Kabanata 25 ✓

315 10 0
                                    

|*|

Amber's Pov

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok. Nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Kley habang nasa gilid niya si Leewier. I scan the whole place, nasa hospital ako.

Wait.

Nasa hospital ako!?

"Kley, bakit ako nandito?!"

Agad akong bumangon sa aking pagkakahiga pero napahiga ulit dahil sa labis na pagkahilo. Dinaluhan agad ako ni Kley at inayos ang unan ko, "Magpahinga ka na muna, Amber. Let's talk later 'pag maayos na ang pakiramdam mo."

Tumango lamang ako sa kaniyang sinabi. Kumuha siya ng mansanas sa gilid ng kama ko at inalok ako niyon. Gutom na gutom ako at hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa aking tiyan. My baby...

Nanlaki ang mata ko.

"Kley, nasaan ang baby natin?!"

"Amber, calm down-"

"Shut up, Leewier! Kley, where's our baby?!"

Hindi ko pinansin ang balak na sabihin ni Leewier. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. 'Yon ba ang rason kung bakit ako nandito?

Wala na ba ang baby namin?

Umupo si Kley sa gilid ng kama ko at hinaplos ang aking buhok, "He's gone, boo. Wala na siya."

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. No! It can't be!

"No! No!"

|*|

Kley's Pov

"How is she?"

"She's sleeping again. Kakausapin ko nalang nang maayos kapag okay na siya."

Leewier just nodded at me. Hades is here too at silang dalawa ang dumadamay sa amin ngayon. Masakit sa akin para mawalan ng anak at alam kong iyon ang nararamdaman ni Amber ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari...

Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa mag-ina ko.

I want to ask Amber about it pero sa tingin ko ay wala akong matinong sagot na makukuha sa kaniya ngayon. Gusto ko siyang samahan at damayan sa loob pero tinataboy niya ako. I don't know what's going on!

"Bro, bili muna kami ni Leew ng pagkain natin."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Hades at naramdaman ko nalang na tumayo na silang dalawa. Ilang oras na akong walang kain... gutom na nga ako. Nakakalimutan ko talaga ang sarili ko 'pag si Amber na ang pinag-uusapan.

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at sinilip si Amber sa loob ng kaniyang kwarto. She's peacefully sleeping. Ang ganda-ganda niya talaga sa paningin ko.

"Kley! Kley!"

Nabaling ang tingin ko nang may tumawag sa pangalan ko. I saw Areal at may kasama siyang dalawang matanda sa likuran niya. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELOù les histoires vivent. Découvrez maintenant