Kabanata 19 ✓

534 18 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Naaasiwa ako sa mukha ni Tatay dahil matalim iyong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali? Sa paraan kase nang kaniyang pagtitig ay parang lalamunin niya ako nang buo.

"T-Tay, may problema ho ba?"

Tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo, "Nasaan ang iyong nobyo? Bakit hindi ko siya nakikita ngayon?"

"P-Po?"

"Nasaan ang nobyo mo kako? Bakit hindi man lang nagpaparamdam ang lalaking iyon?"

Natutop ang aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Tatay dahil una sa lahat ay hindi ko naman talaga boyfriend si Kley. Ako lang naman kase ang nag-aassume na magugustuhan niya ang isang tulad kong ganito lang ang estado sa buhay.

Kung ako lang si Areal...

Isa sa pinagpapasalamat ko na rin kay Kley ay ang bahay sa likod ng kubo namin. Tapos na iyon at napakaganda nang pagkakagawa na animo'y propesyunal ang gumawa nito. Gamay na gamay ang pagtatrabaho.

"B-Busy lang po si Kley, Tay–"

"Ah. Sige, matutulog na ako. Matulog ka na rin at may pasok ka pa bukas."

He patted my head at tumango lamang ako rito. Hindi ako rito sa kubo natutulog dahil binabantayan ko ang bahay sa bakuran. Ayokong may mawalang gamit doon. I sighed heavily. Namimiss ko na si Kley.

Lumabas ako ng aming kubo at maingat na sinara ang pintuan niyon. Naglakad na ako papunta sa likod bahay habang nilalanghap ang sariwang hangin na humahaplos sa aking braso.

Ang tahimik. Napakatahimik.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay at agad iyong sinara, "Hey."

"Ay tanga!"

Napahawak ako sa aking dibdib nang makarinig ako ng tinig sa aking likuran. Humarap ako rito at nakita ko si Kley– si Kley?!

"Kley?!"

Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa isang sofa. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang titigan ko siya mula ulo hanggang paa. He's not wearing any clothes except from his goddamn boxer! "Do you like what you see?"

Heck! I love it, Kley!

"N-No." Nagpalit ako ng sapin sa paa bago ko itinali ang aking buhok, "A-Ano palang ginagawa mo rito?"

"As far as I know, this is my house too, my boo."

Parang tanga ang aking puso dahil ramdam kong naghuhurumentado ito sa bilis. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng isang Kley Strorch! Nagiging marupok ako pag ginagamitan niya ako nang mga mabulaklak na salita.

"Ganon ba? Sige, matutulog na ako. May pasok pa ako bukas."

Nilagpasan ko siya at akmang iaangat ko na ang kanan kong paa nang may humigit sa aking kamay. Napatili ako nang dahil doon at kitang-kita ko sa mga mata ni Kley ang lungkot habang tinititigan niya ako, "K-Kley! Ano ba yan?!"

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now