Chapter 33

16.8K 389 12
                                    

Madaming bisita ang dumalo sa Mansion ng Crescent dahil sa engrandeng kaarawan ng triplets.

"Happy Birthday, Thunder, Storm and Snow." nakangiting bati ng kararating lang na bisita sa triplets na nakatayo katabi ang magulang nila.

"Salamat naman at nakadalo kayo Jander,Beatriz" saad ni Alisha na ina ng triplets.

"Oo nga eh,pinilit pa kasi namin si Ace na sumama." natatawang sagot ni Beatriz na nakahawak ang kaliwang kamay sa kamay ng anak na lalaki

Tinignan naman ng mag asawang Crescent at nginitian ang batang si Ace na nakatitig sa anak nilang babae.

"Oh anak,ibigay mo na ang regalo mo sa triplets" itinuro pa ng ina ni Ace ang hawak hawak nitong maliit ni paper bag.

Walang imik naman na inabot ni Ace ang maliit na paper bag na hawak nito sa batang babae na nakatingin sa kanya ng inosente.

"So small" maliit na boses na pagkakasabi ni Snow na tinutukoy ay ang paper bag na inabot sa kanya.

Lahat kasi ng regalo na binibigay sa kanila ay puro nakabalot sa malalaking kahon tapos ang sa batang Ace ay isang maliit na paper bag lang.

"Ayaw mo nun baby girl? Kami lang naiiba" tawa ng ama ni Ace.

"Oh okay, thank you"ngumiti si Snow na nakapagpanganga kay Ace.

Natawa ang magulang ni Ace at ng triplets ng makita ang naging reaksiyon ni Ace dahil sa naging pagngiti ni Aisha.

"Thank you"sabay na pasasalamat ni Thunder at Storm sa mga magulang ni Ace.

Nilagay ng magulang ng triplets ang paper bag sa lagayan ng regalo.

Nagpaalam muna ang magulang ng triplets sa magulang ni Ace. Dahil madami pa silang haharaping bisita.

Hawak-hawak nina Alisha at Daniel ang kamay ng triplets habang patuloy na binabati ang mga dumalo.

"My triplets,gusto niyo bang sa playroom muna kayo kasama ang ibang kids? Kami na lang ng daddy ang kukuha ng regalo na binibigay sa inyo"paliwanag ni Alisha sa mga anak. Nagsitanguan naman ang triplets dahil pagod na rin sila.

Dinala ni Alisha at Daniel ang mga anak sa playroom na nasa ikalawang palapag ng bahay kung saan nandun ang ibang bata na naglalaro. May bodyguard din sa paligid para bantayan ang mga ito.

Niyakap muna ng mag asawa ang triplets bago pinapasok sa loob ng playroom. Nang iwan ng mag asawa ang anak nila ay agad na nagsilapitan ang mga kapwa nilang bata sa kanila

"Birthday niyo diba?" tanong ng batang si Lorraine

Tumango na lang ang batang si Storm dahil di niya alam kung sino sa kanilang tatlo ang tinatanong niya.

"I'm Lorraine" pagpapakilala nito sa kanila.

"I'm Aziro" sulpot ng batang lalaki na may hawak na laruang robot.

"Ako si Brent and she's Hailey" pagpakilala ng batang brent na may hawak na toy car. Tinuro din nito ang katabing babae na nakangiti sa kanilang tatlo habang may hawak na manika.

"I'm storm" tinuro nito ang sarili "and this is Thunder and Snow." tinuro nito ang dalawa pang kapatid.

Napatingin sa kanila ang mga batang lalaki na sa isang sulok at agad din na nagsilapit sa kanila

"Hi new friend, I'm Draze" pakilala ng batang Draze habang hawak ang laruan na spider man

"I'm Blake"pakilala din ng batang lalaki.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon