Kabanata 13 ✓

619 25 0
                                    


Warning: SPG

|*|

Amber's Pov

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ko ang sarili kong repleksiyon sa salamin. Nakasuot na ako ng maiksing damit at naghahanda para sa kung sinong lalaki ang magte-table sa akin.

Noong isang linggo pa ako nagsimulang i-table ng mga lalaki pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Hindi naman ako pumapayag na galawin nila ako.

Hipo lang...

Bumukas ang pintuan ng dressing room at iniluwa noon si Sir Kevin na nakangiti sa akin. Itong dressing room na ito ay ginawa para sa aming mga babaeng tine-table ng kahit na sinong lalaking may gusto sa amin.

At first, I started to become conscious kase lahat sila ay sa mismong harap ko naghuhubad at nagpapalit ng mga damit na maiiksi. Hindi ko sila gaanong close dahil iba dati ang trabaho ko sa kanila pero ngayon ay unti-unti na akong nasasanay.

"Are you okay? You look tense."

"Ayos lang po ako..."

Nginitian ko na lamang ito at pinagpatuloy ang pagsuklay sa mahaba kong buhok. Kinuha niya sa akin ang suklay na hawak ko at siya na ang nagtuloy niyon.

"The guest for tonight is big time. Hindi siya katulad ng mga nakakasama mong may edad na."

Nagulat ako sa sinabi ni Sir Kevin. Naka-toka kase sakin lagi ay ang mga matatandang customer para raw malaki ang bayad at magkaroon pa ako ng tip kung maganda ang performance ko, "Bata?"

"Nope. Siguro ay matanda lang sa'yo ng tatlong taon o dalawa."

I just nodded from what he said. Tinapik niya ang aking balikat kaya napalingon ako sa kaniya. Binigyan niya ako nang isang mabilis na halik sa aking labi bago lumabas ng kwarto.

I sighed. Kahit ayoko ng mga ginagawa niya sa akin ay hindi ko iyon matatanggihan. Pag tinanggihan ko iyon ay siguradong wala na akong trabaho kinabukasan.

Binuksan ko ang aking cellphone nang maramdaman kong nag-vibrate iyon.

From: Arealsss

Hey, gising? Eym just going to remind u ha? May quiz tayo bukas by partner so be ready ha? Loveyou. G'night.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinagong muli ang aking cellphone sa loob ng aking sling bag. Kailangang maaga akong makauwi para makapaghanda ako sa test namin mamayang umaga.

For the third time, I sighed. Bakit ko ba kase nararanasan ang ganito?

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at lumabas ng dressing room. Binababa ko pa ang suot kong damit dahil masyado iyong maiksi kumpara sa mga sinuot ko nong nakalipas na araw.

Ang ilang mga katulad ko ay binabati ko rin nang malagpasan ko sila. Naka-close ko na naman sila kaya hindi masyadong nakakailang.

Napalingon ako kay Sir Kevin at pinalapit ako nito sa kaniya. Okay, this is it Amber.

|*|

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now