Kabanata 20 ✓

602 17 1
                                    


|*|

Amber's Pov

Nakapangalumbaba kong tinititigan si Areal habang kumakain ito. She likes Kley, and do I. Ano nalang ang gagawin ko? Nauna niya iyong nasabi kaya malamang na ako ang mapupurahan dito. Na ako ang nag-agaw kuno kay Kley when in fact wala rin namang sila.

"Hey, stop doing that. Ano bang problema mo?"

Nag-inat ako atsaka pumikit. Tamad na tamad akong magsalita ngayong araw. Napanaginipan ko kase si Kley kagabi. He told me that he's not mortal and I literally know that.

"Naniniwala ka ba sa Myth?"

"Meat? Karne?"

Tumaas ang sulok ng aking labi. I rolled my eyes, she has a point but it's pointless. Tama naman kase dahil parehas lang nang bigkas, "No, what I mean is Mythology."

"Oh, what 'bout that?"

"Naniniwala ka nga?"

"Definitely not."

Ngumisi pa siya sa akin at pinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Kung hindi siya naniniwala doon ay malamang na hindi rin siya maniniwalang hindi namin kauri si Kley. Knowing Areal, halos lahat sa kaniya ay biro lang.

"We? Totoo?"

"Yup. Ba't ikaw?"

"Tama lang," Kumuha ako ng isang fries sa kaniyang kinakain bago ako tumayo, "Tara na. Uwian na rin naman in a bit."

"Kinda."

Tumayo rin siya at binitbit ang kaniyang bag. Sabay kaming naglakad palabas ng Academy. All eyes are on us because of Areal, hindi ko naman ikakaila na maganda siya at nakakaagaw talaga ng atensiyon ang mga damit niya.

We waited for at least 20 minutes before my Father arrived. Agad akong nagmano kay Tatay nang makita ko siya at ganoon din ang ginawa ni Areal. Sumabay na ako dahil iginiya ako ni Areal papasok ng kotse nila.

"Anak, hindi ba pupunta ang nobyo mo sa bahay?"

Agad nanlaki ang mata ko sa tinanong sa akin ni Tatay, bumaling sa akin ng tingin si Areal at ngingisi-ngisi akong tinitigan, "And who's the guy ha?"

Tinignan ko si Tatay at nahihinuha kong malapit na niyang ibuka ang kaniyang bibig, "Uhh-"

"Si ano hija, si-"

May sasakyang nag-overtake sa amin at malakas na ingay ang dulot non. Kumunot lamang ang noo ni Areal at ngumiti sa akin, "Whoever he is, support ako sayo."

Tagaktak ang pawis kong lumabas ng kanilang kotse. Hindi ako mapakali dahil baka bumalik sa isip ni Areal ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! Hindi ako handa! Ayokong kamuhian niya ako.

Umangkla sa braso ko si Areal at giniya ako papasok ng kanilang bahay. Si Tatay naman ay pinaparada ang kanilang kotse sa garahe.

"Yaya, pakidala naman ng mochi sa kwarto ko. Thanks."

Umakyat si Areal kaya sinundan ko siya. Wala pa rin ako sa wisyo dahil sa tanong na iyon kanina. Hanggat maaari ay ayoko nang maungkat ang bagay na iyon.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon