Chapter 19

17.7K 416 8
                                    

A/N:Beware of the typhographical and grammatical error.

Aishaleya Snow POV

"Omggggg! Ang lahat ng SSG officers ay sobrang gwapo nung big event lalo na ang boyfriend mo! Lahat sila nakakatakot pero pinakanakakatakot ang boyfriend mo nung gabing yun,walang kabuhay buhay ang abong mata niya! Ghad ghurl! Paano ka nagkaroon ng ganong jowa?! Kung ako sayo hindi ko na siya papakawalan. Isang Alastair Gray Mcklein na ubod ng gwapo,sobrang yaman,sizzling hot,super cute at nuknukan ng talino! May crush na ata ako sa boyfriend mo hihi" tumitiling saad ni Hailey at kinagat kagat pa ang daliri niya

"Psh type mo?" nginisihan ko pa si Hailey

Tumango tango naman ito at tahimik na tumitili

"Edi sayo na" tinapik tapik ko pa ang balikat niya

Natawanan naman ang mga kaibigan namin dahil sa sinagot ko

"Don't tell me,di ka inlove kay Ace?" takang tanong pa ni Hailey matapos irapan ang mga kaibigan namin

Natahimik naman ang kaninang tawanan nila at tinitigan ako.

Nailang naman ako kakaibang titig ni Aziro at Frazier sa akin.

"A-ahm ano hindi"

Napasinghap naman si Hailey,Andrea at Rhianna. Napangiti naman si Aziro at Frazier sakin at tila naginhawaan sa sinabi ko.

"Seriously Aisha?" di makapaniwalang tanong ni Rhianna sakin.

"Why?" kunot noong tanong ko kay Rhianna

"Si Alastair Gray McKlein yun! Apo ng First Superior at anak ng Mafia Queen at King,ang pinaka makapangyarihang pamilya sa buong mundo,atsaka bulag at manhid ka ba? Ang gwapo gwapo ng boyfriend mo at inlababo pa sayo!" singhal pa ni Rhianna sakin

"Tss shut up Rhianna,do you know whom I like" binuksan ko naman ang lollipop ko at sinubo ito

Napatakip naman ito ng bibig at nanlalaking matang nakatitig sakin.

"Yung batang lalaki na nagligtas sayo nung siyam na taong gulang ka?! siya pa rin?!" biglang sabat ni Lorraine

Tumango naman ako sa kanya at umawang naman ang labi nito, umupo naman ako sa gitna ni Aziro at Frazier.

"Guys quiet na,papasok na mga kaklase natin"saway ni Brent samin. Umupo naman ng maayos si Lorraine at Rhianna.

Nasa classroom kasi kami ngayong magkakaibigan at tanging kaming pito lang ang narito ngayon,well 8:00 am kasi ang start ng klase namin. Napagtripan kasi naming magkakaibigan na hindi muna umattend ng flag ceremony at tumambay lang muna sa classroom. 7:00 am pa lang nasa classroom na kaming magkakaibigan, sa loob ng 45 minutes ay naikwento sakin ni Rhianna ang nangyari sa Big Event nung nakaraang Sabado sa underground world.

"You sure your okay now?" nag-aalalang bulong ni Aziro sa tenga ko

"Yes" mahinang sagot ko at inilayo ang mukha niya sa tenga ko

Humalakhak naman ito dahil sa ginawa ko. Nang ibaling ko kay Frazier ang paningin ko ay nakabusangot na ito at inis na nilalaro ang ballpen sa kamay niya.

Napanguso na lang ako habang dahil feel ko ang weird ng mga tao ngayon. Tumunog naman ang bell kaya umayos ako ng pagkaka upo at itinago ang stick ng lollipop ko ng maubos na ito.

Nagsimula ng magsipasukan ang mga kaklase ko at si Prof. Huli namang pumasok ang SSG Officers.

Humaba ang pagkakanguso ko ng magtuloy tuloy sa paglalakad si Gray table nila at umupo sa upuan. Alam naman niyang wala ako sa proper seat ko na nasa tabi niya,hindi man lang ako hinanap ng paningin niya:<. Nagtataka naman akong tignan ng mga kaibigan niya ng makitang nakaupo ako sa table nila Aziro.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon