Chapter 49

14.5K 375 74
                                    

Aisha's POV

Nakaupo sa kami ngayon sa bilugang mesa na nakalaan sa amin kasama ang pamilya ko.

Sinusubuan ko ngayon si Flaire dahil matapos ang maliit na programa para sa kaarawan ng first superior ay hapunan na.

Napapabuntong hininga na lang ako dahil halos sa amin nakatingin ang mga mata ng mga bisita lalo na sa triplets ko

Mabuti na lamang at hindi ko nakasalubong o nakasalamuha si Ace dahil halos linta kung maka dikit si Kazandra sa kanya.

Katatapos ko pakainin si Flaire at nilalantakan niya ngayon ang dessert na kinuha ko sa kanilang tatlo. Lumapit naman sa pwesto namin ang mga kaibigan ni Ace na katabing mesa lang din namin.

Si Draze, Luis at Blake ang naiwan sa mesa nila ay si Sofia at ang kambal na si Niana at Niara.

"Long time no see, Aisha. You're still gorgeous and sexy as hell" pagbati ni Draze.

Inismiran ko naman siya.
Si Flame at Flaze naman ay nag eenjoy sa chocolate cake na dessert nila tila walang paki sa paligid nila.

"Ginulat mo kami! Ikaw pala ang totoong Empress" si Blake

"Tapos may dala ka pang tatlong bubwit pagbalik mo na halos kamukha ni Ace ang tatlo na yan" pabulong na saad ni Luis.

Tinignan ko naman sila ng masama

"Itigil mo na nga ang hallucinations mo Luis. He's not the father of my kids and will never be" malamig na saad ko sa kanya.

"Chill, Aisha. Gusto lang namin makilala ang pamangkin ni Thunder at Storm" si Draze, nang aasar.

"Bet you already know their names"

Sabay na tumango naman silang tatlo.

Tumingin naman ako sa tatlo

"Kids, meet your uncles friend's and they're also my friend" tumingin naman sakin ang tatlo bago ibalik ang tingin sa mga taong nasa harapan nila.

Bumalik lang sa kinakain nila sila Flame at Flaze samantalang bumati naman si Flaire sa kanila.

Laglag panga naman ang tatlo dahil sa inakto ng dalawa samantalang natawa naman ang parents ko

"Ginaganon ganon lang kami?" Usal ni Draze, di makapaniwala.

Tumikhim naman si Luis

"Hi cutie Flaire, Flaze and Flame. I'm your handsome Tito Blake" mayabang na pagpakilala ni Blake.

"Hi po handsome Tito Blake" cute na bati pabalik ni Flaire.

"Hi" simpleng pagbati pabalik ni Flaze

"Tss you're not handsome" sagot ni Flame sa kanya matapos uminom ng tubig.

Tumawa naman ng malakas si Draze at Luis kaya napabaling ang ulo ng mga bisita sa amin.

Napahawak naman sa dibdib niya si Blake tila umaktong nasasaktan

"Niluluhuran ng mga babae ang kagwapuhan ko" pag angal ni Blake sa sinabi ni Flame

And Flame just look at him emotionless.

"Sabi nga ng iba, hindi nagsisinungaling ang mga bata" natatawa pang tinapik ni Draze ang balikat ni Blake.

"I'm glad you came. Thanks for coming" he plainly said

Tumayo ako at hinarap siya.

Naglakbay ang mga tingin nito sa katawan ko.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon