Kabanata 27 ✓

245 7 0
                                    


|*|

Amber's Pov

It's been a week since nawala ang baby namin ni Kley. I'm moving forward dahil ayoko nang isipin pa iyon at ang gusto lang namin malaman ni Kley ay sino ang lumason sa akin.

Walang puso ang taong gumawa non. Hindi ko alam bakit niya naisipang gawin yon. Pumatay ng bata? Pumaslang? Anong karapatan niya para alisin ang buhay ng anak ko sa mundong ito?

"Hey, you okay?"

I looked at Kley and I slightly nodded. Hindi ko lang matandaan kung ano ang nangyari sa akin ng araw na 'yon. Ang sabi naman sa akin ni Sir Kevin ay siya ang huli kong kasama sa bahay namin at hindi niya alam kung mayroon pang tao ang pumunta roon nang umalis siya.

Kley's immortal pero kahit siya ay walang magawa sa problema naming ito.

"Aalis ka mamaya 'di ba?"

"Yeah, susunduin ako ni Papa. Pupunta ako kila Areal."

I miss her too. Hindi ko pa siya nakakausap simula nang makalabas ako sa hospital pero tingin ko naman ay napatawad niya na ako. Siya ang gusto kong kausapin ngayon dahil siya lang naman ang tinuturing kong taong pinaka nakakaintindi sa akin.

"You want me to come?"

"What for?" He shrugged his shoulders at tumayo sa sofa namin. He stretched his arms and even his neck. Kahit simpleng galaw niya lang ay napapraning na ako.

Napakagwapo talaga ni Kley.

"I can hear you, boo."

"Huh?"

"You said that I'm so handsome, right? Tss." Ngumisi siya sa akin at naglakad papuntang kusina.

Ang kumag na 'yon!

Lagi niyang ginagamit ang kapangyarihan niya sakin. Napakadaya niya! Alam niya namang mortal ako at hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya pero pinagsasamantalahan niya ako gamit iyon.

That's so absurd!

Maya-maya ay nakita ko na si Kley na lumabas ng kusina na may dala-dalang mansanas, "Where are you going?"

"I need to go home. Kailangan ko na sigurong humingi ng tulong kay Ama."

I remember his parents. Kailan ko kaya sila makikilala? Kailan kaya iyon matutuloy? Gusto ko na rin naman makilala ang magulang ni Kley dahil sila ang nagpalaki sa lalaking mahal na mahal ko ngayon.

May isa pa pala akong problema...

Hindi ko pa pala alam kung ano ang nangyari kay Kley at Leewier. Totoo kayang gusto ng kanilang Ama na ipakasal sila?

Ayon sa bibliya ay bawal maging mag-asawa ang magkapatid, 'di ba?

They're not mortal, stupid!

Napasapo na lamang ako sa ulo ko. Hindi ko nga pala kauri si Kley pero kahit na ganoon, tanggap na tanggap ko ang buong pagkatao niya.

Mahal ko siya.

Mahal ko ang anak namin.

Hindi ko naman gugustuhing kalabanin si Areal kung hindi ko siya talagang mahal 'di ba?

"I'll go now. Take care of yourself. If you need anything just call me, okay? I love you," He kissed me on my lips kaya medyo napagitla pa ako.

Nakalabas na siya ng bahay namin. I smiled, "I love you too, Kley."







NAKATAYO ako sa harap ng pintuan ni Areal. It's been a month since the last time that I went here. Nakaka-miss siya. Kung hindi siguro ako umepal dati, siguro silang dalawa ngayon ang magkarelasyon?

I knocked three times at her door bago iyon bumukas. Nagulat pa siya nang makita ako pero kalaunan ay bigla niya akong niyakap.

"Hey, how are you? Are you okay now?"

Bigla akong napaluha nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Ganitong-ganito siya nang mga panahong maayos pa kaming dalawa. Nang mga panahong hindi namin pinoproblema si Kley.

Masaya lang kaming dalawa.

Pero hindi ko rin masisi ang sarili ko, nagmahal lang naman ako pero sa kasamaang palad, ang lalaking minahal ko pa ay ang lalaking mahal ni Areal.

"Are you not mad at me anymore?"

She just smiled at me bago umupo sa kama niya, "Ang immature naman siguro kung magagalit ako dahil ikaw yung gusto ni Kley 'di ba? That's your life Amber, wala akong magagawa roon."

Napakabait sa akin ni Areal. Hindi ko alam ba't nagawa ko siyang saktan. Mahal na mahal ko siya bilang kaibigan at natutuwa ako ngayon dahil nagkakamabutihan na kaming dalawa.

"Let's forget about that, alright? Beside, nagkaroon na kayo ng anak ni Kley. Ano pa bang ikakagalit ko? Ikaw mahal niya so I'll back off."

Makikita sa mata niya na nasasaktan pa rin siya pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ang mahalaga ay napatawad na ako ni Areal at ayos na kaming dalawa ngayon.

"How are you, Yel?"

"Ayon, there's someone who keeps on bugging me at school. Wala ka kase kaya hindi ko matarayan!" Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Nagtataray lang naman siya sa mga lalaking gustong magpakilala sa kaniya dahil kasama niya ako, pero ang totoo hindi niya kayang makipag-usap sa mga lalaki dahil nahihiya siya.

"And who's this guy?"

"He's Patrick and I don't know him if itatanong mo. I don't have any idea kung saan siya galing, gosh, kahit saan sinusundan niya ako. Creepy though." She rolled her eyes at matalim akong tinignan.

"I went to the hospital last time. I heard that yung reason kung bakit nawala yung baby niyo is-"

"No! I didn't poisoned myself–"

"Duh, I know that. Alam ko namang hindi mo kayang saktan ang sarili mo but why did the doctor said that?"

"Iyon daw ang lumabas sa results ko."

Tumitig siya sa kaniyang kuko na tila may malalim na iniisip. I know Areal. She's smart kaya kung ano man ang nasa utak niya ngayon ay tingin kong paniniwalaan ko.

I just need answers.

I want justice for our child. Our baby doesn't deserve that. Ni hindi niya man lang nasilayan ang ganda ng buhay na magkakaroon siya kung sakaling nabuhay siya.

"Kley have a lot of connections, right?" I nodded, "Bakit hindi niya gamitin ang koneksiyon niya para malaman kung sino ang may pakana nito?"

"He said that even himself can't handle the situation. Parang may taong nag-aalaga sa reputasyon ng isa."

Tumayo siya at lumapit sa vanity niya. Inaayos-ayos niya ang buhok niya bago tumingin sa akin, "If that's the case, I think that person has a lot of connections too, right?"

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now