Chapter 38

16.4K 412 12
                                    

Draze Andrew POV

Narito kaming lahat sa bintana ng music hall. Sumisilip kay Ace at Aisha. Actually every grade level ay mayroong sariling music hall from highschool to college.

Kasama ko ang sariling grupo at grupo ni Aisha. Halos pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyanteng dumadaan sa music room. O di kaya ay sadyang dumadaan para makita ang gwapo kong mukha.

Parang walang pake ang dalawa sa paligid kahit alam naman namin na alam na nila na pasikretong pinapanood namin sila.

Nakilala lang si Aisha sinali kaagad ang sarili. Last school year nga di mapilit-pilit na sumali sa kahit anong event dahil ayaw niya at tamad siya!

"Excited na ako kaagad! Never pa namin narinig kumanta si Aisha. Thanks to myself HAHAHA!" tinapik tapik pa ni Rhianna ang sariling balikat. Proud na proud.

"You should thank me guys! Dahil yung mga kinatatakutan natin sumali sa ganitong event! Naging clown sila bigla!" Humalakhak pa ito.

"Thank you!" Sabay at sarkastikong pasasalamat namin sa kanya.

"Welcome hehe" at nag bow pa!

"Thank you dahil ligtas kami at ikaw lang ang mapapahamak. Lagot ka kay Aisha!" Brent move his index finger back and forth to Rhianna,tinatakot siya.

"Ako? Mapapahamak? Let's see!" Nag chin up pa si Rhianna kay Brent.

"Ingay niyong dalawa" inis na reklamo ni Luis kela Rhianna at Brent. Busy kase ang iba sa panonood sa ginagawa ni Aisha at Ace.

Nang tignan ko si Aisha at Ace..pareho silang may hawak na puting folder. Kinakabisado ang kanta na kanilang kakantahin.

"Ano kaya ang naisipan nilang kantahin noh?" Kuryos na tanong ni Blake

"Para malaman natin,tanungin mo si Aisha at Ace" nakangiting isinenyas pa ni Lorraine ang pintuan papasok ng music room.

Inismiran lang siya ni Blake

"Kanina pa tayo rito pero di pa rin sila nagsisimula,nangangalay na ako rito" reklamo ni Hailey.

Napabuntong hininga si Thunder

"Hindi talaga sila magsisimula hangga't nandito tayo" inakbayan nito ang kakambal at nauna silang naglakad paalis.

Inakbayan ko naman si Luis at Blake "sundan natin ang kambal,boring dito" nginuso ko pa ang likod ng kambal. Nakita sa gilid ng paningin ko ang pagbusangot ng mukha ni Rhianna. Napakaingay na babae.

Aishaleya Snow POV

"Buti naman at umalis na ang mga grupo mo" usal ko habang kinakabisado ang linya ng kakantahin namin.

Simula ng dumating ang mga kagrupo ko at grupo ni Ace para magmasid samin ay alam na namin kaagad. Tsk mga siraulo.

"Hindi pa din umaalis ang mga kagrupo mo" sinulyapan ako nito at tumayo kunin ang gitara,umupo itong muli at inilapag sa kandungan niya ang buhat na gitara.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon