Chapter 28

17.1K 397 8
                                    

A/N: Typographical and grammatical errors ahead
Don't forget to vote and follow me

Aishaleya Snow POV

"Set A step forward and position yourself."

Seryosong sumunod ang higit isang daan na estudyante ng St. Apollo MG University

"Shoot it to the dot in the center as far as you can. The fastest the more chance to be in the highest rank"

Muling pagpatuloy ni Prof Garzen.

Nakakatawang tignan ang seryoso at kinakabahang mukha ni Hailey. Nagkahiwa-hiwalay ang set naming magkakaibigan. Set A si Hailey, Set K si Lorraine samantalang Set E si Rhianna at set G si Aziro. Habang set L si Brent, set P si Frazier at nasa huling set naman ako,ang set Z.

Bale Set A-Z ang lahat ng estudyante. Sa bawat set ay higit isang daang estudyante ang maglalaban-laban

"I told you not to attend this freaking duel!"

Napaigtad ako sa bench na kinauupuan ko ng marinig ang galit na baritonong boses ng isang lalaki na nasa harap ko.

Bakit nahanap ako neto? Nakipaghiwalay na nga ako ng upuan sa mga kaibigan ko at naghanap ng upuan sa pinakadulo kung saan hindi niya ako mahahanap pero heto't pa rin.

"Snow! I said don't attend this duel or else I'll stop this"

His alluring grayish eyes are directly looking at me

"Why are you shouting me?"malumanay na tanong ko at nagpalinga palinga kung saan pwedeng umupo na siguradong hinding hindi niya na ako makikita

"Nakaharang ka sa pinapanood ko"dagdag ko pa sa malumanay pa rin na boses at hinawi ang tagiliran niya para tignan ang Set A na ngayon ay kumukuha ng kani-kanilang mga pana para sa archery na gagawin. Mukhang natapos na ang pag-eexplain sa kanila.

" I.am.not.shouting.you.I. am.just.protecting.you"malumanay ngunit may diin ang bawat salita na sinasabi niya

Tila may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tapos na kami tinapos ko na ang lahat sa amin kaya dapat hindi ako magpa apekto sa sugar words niya

"Which set are you?"pag iiba ko sa usapan.

Hindi kasi ako nakikinig habang inaanunsiyo ang mga sets. Sinabi lang sakin ni Rhianna ang set ko ng puntahan ko sila sa field. Hindi ko na kasi sila naabutan sa gym.

Umuwi muna kasi ako sa hideout para kunin ang mga weapons ko. Nakalimutan ko na kakailanganin pala ito. Sana walang makahalata sa mga disenyo ng mga gamit ko jusko!

"Set Y"inis pa rin na sagot niya

Tiningala ko siya at nginitian.

"Good luck. Pwede bang bumalik ka na sa upuan mo?"

Alinlangang patanong na sabi ko. Dahil nasa stage ang mga magulang niya kasama ang lahat ng stockholders!

At lahat sila ay sa amin nakatingin! Napatingin din samin ang maraming estudyante!

Head turner talaga ang baog na 'to tsh!

"I'll sit beside you psh"masungit na saad nito at padabog na umupo sa tabi ko

Grabe! Grabe! Grabe ulit! Wala bang pakialam sa paligid ang Gray na 'to?!!!

"Ngayon lang 'to"asar at diin na pagkakasabi ko sa kanya.

"We'll see....... And why the hell all of you watching us?"galit na sabi nito sa mga estudyanteng parang videocam ang mga mata.

Pasalamat naman at natinag sila sa sinabi ni Gray dahil bumalik sila sa kanya kanya nilang ginagawa.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon