paraan. Hindi naman ako ganito eh. Hayyyy Lisa!!

"I don't know how to handle a relationship. It's not a waste of time if we grow individually first before we grow together." Nakaiwas sa tingin na sabi niya sa akin.

May point naman siya. Pero... huwag na nga.

"Kapag ganito ang sitwasyon natin, masasaktan lang tayo sa huli. Huwag mong pairalin ang emosyon mo. Maaaring naayos ko na ang problema sa appa ko, pero yung sa eomma ko hindi pa." Dagdag niya pa sa sinabi niya. Nakatulala lang siya sa sahig at nakayuko siya ngayon.

"I'm sorry." Iyon na lamang ang naiusal ko. Para namang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya.

I never know how painful she's feeling right now. But I want to be on her side in her healing process.

"You never know how much I love you, Jennie." Mahinang Sabi niya pero narinig ko pa rin. Nakakalambot at nakakapagpabilis ng tibok ng puso ang sinabi niya.

"Then tell me." Sabi ko na nakatingin pa rin sa kaniya.

"Kulang ang salitang neomu saranghae (I love you so much) to describe how much I love you. Nauna pa nga kitang minahal kaysa sa sarili ko. And I'm willing to let you go so that you can find someone better or the best for you."

"You're giving me up?"

"No...hindi kita kailangang i-give up kasi hindi ka akin. I'm just letting you go because I know you deserve better."

"Coward. Parehas lang naman iyon."

"Someday you'll understand. Hatid na kita. Gabi na." Tumayo na siya at naglakad na papunta sa pintuan niya.

"You don't have to. Nandiyan iyong driver ko. Goodnight." Tumayo na rin ako at hinalikan ko ang pisnge niya bago umalis.

I will wait for you until you become a better person for me, Lisa.

Kinabukasan, nagtext sa akin si Lisa na ihahatid niya na si Taehyung sa airport at sabi ko sasama ako. Nandito na kami ngayon sa airport.

"Kailan ka babalik?" Tanong ni Lisa kay Taehyung.

"Hindi pa nga ako nakakaalis, balik agad ang tanong mo." Sabi ni Taehyung at napatawa pa siya.
"After graduation." Pagtutuloy niya.

Nag-nod lang si Lisa at tinapik ang balikat ni Taehyung.

"Jennie, can I talk to you?" Tanong ni Taehyung sa akin. Ano naman kaya ang sasabihin niya?

Lumayo pa talaga kami kay Lisa kaya naman naiwan na nakakunot ang noo ni Lisa.

"Ano? Kayo na ba?" Tanong niya agad. Wala man lang paligoy ligoy.

"No eh." Sabi ko naman na may tunog panghihinayang.

"Kung hindi lang kita pinsan, matagal na kitang girlfriend." Sabi ni Taehyung.

"You're my cousin?" Nagulat na tanong ko.

"Yes. Sayang noh? Pero okay lang kasi hindi naman talaga ako ang gumawa ng mga letter para sa'yo. Si Lisa lahat pati ang calligraphy." Pagaamin niya na lalo kong ikinagulat. "Sorry ngayon ko lang nasabi." Nagpeace sign pa siya at nakasmile.

"I felt betrayed." Sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya.

Bakit wala man lang sinabi si Lisa? Ang dami mo pa talagang sikreto na hindi mo pa nasasabi, Lisa.

You Never Know (Jenlisa FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora