Chapter 34

16.2K 414 12
                                    

Kazandra POV

"Bat kaya tayo pinatawag sa underground world?."takang tanong ni Sofia

I shrugged

"Hindi kaya ilalantad na nila na hindi ikaw ang tunay na empress?" Nanghihinalang tanong ulit ni Sofia

Bigla akong kinabahan dahil kung yun man ang mangyayari mamaya panigurang mapapahiya ako sa lahat,hindi lang sa magulang kundi pati na rin sa tatlong superior at sa magulang ni Ace. Mawawala ang paghanga nila sakin sa oras na malaman nila ang totoo at baka ipakansela nila ang nakatakdang araw ng kasal namin ni Ace.

"hindi mangyayari yun"naiusal ko

"kung kami ang tatanungin,hindi namin sasabihin sa iba pero kasi Kaz hindi lang kami yung saksi nung gabing yun,andun yung mga nakalaban natin lalo na ang tunay na Gangster Queen,walang wala ang kakayahan at lakas mo kumpara sa kanya." Napatingin naman ako ng seryoso kay Sofia

"Tanging ang leader lang ng rank 1 sa gangster world at Ace ang makakapantay sa kakahayahan niya,kahit ako may paghanga sa kanya. Nagalit nga ako sayo dahil nagsinungaling sa amin,sa akin na kaibigan mo" pagpapatuloy nito

"Ano na ang gagawin ko?" kinakabahang tanong ko "paano kung yun nga ang mangyayari mamaya? Gusto kong matuloy ang kasal namin ni Ace para hindi na humadlang pa ang Aisha na yun!" dagdag ko at ikinuyom ang kamao dahil sa galit sa babaeng yun.

Ashikiel Storm POV

Paano?
Bakit?
Paano ulit?
Paanong nangyaring si Aisha ang nawawalang kakambal namin ni Thunder?
Napuno ng saya at galak ang puso ko matapos malaman ang resulta

"I want to be with our sister" mahinang bulong ni Thunder sakin habang pinagmamasdan si Aisha na nakikinig sa tinuturo ng guro.

"Di pa pwede,kailangan muna nating ipaalam sa mga magulang natin bago sabihin kay Aisha,paniguradong maguguluhan siya sa oras na malaman niya." pagpigil ko sa binabalak niya.

"Kuya, isang linggo na natin 'tong tinatago sa magulang natin,paniguradong magtatampo na si Mommy, sabihin muna kasi sa kanila and I'm sure uuwi kaagad sila dito sa Pilipinas sa oras na malaman nila."pangungumbinsi pa nito

"Mamaya ko na sasabihin, kailangan nating maghanda dahil pinatawag tayo sa underground world,paniguradong andun din ang parents natin." Usal ko

"Hays pero"tutol nito

"Wala ng pero pero" pagtatapos ko sa usapan at tinignan si Aisha pero agad ding napatigil ng maramdaman ang matang kung tumingin sakin ay halos balatan ako ng buhay,walang iba kundi si Ace. Alam kong hanggang ngayon ay may tampo pa din siya sa akin dahil sa pagyakap sakin ng sweetheart niya.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon