Chapter 27

17.8K 418 12
                                    

A/N: Typographical and grammatical errors ahead
Don't forget to and vote my story
Sorry for the late updates
Follow me y'all pandies!

Aishaleya Snow POV

"Kinakabahan ako kaibigan huhu!" peke at maarteng iyak ni Lorraine

"Ano ka ba Lorr?! Relax it's just a duel chill" kalmadong saad ni Brent at pilit na inaayos ang maayos ng buhok niya.

Katakang-taka simula pa kagabi hindi sila nagtanong tungkol sa amin ni Gray. Well baka nagbago na sa pagiging chismoso at chismosa
"Shhh silence Brent and Lorraine. May ikukwento ako kay Aisha"saad ni Rhianna at lumapit sa akin.

Parang siraulong nagsipag sunuran rin ang mga kaibigan namin at umupo sa pabilog na sofa sa hideout namin.

"What is it?"walang ganang tanong ko kay Rhianna

"Ghad mah prend! Alam mo ba kagabi?! As in you won't believe me!us! After I tell you this"

"Ano ba yon?"

Pilit na hindi ko pinahalata ang kaba ko dahil baka mahalata niya ang mga pananalita ko kagabi kahit pilit ko din na iniba ang tono ng boses ko

"Si kazandra ay hindi totong empress at yung totoong empress nagpakita sa amin kagabi! At alam mo ba? May halong lagkit at tingin niya sa jowabells mo! Alam mo naman ako, matalas ang paningin ko!"mahabang usal ni Rhianna at tinignan ko naman ang mga kaibigan namin na nagsipagtanguan sa akin

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok habang nagkwekwento si Rhianna tungkol sa ginawa nilang pakikipaglaban kagabi at kung paano ako lumitaw bigla. Feeling ko kasi mahahalata niya ako sa tindig.

Sumubok lang naman ako bumalik sa eskwelehan at nagbabasakaling makita si Gray. Pero away ang nadatnan ko. Tss kung may nakita lang akong galos sa katawan niya baka ang daang daang kalaban nila kagabi ay pinaglamayan na

"And she's the cool empress! Hamakin mo! Wala pa siyang ginagawa pero nasindak niya ang daang daang natira pa na kalaban namin. Idol na idol ko na talaga siya una pa lang. As in lahat kami dito maliban sayo ay hinahangaan siya ang sexy pa ng katawan niya pakshet"mahaba pang dagdag ni Rhianna

"Ganun?"tanging naiusal ko

Napanganga naman si Rhianna at tila nanlumo matapos marinig ang sinabi ko

"Wala ka talagang kwentang kausap! Atsaka ano nangyari sa inyo kahapon ni Gray ha? Alam mo ba na may dikit dikit tenga pa kami na eksena sa pintuan!"

"Tss magsipaghanda na kayo dahil aalis na tayo mamaya" usal ko at tinignan ang bawat isa sa kanila at tumayo. Buti na lang at wala ni sa kanila ang natamong malalang galos maliban sa namamaga nilang kamao tsk

Dumeretso ako sa hardin at tinignan ang maasul na kalangitan

Duel duel duel. Am I ready? Tsk tsk tsk matapos ang nangyari kahapon? Kailangan ko na atang ihanda ang sarili ko kung sakaling tanungin ako sa pagpasok ko sa paaralan na iyon. St Apollo MG University ready for my great revelation. Will I see you there? Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga gumugulo sa isip ko.

Binalingan ko ng tingin ang selpon ko ng tumunog ito.

*One new message*

"Don't attend the duel,your excuse for today"

-Gray

Paano ako naging excuse? Tss eh wala naman akong sakit?
Napangisi na lang ako ng maisip na ayaw niya akong makipaglaban sa libo libong estudyante para sa rank

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon