Kabanata 8 ✓

650 24 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Pinapunta ako ni Sir Kevin sa bar. Kahit hating gabi na ay pumunta pa rin ako dahil iniisip ko ang kalagayan ni Tatay. Ayoko pa siyang mawala... kahit na ganoon ang kaniyang pakikitungo sa akin ay mahal ko pa rin iyon.

"Hey, bitch! Why late-"

"Maya na, Daph."

Nilagpasan ko lamang ang nagtatakang mukha ni Daphney at pumunta ako sa office ni Sir Kevin. Nang makarating ako sa pintuan ay huminga muna ako nang malalim bago kumatok.

"S-Sir, Aimee po."

"Come in."

Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tumambad sa aking mukha ang pagsasalin ni Sir Kevin ng ilang alak. Nag-angat ito ng tingin sa akin at agad naman ibinalik ang tingin sa kaniyang ginagawa, "What do you need, Aimee?"

"Uhm... nasa Hospital po si T-tatay. I can't afford the expenses Sir that's why I'm here infront of you..."

"So, it's all about money then?"

Ibinaba nito ang hawak na mixing glass at lumingon sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin kaya umurong ako nang bahagya hanggang sa nakasandal na ako ngayon sa pintuan. Pigil hininga akong nakatitig sa kaniyang mga mata, "You know what I want, Aimee."

Ang katawan ko ba ang kaniyang tinutukoy? For the sake of my father, I'll do anything that he wants. Sa katunayan nga ay dapat nagdidiwang na ako sa kalagayan ni Tatay, pero nangibabaw sa aking puso ang mga nagawa niya sa akin mula nong bata pa lamang ako. Noong panahong masayang-masaya pa kaming tatlo at walang iniisip na problema.

Totoo ngang bilog ang mundo. Everything turn upside down nang pumanaw ang aking ina dito sa mundo. Naging lulong si Tatay sa alak at iba-ibang babae ang kaniyang pinapatos.

Kasama na ako 'don...

"I'll do anything, S-Sir."

Ngumiti ito sa akin kaya nakita ko ang dalawang biloy nito sa kaniyang pisngi, "Good. How much do you need?"

My jaw literary dropped. I was surprised, ganoon na lamang iyon kadali sa kaniya?

"Totoo po ba yan, Sir?"

He just looked at me then he chuckled, "You don't like it?"

Sunod-sunod akong napailing sa kaniyang tinuran, "I like it, Sir! Thank you."

Mabilis akong yumakap nang mahigpit kay Sir Kevin. Naamoy ko pa ang mabango niyang pabango na nanuot sa aking ilong. Ginulo lamang nito ang aking buhok. Kumalas ako ng yakap dito at tinignan siya, "S-Salamat..."

"Don't be grateful first. Be grateful when you already do what I want."

Napalunok ako sa kaniyang sinabi. He smiled at me bago nagtungo sa kaniyang desk. Sinundan ko siya at nakita ko siyang binubuksan ang kaniyang vault, "Sit down."

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Hinintay ko ang kaniyang susunod na gagawin pero nakatanga lamang siya sa aking mukha. Nailang ako kaya mahina kong tinapik ang kaniyang mukha.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now