Kabanata 9 ✓

614 17 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Successful ang naging operasyon ni Tatay kung kaya't nakabalik na kami ngayon sa kubo nang matiwasay. The expenses are too expensive but we managed to pay all the bills that's needed.

Iyon ay dahil sa malaking tulong nila Areal at Sir Kevin.

Simula nang makabalik kami ni Tatay dito sa kubo ay hindi niya ako kinikibo. Tanging mga pag tango at senyas lamang ang sinasagot niya sa akin at naiintindihan ko iyon. Siguro naging malaki ang epekto nang isugod namin siya.

"Pareng Fred, hindi ba tayo iinom ngayon?"

Bumukas ang pintuan ng kubo namin at tumambad sa amin ang kaibigan ni Tatay na si Mang Ernesto. Kasalukuyan kong pinaghahain si Tatay ng pagkain nang siya'y dumating. Umiling sa kaniya si Tatay kaya nagulat ako, "'Wag na muna ngayon, pare. Kalalabas ko lang ng ospital."

"Oh sige. Pero kung gusto mo sumunod ka nalang at..." Nilingon ako nito at binasa nito ang ibabang labi niya na nakapandiri sa akin, "...isama mo na rin si Amber."

Napapiksi ako nang malakas na hinataw ni Tatay ang kaniyang kamay sa lamesa, "Hindi ba't sinabi kong ayoko?!"

"A-Ahhh... oh sige."

Mabilis na kumaripas si Mang Ernesto na sinundan ko pa ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inakto ni Tatay? Akala ko pa naman ay paglabas namin ng Hospital ay babalik siya sa nakasanayan niya. Nag-alala pa ako non pero ngayon ay napanatag na ang loob ko.

"Amber..."

Nilingon ko si Tatay at nagsandok ako ng kanin para sa kaniya, "Po?"

"Patawad."

Natigil ako sa pagsandok ng kanin at nilingon ito. He's looking directly at my eyes like he's sincere with the words that he's throwing towards me. Ngumiti lamang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa, "Ayos lang po iyon."

"Hindi iyon ayos, Amber. Malaki ang kasalanan ko sa'yo. Hindi na ako magtataka na mayroong pulis na aaresto sa akin ngayon o sa susunod pang araw-"

"Tay! Ano bang pinagsasasabi-"

"...dahil kasalanan ko naman lahat. Noong namatay ang nanay mo ay nawala ako sa ulirat at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko matanggap na nawala ang nanay mo kaya nilibang ko ang sarili ko sa mga bagay na alam kong pagtutuunan ko ng pansin." He paused. Hinawakan niya ang aking kamay na para bang walang nangyari sa aming dalawa. Na para bang okay kaming dalawa.

"Natuto akong magpakalasing. Nang dahil doon ay hindi na ako nakapasok sa aking trabaho. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ibinenta ko ang bahay natin dati sa Davao. Nalulong ako drogo dahil pinagamit ako non ni Ernesto. Patawad, anak. Hindi ko alam ang ginagawa ko nong mga oras na ginawa ko 'yon sa'yo. Gusto kong magsimula tayo muli noon pero na-impluwensiyahan ako ni Ernesto. Naubos ang perang pinagbentahan natin dahil sa sugal."

Tumulo ang luha ni Tatay na labis kong ikinagulat. Tinakpan niya ang kaniyang mukha na tila ba ayaw sa aking ipakita ang kaniyang paghihinagpis ngayon.

"Nakikita ko si Esmeralda sa'yo kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Unang tikim ko pa lamang ng droga ay agad ng umepekto iyon sa akin at ikaw ang napagbuntunan ko dahil akala ko ay ikaw si Esmeralda. Sa bawat sarap ng drogang nahihithit ko ay hindi ko alam na ikaw pala ang nasasaktan. Hindi ko alam ang mga nangyari, Anak. Patawarin mo ako."

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now