Chapter 48

15K 371 29
                                    

Aisha's POV

Nakalipas ang limang minuto ay naglakad sa direksyon namin si Mommy kasama ang kambal ko, nasa likod nila si Ace.

Nang makita ni Flaire si Ace ay nagliwanag ang mukha nito at tumakbo palapit dito para magpabuhat ulit.

"A-anak, uuwi na si Ace" saad ni Mommy, kinakabahan pa.

"Bat pa magpapaalam sa akin? Kaibigan lang naman yan ng kakambal ko. Pake ko diyan?" supladang sagot ko.

Napatikhim naman ang kakambal at ng tignan ko si Ace, ay nakatitig din ito sa mga mata ko ng walang emosyon.

"Wow! You're so handsome Tito Ace! Can I marry you when I grow up? " Flaire said cutely while giggling.

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa gulat. Wait what?

"The heck no!"

"What the fuck! Flaire"

Sabay na mura ng kakambal niya, masama ang tingin nito sa kapatid.

At ngayon lang may nabasang ekspresyon sa mukha ni Ace dahil nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ni Flaire. At napaubo pa.

Naging malungkot ang ekspresyon ni Flaire. Mabilis ko naman siyang kinuha kay Ace.

Jusko anak, ama mo yan! yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero nanatili akong tahimik.

Narinig ko pa ang tawa ni Thunder at Storm na siyang nasa gilid.

"Leave Mr" galit na sabi ni Flame kay Ace.

Napakurap si Ace at tumikhim. Nakipag titigan ito kay Flame pero siya rin ang unang nag iwas ng tingin at tumango.

"Flaire, you shouldn't have said that to him. He's not handsome and please stop telling those boys that you're going to marry them someday just because you find them handsome. " inis na saad naman ni Flame.

Napatigil sa paglalakad paalis si Ace at agad napaharap dahil sa sinabi ni Flame.

Baka dahil hindi siya makapaniwala na nasabihan siyang hindi gwapo. First time huh?

Itinago naman ni Flaire ang mukha nito sa leeg ko.

Hindi ako makapagsalita. I am damn speechless.

Nang mawala na sa paningin ko si Ace ay agad kong inaya si Flame at Flaze na bumalik na kami sa kwarto habang buhat ko pa din si Flaire.

Nang marating namin ang kwarto ko ay pagkababa ko pa lang kay Flaire. Sangkatutak na sermon ang nakuha niya sa mga kakambal niya.

Tumango tango naman si Flaire dahil sa sinabi ni Flaze at Flame na hindi gwapo si Ace at walang kagusto gusto sa mukha nito.

Napailing na lang ako habang nakikinig na pinagsasabihan nila si Flaire. Dahil ako, hanggang ngayon di malaman kung ano ang dapat kong sabihin o gawin.

Nagpaalam muna ako sa kanila na muli babalik sa baba para magtimpla ng gatas nila.

Nang pagbalik ko sa taas ay naka indian sit na silang tatlo at binigay sa kanila ang isang baso ng gatas.

Nagpasalamat naman sila sakin. Pinagmamasdan ko lang silang mag usap at magbiruan. Hindi maipagkakaila na kamukha niya si Flame at Flaze. Samantalang kahawig ko naman si Flaire ang hindi lang nakuha sakin ni Flaire ay ang kulay lila kong buhok

Ayokong mag imbestiga siya at malaman niya na anak niya ang tatlo. Makapangyarihan kami pero mas makapangyarihan siya. Ayokong kunin niya sa akin ang tatlo kung sakaling malaman niya.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon