Kabanata 33 ✓

196 7 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Kasama ko ngayon ang kambal at ang Luna. Magkasama si Kley at ang Alpha pati na rin ang ilang Prekh at Brejik, may pupuntahan daw silang lugar na hindi nila ako pwedeng isama. Pinipilit ko pa si Kley na isama ako dahil gusto kong malaman kung nandoon nga ba si Crius sa pupuntahan nila.

Shofe is busy curling my hair while Tzuoxi is playing.

Luna is practicing her dagger, sabi niya sa akin ay baka may mangyaring masama once makabalik ang dalawa kaya sinasanay niya raw ulit ang sarili niya humawak nito.

Bawat tapon niya nito ay tumatama sa mismong target niya.

Hindi ko alam kung nagpa-practice ba talaga siya o naglalaro lang?

"I'm not playing, I'm practicing."

Natutop ko ang bibig ko dahil sa bigla niyang pagsalita. Bakit ba kase nila nababasa ang thoughts ko? Gusto ko rin ang ginagawa nila para minsan ay malaman ko kung ano ang nasa utak ni Kley.

"Come here, Amber."

Lumayo sa akin ang kambal at lumapit naman ako sa Luna. Pagkalapit ko palang sa kaniya ay amoy na amoy ko na ang pabango niyang gamit.

"You want to try this?"

Tumango ako sa kaniya at binigay niya sa akin ang isang dagger na hawak niya kanina lang. Tinitigan ko ito at nakita kong may nakasulat na letra rito.

C?

"What's C? Stand for Clarity?"

"Nope," she said while popping the 'p', "She's Celine. C stand for Celine. She's my bestfriend and she's the one who taught me how to use this."

"Where is she?"

"I don't know. After mamatay ng kuya ko, she said that she wants to move out. Nasa mortal world siya ngayon pero hindi ko alam kung saan. I don't have any idea."

I can say that yung Celine na sinasabi niya at ang kuya niya ay magkasintahan dati but turns out, namatay ang kuya ng Luna kaya napag-isipan nang kaibigan niya na mag-move forward.

"How about you? You have any friends?"

"Uh yes, she's mortal-"

"Hmm? Do you have something to tell?"

"I have a friend. She likes Kley too. Ang akala ko ay siya ang makakatuluyan ni Kley dahil halos magkaparehas lang sila ng estado sa buhay. While me? Naging waitress lang naman ako sa bar-"

She shut me, "You're degrading yourself, aren't you?"

Hindi ako makasagot. Totoo naman kasing silang dalawa ni Areal ang bagay. Malayong-malayo ang agwat namin ni Kley. Mayaman siya at ako ano? Mahirap lang kami. Sobrang layo.

Ang layo niya sa akin.

"Yes, malayo sa'yo si Kley pero sino ba ang mahal niya? Sino ang pinili niya? 'Di ba ikaw?"

Nabago ang buhay ko dahil kay Kley. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang trato sakin ni Papa, binigyan niya ako ng bahay, trinato niya ako nang maayos, binigyan niya ako ng aso which I appreciated the most kase ayaw niya akong umiyak lagi dahil sa anak namin.

Masakit mawalan ng anak. Oo, totoo 'yon. Kahit na hindi ko pa siya nakikita, sigurado akong mamahalin ko rin siya katulad ng pagmamahal ko sa tatay niya.

"Don't blame yourself here, Amber. Value your worth and maging masaya ka dahil ikaw ang mahal ni Kley. Got it?"

Para ko siyang ate. Ang galing niyang magbigay sa akin ng mga payo na kailangan ko. Bukod kay Daphney at Francis, siya lang ang nakausap ko tungkol sa naging problema ko kay Areal.

"Forget about it and now, throw the dagyix to the target."

Oh, it's dagyix?

Ginawa ko ang sinabi niya at mabilis iyong binitawan. Tumama ang dagyix sa pinaka-ilalim ng board. Malayong-malayo sa target.

"Hindi ganiyan, you need more focus," Hinawakan niya ang kamay ko at siya ang nag-mwestra ng dagyix sa target, "Try to let go the dagyix if you think that you're already focus." Bumuga ako ng hangin at pumikit bago ko pinakawalan ang dagyix.

Idinilat ko ang mata ko nang marinig kong pumapalakpak ang Luna habang katabi na nito ang board.

"Close enough, not bad."

Tinignan ko kung nasaan ang dagyix at nakita ko itong nasa ilalim ng target.

Tama nga siya.

Close enough.

Naalala ko ang sinabi sakin ni papa nang bata palang ako. He said that if I want to do something, I just need to focus para magawa ko iyon.

I think it's all about focus?

"I'll teach you how to read mind next time."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng Luna, "Talaga?"

"Yes. Keep practicing the dagyix. 'Wag na 'wag mo yang ibabato sa kahit na sino rito. The blade of that is poisonous."

Tinitigan ko ulit ang dagyix na binigay sa akin ng Luna at paulit-ulit na hinagis ito sa board. Lagi lang itong tumatama sa ilalim ng target kaya nadidismaya ako.

Gusto ko rin yung katulad nang ginagawa ng Luna. Ang galing niyang magbitaw ng dagyix. Lahat ng binibitawan niya ay sa target lahat napupunta.

How can she do that?






NAKATINGIN ako kay Kley habang hawak-hawak niya ang sentido niya. Gabi na sila umuwi ng Alpha at wala silang napala sa pinuntahan nila. He said that nandoon daw ang clorste ni Crius pero wala naman daw 'yon don.

Katulad ng nasa akin?

"What's clorste, Kley?"

"That's our tattoo. 'Yon ang nagsisilbing lakas namin laban sa mga kalaban. I don't know kung bakit niya tinanggal ang clorste niya, tinatalikuran niya na kaya kami?"

"Hindi niya naman 'yon tatanggalin kung hindi, 'di ba?"

"He's my apostle, hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa."

Niyakap ko lang si Kley hanggang sa kumalma siya. Sumasakit ang ulo ko. Di ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin. May naririnig akong boses pero 'di ko mawari kung saan nanggagaling.

Crius is here!

Come here, Kley!

I'm so tired, help me. I'm so done with Crius.

Kley!

Biglang tumayo si Kley kaya napabitiw ako sa kaniya, "I need to go somewhere."

"Kay Hades ba?"

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang noo ko bago tinignan ang pulsuhan ko, "Why?" He hugged me tightly and he keeps on saying I love you to my ears, "Bakit mo naririnig ang sinasabi ni Hades?"

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now