Kabanata 4 ✓

724 23 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Agad kong siniko si Francis nang hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Napabalikwas naman ito at mabilis na tumalima, "A-Ano po sir?"

"Devil springs vodka."

Napako ako sa aking kinauupuan dahil sa kaniyang pag banggit ng mga salita. Napakalamig. Ni wala kang mararamdaman na emosyon kapag nagsasalita siya ng buong-buo.

Francis started to mix the alcohol that's needed. Natataranta pa ito dahil nakailang ulit siya nang pagtimpla ng isang vodka. I know that liquor. Alam kong isa iyon sa pinakamatapang na alak. At wala akong balak na tikman iyon.

"Kley bro! Let's go, kanina pa nasa labas si Hades at sinusundan si ano."

Nagawi ang paningin dito ni Kley. Hindi ko kilala ang lalaking kumausap sa kaniya, ngayon ko lamang siya nakita. Tumango siya sa lalaki at bumaling ng tingin kay Francis, "Stop mixing. Tss." Umalis ito sa stool bar. I thought that he's going to leave but instead he face me, "Nice mask huh."

Napanganga ako sa kaniyang sinabi habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang bulto, "A-Aba't— narinig niyo ba iyon? Ininsulto niya ako!"

Padabog na ibinaba ni Francis ang hawak niyang isang bote ng alak, "Parang kung sino. Ang yabang masyado!"

Daphney just rolled her eyes from what he said, "Tss. Ni hindi ka nga makagalaw kanina riyan sa kinatatayuan mo? Ano na bro? Hahahaha."

"Tss. Epal ka rin no?"

Patuloy lamang si Daphney sa paghagalpak ng tawa habang nakasimangot naman si Francis at umiiling. Tingin ko, hindi naman talaga nainsulto si Francis, in fact mas mabuting ipinatigil pa ni Kley ang pagmimix niya dahil mas lalong mapapahiya lamang siya rito.

"But look Aimee ha, napansin ka niya. Gosh!"

"Ahh..."

Natutop ang aking bibig na tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Yes, he noticed me. At hindi ko alam kung bakit ako pa? Dahil nga ba siguro sa suot kong maskara?

"Manahimik ka nga Daph! Nakakarindi tenga mo."

Daphney just frowned, "Eh ikaw ka-lalaking tao mo pero putak ka nang putak!"

"Aba't—"

Umalis si Francis sa tabi ko at hinabol si Daphney na tumatakbo na ngayon papunta sa dance floor. Napailing na lamang ako sa inasta nilang dalawa. Parang walang trabaho kung maglaro lamang dito.

Daphney is a waitress and Francis is a bartender. May kaya ang pamilya nilang dalawa at ang ginagawa lamang nila dito ay para meron silang extrang pera kung meron man silang kailangang bilhin hindi katulad ko na budget na budget ang kinikita.

"Aimee."

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Sir Kevin, "Hi, Sir!"

Kumuha ito ng isang bote ng rum. At base sa pagkakabasa ko rito ay isa itong Brugal Añejo. Lumapit siya sa akin at ipinakita ang hawak niya, "Do you wanna try?"

"U-Uhm..."

Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot. Ngumisi siya sa akin at tinanggal ito sa kahon. Binuksan niya ito gamit ang bottle opener at narinig ko pa ang pagkakatanggal ng takip nito. Kumuha siya ng cocktail jiggers at nakatingin sa akin habang sinasalin iyon doon.

"I'll teach you how to mix."

"P-Po?"

Ngumiti lamang ito sa akin at kinuha ang mixing glass sa ilalim. Isinalin niya ang rum doon at hinalo gamit ang bar spoons, "Dapat tama lang ang lasa. Hindi matamis at hindi mapait. Sakto lang." Itinigil niya ang paghalo rito at inabot sa akin ang baso.

"A-Anong gagawin ko po rito?"

"Try it, Aimee."

Kinuha ko sa kamay niya ang baso at mabilis itong nilagok. Nanuot sa aking lalamunan ang lasa nito at napangiti ako. Hindi nga siya nagkakamali ng timpla. Tama lang ang lasa.

"This is good, Sir!"

"Thank you."

Akmang hahalikan ako nito ng biglang humampas ang kamay ni Daphney sa isang stool bar habang humahagalpak ng tawa. Lumayo ako nang bahagya sa aming amo.

"Aimee, ang tanga ni— Ay! Good evening, Sir!"

"Good evening, Sir!"

Napaayos ng tayo ang dalawa. I chuckled from what I saw. Para silang maamong pusa ngayon sa harapan ni Sir Kevin. Tumaas ang isang kilay ni Sir Kevin at bumaling ng tingin kay Francis, "Why are you not here, Francis? At ako pa talaga ang ipinagtimpla mo para sa costumer natin."

"P-Patawad po."

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Kung ganoon, ako ba ang tinutukoy nitong costumer? Sa kaloob-looban ko ay tumatawa na ako dahil ang lame ng reason ni Sir Kevin.

"Warning, Francis. Go back to work."

Mabilis na nakarating si Francis sa tabi ko at iniligpit na ang kaninang ginamit na pang timpla ni Sir. Lumingon sa akin si Sir at kumindat bago umalis pero pinisil muna nito ang aking puwet kaya napakagat ako ng labi.

Ugh. I think his hands are really for mine only. Haha. Kidding, mas gusto ko pa rin kung si Kley ang gagawa non sa akin at hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyayari iyon.

Lumipas ang ilang oras at alas dos na ng madaling araw and it means na tapos na rin ang aking trabaho. 4 hours lamang ako rito sa bar dahil nagsasara ito ng ala sais ng umaga at merong papalit sa akin.

Nagtungo ako sa dressing room at agad na nagpalit ng damit. Inilugay ko ang buhok ko kanina na nakatali at naladlad ito hanggang sa aking bewang. Tinanggal ko ang aking maskara at tumingin sa salamin.

I smiled while seeing my own reflection on the mirror. Nagmukha na ulit akong inosente dahil nawala ang kolorete ko kanina sa mukha na nagpapamukhang dalaga sa akin kapag oras na ng aking trabaho.

Inayos ko ang aking gamit at nagpalit na ng isang tsinelas dahil sumakit ang aking paa sa suot kong heels.

For now, I am Amber Madrigal again.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELWhere stories live. Discover now