Kabanata 28 ✓

221 7 0
                                    

|*|

Amber's Pov

I felt anxious when I left Areal's room. Kailangan na kase naming umuwi ni Papa dahil maghahating-gabi na rin. May sumasakit na rin sa katawan ni Papa kaya gusto kong tumigil na siya sa pagtatrabaho pero ayaw niyang iwanan ang trabaho niya dahil napamahal na raw siya rito.

"Tara na 'nak?"

Tumango ako at dumiretso na kami kung nasaan ang sasakyan.

"If that's the case, I think that person has a lot of connections too, right."

Sumasakit ang ulo ko tuwing iniisip ko ang sinabi sakin ni Areal kanina lang. Posibleng ganon ang nangyari pero sino kayang taong kayang magtago kay Kley?

Kung ganon, hindi siya mortal dahil si Kley ang kinalaban niya.

Sino siya?

I think there's a chance that this person is immortal. Posible kayang katulad din siya ni Kley?

Nahagip ng mata ko ang braso ni Papa habang nagmamaneho siya. May maliit na hiwa ito sa bahaging kanan, "Pa, ano nangyari riyan?"

Saglit na tumingin sa akin si Papa at ngumiti, "Wala ito 'nak. Wag mo na pansinin," Tumango ako at binalik ang tingin sa labas, "Kumusta ka na nga pala? May ideya na ba si Kley kung sino ang gumawa sa'yo niyan?"

"Wala pa po. Inaasikaso na naman po ni Kley yung cctv footage sa bahay natin." He just nod from what I said then he continue driving.

Nang makarating kami sa bahay ay naabutan ko si Kley na may hawak na aso. Hindi niya pa kami napansin ni Papa dahil busy siya sa pag-usap dito at ni anino ko ay hindi man lamang pinapansin.

Seriously?

Nang napansin niya na ako ay dahan-dahan niyang ibinaba ang aso sa sofa at tumungo sa amin. Nagmano siya kay Papa at tinanguan siya nito, "Good evening, Tito." He immediately shifted his eyes at me. Bigla niya akong niyakap kaya nanlaki ang mata ko. Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos ni Kley.

Ayos lang kaya siya?

"What's with the dog, Kley?"

"Uh yeah," Kinuha niya ang aso sa sofa at lumapit sa akin. The dog is barking when Kley handle it to me. Tila ba ayaw nito sa akin.

Grabe ha. Anong meron si Kley na wala ako?

"We lost our baby," Hindi ako nagsalita dahil sa sinabi niya, "But I bought you a dog para hindi ka na masyadong ma-stress." He smiled at me kaya kinuha ko na ang aso sa braso niya. Nang hawakan ko ang balahibo nito ay tinahulan ako nito na tila ba gusto niya ang ginagawa ko.

Bahagyang tumulo ang luha ko sa sinabi niya pero mabilis ko iyon pinunasan para hindi niya na makita pero knowing Kley, lahat nalang napapansin niya.

"What's wrong? Why are you crying?"

Na-touch lang naman ako dahil sa sinabi niya. Ayaw niya na akong mag-isip pa ng kung anong bagay kaya niya ako binilan ng aso, I think that's genuine.

"You really love me?"

"Of course! Why did you ask?" Umiling na lamang ako at umupo sa sofa. He sitted beside me at kinuha ang aso mula sa kamay ko,"About my father..."

I looked at him intently. Tuloy kaya ang pagpapakasal niya kay Leewier? Hindi niya kaya napigilan nang pumunta siya rito kanina? "Ano nangyari sa lakad mo kanina?"

"There's something that I need to tell you."

Kumakabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Kley. May masama kayang nangyari sa lakad niya? Hindi na ba kami pwedeng dalawa?

"What is it?"

Humagikhik siya ng tawa pagkaraan ng ilang minuto. Kunot noo ko siyang tinititigan habang tumatawa siya. What's wrong with him?

"Kung kita mo lang itsura mo nang sinabi ko 'yon. Hahaha. Natatakot ka ba sa sasabihin ko?"

"Syempre. Ang seryoso mo kase masyado. Ano ba kase sasabihin mo?"

Humiga siya sa lap ko at hindi niya ako sinagot kaya tumaas ang kilay ko. Papakabahin niya ako tapos hindi niya rin pala sasabihin kung ano yung gusto niyang sabihin?! Napakadaya talaga nitong lalaking 'to.

Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

Minsan yung utak niya parang nasa ibang dimension.

"Nakausap ko na si Ama tungkol sa amin ni Leewier..." Hindi ako nagsasalita at hinihintay ko lang na sundan niya ang sinabi niya ngayon, "Hindi na tuloy ang kasal namin ni Leewier." Tila ba may paru-parong nagwawala sa tiyan ko dahil hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko ngayon.

Pwede na ba kami?

Kami na ba talaga hanggang dulo?

"Why? Anong ginawa mo?"

"I talked to the Alpha last time I went there and he said that hindi kaya ni Ama na gawin iyon. He just said that because he knows me well. Na hindi ako nagseseryoso pagdating sa relasyon," Dinilat niya ang kaniyang mata at tumingin sa akin, "But then, I found you. I couldn't ask for more. Ikaw nalang ang hinihintay ko. Kung kailan mo sila gusto makilala, dadalhin agad kita kung saan ako lumaki."

He really trust me. Base pa lamang sa sinasabi niya ay halata ko ng mahal na mahal ako ni Kley.

Ako rin naman.

Mahal na mahal ko siya.

Hindi ko kayang makita siyang hawak ng iba. Maisip ko pa lamang na ibang babae ang hinahalikan niya ay nagwawala na ang buong sistema ko. Paano pa kaya kapag iniwan niya ako?

Mababaliw kaya ako?

Sobrang mahal ko si Kley at ayokong may ibang babaeng hahawak sa kaniya.

Ako lang.

Gusto ko ako lang.

I'm carresing his face. Ang gwapo-gwapo niya talaga, "I'm ready to meet your parents, Kley. But I want to know first what happened to me and to our child."

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ