Chapter 37

16.4K 426 8
                                    

Rhianna Venice POV

"This coming Valentine's day we will having an event. I need two students,a girl and a boy to represent your section. Anyone?" 

Napangisi ako sa naisip,tinignan ko si Aisha na tahimik lang sa isang tabi,sa tabi nito ay si Ace na pasulyap-sulyap sa kanya. Pati ang kambal na Crescent ay napapasulyap din sa kanya. Pero hindi niya man lang ito pinansin dahil sa malalim na pag-iisip.

Ano kaya ang nangyari kagabi? Maayos naman siya kagabi? Ano kaya ang nangyari nung nauna kaming umalis sa parking lot?

Itinaas ko ang kamay ko kaya tumingin sakin si Prof Gallera. Siya ang prof namin sa music.

"Si Aisha, sir." bibong itinuro ko pa si Aisha na mukhang natauhan lang matapos marinig ang pangalan niya.

Nagsitanguan naman ang mga kaklase namin,tila payag sa suhestiyon ko na si Aisha na lang ang maging girl representative namin sa gaganaping event.

"Gaga ka! Anong trip mo?" siniko ako ni Hailey.

"I like what you did" Brent raise his thumb on me.

Kinindatan ko lang sila.

Nang tignan ko si Aisha ay matalim na ang tingin nito sakin. Nginitian ko lang siya ng matagumpay.

"So we have Aisha as a female representative. Who's willing to be Aisha's partner?" Muling tanong ni Prof.

Napahalakhak ako ng makitang halos lahat ng lalaking kaklase namin ay nagsitaasan ng kanilang mga kamay. Including Aziro and Frazier.

"Ako, Sir!"

"Mas bagay kami ni Aisha na maging partner, sir!"

"Sir,choose me!"

"Me, sir!"

Sigaw ng mga lalaki kong classmates. Ang iba ay ibinababa ang kamay ng katabi nila para hindi ito mapili.

"Uhh" naikamot ni Prof ang kamay nito sa panot niyang ulo.

Naiistress si Sir sa dami ng mga lalaki na gustong sumali.

Tinignan ko ang reaksiyon ni Ace,naka kunot ang noo nito. Hindi gusto ang nakikita. At ng tignan ko ang reaksiyon ni Aisha,nakasimangot ang mukha nito habang nanonood sa mga kaklase naming lalaki na hanggang ngayon ay ginugulo si Sir.

Naikagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makitang papalapit si Draze sa direksyon ko.

"Bakit?" Mataray na tanong ko.

"Ano na naman ang trip mo sa buhay?" Stress nitong tanong ng makalapit sa harapan ko at pinipigilan ang kamay na batukan ako.

Aba, pag ako binatukan niya,sisiguraduhin kong makakalbo siya.

"Keep quiet,all of you! I will be Aisha's partner,no buts."

Natahimik ang lahat ng magsalita si Ace. Nalukot ang mga mukha ng mga kaklase naming lalaki dahil di sila maka angal.

Prof Gallera cleared his throat.

"Okay then. Mr. Alastair Gray McKlein, will be your male representative." Final na sabi ni Prof.

"Success" ngising bulong ko sa sarili.

Alam ko naman kasi hindi papayag si Ace na may maka partner na iba si Aisha.

"What kind of event is that,Prof?" Tanong ni Aisha,pilit tinatanggap na kasali na talaga siya at partner niya si Ace.

"Singing event, the both of you must think a song that you'll gonna sing on the upcoming event." Sagot ni Prof kay Aisha.

Naitampal ni Aisha ang kamay nito sa kanyang noo.  Sus! Kung alam lang ng iba kung gaano kaganda ang boses nito. Nganga sila.

"Oh bakit nakatayo ka pa rin diyan?"

Takang tinignan ko si Draze dahil hanggang ngayon nasa harapin ko pa rin siya.

"Siraulo kang babae ka" inis na sambit nito at tinalikuran ako. Bumalik ito sa upuan niya. Tinignan naman siya ni Luis ng may nagtatakang tingin.

Tsk,baliw na ang lalaking yun..

Aishaleya Snow POV

"What kind of reaction is that? Don't you want me to be your partner? You want other boys to be your partner instead of me? Seriously,Snow?"

Napatitig ako kay Ace dahil sa sunod-sunod na tanong nito.

Nakakunot ang noo nito pero nakanguso ang mga labi.

Ang cute niya ahay...

"Gray, ganito ang naging reaksiyon ko dahil di naman talaga ako kumakanta. Dagdagan pa na sa harap ng maraming estudyante ako kakanta" pilit na pinapaintinding sabi ko.

"You have cold and deadly eyes when you look at everyone in the underground world yet, you scared to face the students who's nothing but a dirt in your shoes?."

Napapailing na sagot nito at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"Tsh!"

"Don't worry,I'm your partner so trust me, sweetheart"  pinisil nito ang kamay ko at tinignan ako gamit ang malambot niyang tingin,may kunting ngiti sa mga labi nito.

Napabaling ako sa tatlong kaibigan ni Ace ng marinig ang tikhim at pekeng ubo nila.

Napaseryoso si Draze,Blake at Luis ng tignan sila ni Ace ng nakakamatay na tingin.

"Close your eyes idiots, if you don't want to watch how sweet and handsome I am"

Ako naman ngayon ang literal na napaubo matapos marinig ang sinabi ni Ace. Ang yabang,tustangina.

Nang tignan ako ni Ace ay kusang tumigil ang pag-ubo ko. Tinatapik-tapik nito ng mahina ang likod ko.

"You didn't tell me,you have cough?" naiinis na sabi nito. "I'll get you a medicine" binitawan nito ang kamay ko at tumayo,aalis na sana ito ng pigilan ko siya sa braso.

"No need"

Pinandilatan ko ng mata si Draze, Blake at Luis ng marinig ang mahina nilang hagikgikan. Patay talaga sila kay Ace pag nahuli sila. Mabuti na lang at nakapukos sakin si Ace at sa ubo ko kuno.

"You have cough" diin na sabi nito,pilit na pinahiwatig sakin na may ubo nga talaga ako. Piste.

Hinila ko ang braso niya paupo sa tabi ko.
"I said,no need" nakangiting sagot ko.

Napabuntong hiningan naman ito at tumango.

"Just think of a song that were going to sing." Ako mismo ang humawak sa kamay niya.

Tumango ito.

"Wait! you're the president,you suppose to be one of those, who'll going to arrange for the event?" Kunot-noong sabi ko.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"I'm one of the contestants, so let the other SSG officers manage it. And no one can stop me from being your partner. They have two options, I'll be your partner or there is no event that will gonna happen."

Here comes his possessiveness.

Actually guys! On spot ko talaga sinusulat 'to. Uhm nagttype lang ako sa pumapasok sa mind ko and pag na reach ko na ang target words dun ko pinopost.

Hope you like it!

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon