Kabanata 6 ✓

692 22 0
                                    

|*|

Third Person's Pov

Agad naalarma ang dalawa sa narinig nilang tinig. Dinampot ni Kley ang kaniyang polo at ipinasuot ito sa babaeng kaharap niya ngayon. Akmang aalis na siya nang pigilan siya nito, "What?"

"P-Pwede bang maulit?"

"Once is enough."

Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sasabihin nito at kumaripas na siya ng takbo. Naiinis siya dahil naudlot ang pagpapaligaya niya sa babae.

"She's cute but she look so innocent. Not my type."

Nagkibit na lamang ng balikat si Kley dahil para siyang tangang kinakausap ang kaniyang sarili. Kung sino man ang istorbo sa pantasya niya, tiyak na isusunod niya.

|*|

Amber's Pov

Napatigil ako sa paglalakad nang may mabilis na hanging lumagpas sa akin. Nilibot ko ang aking paningin pero ako lamang mag-isa sa hallway papunta sa auditorium. Nagsimula akong kilabutan. Tangina. Ano 'yon?

"Areal!"

Binuksan ko ang pintuan nong auditorium at nakita ko si Areal na nakatulala sa kawalan na tila may malalim na iniisip. Lumapit ako sa kaniyang kinauupuan at pinakatitigan ang kaniyang mukha, "Yel?"

Iwinasiwas ko ang aking kamay sa kaniyang mukha pero wala itong epekto dahil nakatulala pa rin siya. Ano bang nangyari sa babaeng 'to?

Nakakalat ang kaniyang dress sa lapag kaya mas lalo akong nagulumihanan. Tanging ang suot niya lamang ay isang mahabang polo... at hindi ko alam kung mayroon siyang damit panloob.

"Yel."

"Areal!"

Hinampas ko siya nang malakas sa kaniyang balikat nang hindi pa siya lumingon sa akin. Nang matauhan naman siya ay bigla siyang bumaling ng tingin sa akin, "B-Bakit?"

"What happened to you?"

Inilibot niya ang kaniyang mata na tila may hinahanap kaya ganoon din ang ginawa ko. Wala naman akong nakikitang ibang tao... oh! oh no! Maliban na lamang kung mayroon siyang third eye!

"May nakikita ka bang multo?!"

Ngumiwi siya dahil sa sinabi ko, "Seriously?" Inikot niya ang kaniyang mata sa akin at umalis sa pagkakaupo sa lamesa. Dinampot niya ang mga damit niya at tinignan ako, "Uhm... did you see Kley?"

Ako naman ang napangiwi. Paano mapupunta rito iyon? Ang alam ko ay wala silang pasok ngayon dahil alam ko ang schedule niya. Okay, ako na ang stalker.

"Nope! Wala silang pasok ha?"

She immediately shook her head and she started to pull my hair, "Oh my gosh! Nandito si Kley and we made out!"

Agad akong nanlumo dahil sa kaniyang sinabi. A-Ano raw? They made out?

"What do you mean?"

"Can't you see Amber? Polo niya itong suot ko!"

She giggles at ngayon ko lang napagmasdan ang kaniyang suot na polo. Panlalaki nga iyon pero hindi ko naisip na si Kley ang nagmamay-ari non. Sa isiping may nangyari sa kanilang dalawa ay parang tinutusok ang puso ko.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon