Chapter 3

26.5K 747 15
                                    

A/N:Beware of the typhographical and grammatical error

Aishaleya Snow POV

Hinihingal na tumigil ako sa harap ng pintuan ng classroom ko. Tupangina naman kasi kung sinu-sinong estudyante na ang pinagtanungan ko kung saan mahahanap College Building. Sa laki ba naman nito. Magkakapareho ang laki at lawak ng Highschool Building, Teachers and Faculties Building. Pati na rin ang SSG Officers Building. Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko bago kumatok ng pintuan.

"You are 40 mins late Ms?"bumaba ang tingin nito banda sa dibdib ko.  "Where's your id?" hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa dibdib ko. Tupangina ang manyak naman ng propesor na 'to. Hinanap ko naman ang ID ko sa bag at nilahad ito sa kanya. "Aishaleya Snow Caverly 1st Year College Student , Architecture" basa nito. Tumango-tango naman ito at pinapasok ako. "Thank you po Prof"kinuha ko muna ang id ko sa kanya dahil hindi matanggal ang titig nito sa mukha ko. Tsk tsk tsk child abuse ka Prof kung sakali.

"Ok students. She will be your new classmate. She's a transferee Ms Aishaleya Snow Caverly"
pagpapakilala nito sakin sa mga kaklase ko.

Ngumiti naman ako sa mga kaklase ko at nag bow. "Please take a sit Ms Caverly" agad akong humanap ng pwedeng mauupuan. Dalawa na lang ang bakante. Yung isa ay sa pinakadulo at yung isa ay nasa gitna ng dalawang lalaki meron din naman sa harapan pero pinili kong maupo sa pinakadulo.

"How is that possible?"

"I thinks she's the new victim"

"Prof Manzano never let anyone enter his class if he/she's late 15 mins or up"

"That transferee is 40 mins late"

"Did President Ace didn't saw her?"

Dinig kong bulong-bulungan ng mga kaklase kong babae at lalaki.  Tss pati lalaki chismoso din

"I'm Professor Frederick Manzano. I'll be your professor this school year so students from this section. Please get ¼ index card and write down your name together with your rank last school year."

"Yes Prof"maikling sagot namin. Kinuha ko naman ang ¼ index card ko sa loob at sinulat ang buong pangalan ko.

Hindi ko na sinulat kung anong rank ko dahil wala akong alam sa ganun at wala akong pakialam dahil hindi naman ako nag-aral dito last year. Pinasa ko naman ang index card ko sa harapan.

"Class dismissed" anunsiyo ni Prof. Nauna siyang pumunta sa harap ng pintuan. Binuksan niya ito at akma ng lalabas pero napatigil din ng may nakita sa harapan.

Hindi ko makita kung sino ang nasa harapan dahil nakaupo pa rin ako at ang mga kaklase ko ay nakatayo na pero napatigil din matapos makita ang nasa harapan. Hindi pa ba sila lalabas? Kasi ako gutom na huhu.

"Is Ms Caverly here?"agad akong nagtago sa likod ng upuan ko matapos marinig ang malamig at baritonong boses ng SSG President.

"Yeah she's here President Ace"sagot nito at bumaling sa pwesto ko. Napabaling naman ng tingin ang lahat ng kaklase ko sakin. Lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa likod ng upuan para di ako nito makita.

Napalunok ako ng may humila sa upuan na pinagtataguan ko. Okay I'm doomed. Tumingala ako at ang mukha ng SSG President ang bumungad sakin. Para akong malalagutan ng hininga sa sobrang sama ng pagkatitig nito sakin. Mukhang maayos na siya mula sa pagkakasipa ko sa alaga niya.

"Stand and follow me"walang emosyong utos nito sakin. Wahhhhhhh gagantihan niya ba ako? Huhuhu wala naman akong ahas eh. Kweba lang meron. Nanatili pa rin akong nagtatago kahit nakita niya na ako. Bahala siya diyan di ko siya susundin.

Hinila nito ang braso ko para mapatayo ako. Hinatak ako nito palabas ng classroom. Sumunod naman sa likod namin ang limang lalaking kasama niya. Pinagtitinginan kami ng bawat estudyante na madadaanan namin.

Ang bilis niyang maglakad peste! Para na akong madadapa sa pagkakahawak niya. Dinala niya ako sa SSG Officers Building. Binasa ko ang nakasulat sa labas ng pintuan "SSG President's Office" tinigilan ako nito sa pagkakahawak at binitawan nito ang braso ko.

Napanguso naman ako at tinignan siya ng sobrang sama. Namula ang braso ko peste. Di pa nga nawawala ang bakat ng kuko niya sa braso ko dinagdagan niya pa ulit ng panibago.

"Isusumbong kita sa boyfriend ko! Para matanggal ka niya sa school na'to. Kala mo ha! Siya ang may ari nitong school na kinatatayuan mo" I shouted and stick my tongue out to him.

"What the fucking shit! are you serious Ms gorgeous?"

"Hella fuck! are you kidding me Ms beautiful?"

"Bullshit motherfucker! how possible is that Ms Sexy?"

"Darn it! Freaking impossible! Ms Cutie"

"Goddamnit! Can't believe this! Ms Temptress"

Magkasunod sunod na saad na mura ng limang lalaki na tumayo pa talaga mula sa pagkakaupo sa sofa. Infairness ha ang ganda ng tawag nila sakin

Tinuro ko isa isa ang limang lalaki na nanlalaki ang mata sa gulat. "Pati kayo makkick out din! Isusumbong ko kayo sa sweetheart ko. Hindi niyo man lang ako tinulungan sa President niyong mokong na baog."singhal ko sa kanila ket maganda ang cs nila sakin

Napalunok ang unang lalaki na  mestizo. May manipis at pink na labi. Gwapo siya at matangkad. "Do you know who's the owner of this school?" Inirapan ko naman siya dahil sa tanong niya. "Malamang! Kaya nga isusumbong ko kayo diba?" I flipped my hair to him.

"But the" sabi ng katabi nito na may kulay lila na buhok na kagaya sakin. Ang mata din nito ay kulay lila. Parehong pareho sakin. Gwapo din siya at matangkad. Mas gwapo pa siya sa mestizong katabi niya.

"SSG President" pagpatuloy ng nasa gitna na may kulay lila na buhok at mata katulad ng katabi niya. Mukhang magkambal sila pero makilala mo naman kung sino ang isa sa kanila dahil mata at buhok lang ang pagkakapareho nila. Gwapo din siya at matangkad pareho silang matangkad ng katabi niya.

"Is the" pagpatuloy din ng nasa kaliwang tabi nito. Singkit ang mata nito at medyo moreno siya,may mapulang labi din.Gwapo din siya at matangkad.

"Owner of this school!" pagpatuloy ng nasa huling lalaki. Maputi ito at medyo may pagkachubby cheeks. Ang cute niya naman hihi. Tinignan ko silang lahat. Pareho silang nakasuot ng uniform. Naka long sleeve din sila na kulay stripe lavender,polo, strip lavender necktie at black pants terno with their black shoes.

"The SSG President is the owner of this school!" sabay sabay nilang sigaw sakin. Pinagpawisan ako ng matindi kahit may aircon naman dito. Ngayon lang nag sink in sakin ang sinabi nila. Double kill na ako.

Naalala ko lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya. Tupangina mukhang ako ang makkick out dito shemay!. Tumingin ako kay President Gray na nakangisi sakin. Goodbye earth hintayin niyo na lang ako sa Mars.

"Ahm P-president. I'm just joking mwehehehe" nag peace sign ako at tinakpan ng buhok ang aking mukha.

"Joking? Why don't we make it real? para hindi ka mapahiya sa kanila SWEETHEART"tinuro niya pa ang limang kasama niya sa sa council na palihim na tumatawa.

Namula ang mukha ko dahil sa tinawag niya sakin. Paano na'to?! Geez lupa kainin mo na me!.

Don't forget to vote.
Expect for everyday updates.
Ajs

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon