Kabanata 15 ✓

624 26 0
                                    

|*|

Amber's Pov

Napangisi ako nang bilangin ko ang perang hawak-hawak ko ngayon. Humigit 50,000 na ang naiipon ko mula nang makasama ko si Kley ng isang gabi. Binigyan niya pa ako ng pera pagkatapos namin pero hindi ko iyon isinama.

Tinago ko iyon sa loob ng aking bra at nakangiting lumabas ng bar. Tapos na ang trabaho ko dahil alas dos na ng madaling araw. Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Kley S.

Hey? Still awake?

Nagtipa naman agad ako ng isasagot sa kaniya.

To: Kley S.

Yup. Pauwi na ako.

Itinago ko ang cellphone sa aking maliit na bag. Pag-angat ko ng tingin ay bahagyang napaatras ako at napahawak sa aking dibdib, "Sir naman! Ginulat niyo ho ako."

Tumawa ako nang bahagya pero tumigil din ako nang makita kong seryosong nakatitig sa akin si Sir Kevin. Napakagat labi ako at yumuko na lamang dahil sa kahihiyan.

"'Di ba ang naging kasunduan natin ay papayag ka ng makipagtable sa mga lalaki? Why did you stop?!"

"S-Sir, babayaran ko nalang po yung hiniram ko..."

"No! Our deal is our deal! Pumayag ka so why are you turning back?!"

"S-Sir ano ba?!"

Pilit kong inaalis ang kaniyang mukha sa aking mukha pero sadyang mas malakas siya sa akin kaya nakulong niya ako sa pader. He started to kiss my neck while his hands are roaming on my body. Malakas ko siyang tinulak kaya napaatras siya nang bahagya.

"B-Babayaran ko na nga lang, Sir!"

"What the hell?!"

Hindi ako naging handa sa sunod niyang ginawa. He punched me on my stomach at kasabay niyon ay ang pagpunit niya sa aking damit, "S-Sir please-"

"You shut up, slut!"

Hinalikan niya ako nang mariin. Hindi ako makapiglas dahil sa sakit ng aking sikmura na tinamo ko galing sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na nasuntok ako sa sikmura pero matindi pa rin ang sakit.

Naglakbay ang kaniyang mga kamay sa aking gitna kaya napapikit nalang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin. Pero ilang minuto ay wala na akong nararamdaman kaya minabuti kong idilat ang aking mga mata.

And just what the fuck?!

What the hell is happening?!

Napanganga ako nang ilang beses na sinuntok ni Kley si Sir Kevin. Kahit na madilim sa aming kinaroroonan ay kita ko ang dugo na nagmumula sa gilid ng labi ni Sir Kevin, "Kley!"

Tinangka kong tumayo pero hindi ko kaya. Nakamasid lang ako sa walang humpay na pagsuntok ni Kley sa amo ko, "K-Kley stop..."

Tinigilan ni Kley si Sir Kevin bago ako nilapitan nito, "Hey, are you okay?"

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon