Chapter 26

18K 461 14
                                    

Aishaleya Snow POV

"Kanina mo pa ako tinititigan"
Naiilang na usal ko sa katabi ko

Paano ba naman kasi ay halos hindi na ako tinigilan ng titig niya. Kunting galaw ko lang sinisita niya.

"Ano yung sinabi mo sakin sa hospital?"malumanay na tanong ni Gray

"H-ha?"tanging naisagot ko sa kanya habang iniiwasan ang titig niya.

"Panaginip lang naman yun diba? Sweetheart diba?" umaasang tanong niya ulit sa akin.

Buong tapang kong nilabanan ang titig niya at sinuklian siya ng pilit na ngiti.

"Totoo yun at alam mo ba kung bakit ako nandito ngayon?"taas noo kong usal sa kanya.

Bigla naman kumunot ang niya at pagkalito at takot ang nababasa ko sa mga mata niya. Hindi niya naman ako sinagot kaya napabuntong hininga na lang ako

"Kasi tinawagan ako ni Draze sa pagwawala mo. Maibabalik ba ng dati ang ginagawa mo ngayon Gray? Diba ako nga dapat ang may karapatan na magalit sayo dahil sa ginawa mo sa kaibigan ko?"inis na sumbat ko sa kanya

"Kung makapagwala ka parang ikaw pa ang inagrabyado dito ah! Paalala lang ha! Presidente ka ng campus and yes! I broke up with you and my reasons are more than enough to cut our relationship."matapang na dagdag ko pa kahit pinapatay na ako sa loob dahil sa sobrang sakit

Napatayo naman siya at tumitig sa akin ng malungkot. Nagsimulang tumulo ang luha sa gilid ng mata niya at hindi na ito tumigil.

Kampante naman akong walang makakarinig at makakakita sa amin dahil matapos ang nangyari ay bumalik kami sa classroom at tanging kaming dalawa lang ang nasa loob. Nasa labas naman ang propesor at ang mga kaklase namin dahil gusto niya daw akong MASOLO

"Ha ha ha"putol na putol na tawa niya at napahilamos ng mukha pero hindi pa rin matigil ang pagluha "anong nagawa ko? Sweetheart what d-did I do for us to b-become like this,t-tell me"humihikbing dagdag niya pa

Damn bakit ganito? B-bakit nasasaktan din ako na makita kang umiiyak Gray? Bakit?

Pilit kong nilalabanan ang emosyon na gustong kumawala sa akin.

"Are you really that stupid huh? Diba dapat ikaw ang unang makaalam ng ginawa mo bago ako?"natatawang singhal ko sa kanya at umiwas ng tingin dahil anumang segundo ay papatak din na parang ulan ang luha ko.

"S-sweetheart please don't be like this. I swear I really don't know what I did. At kung alam ko man yun ay hindi ko pagmumukhaing tanga ang sarili ko sayo. Don't leave me h-hindi ko kayo. Mababaliw ako Snow please don't"

"Ha!kinaya mo ngang mabuhay sa ganyang edad ng wala ako! Anong klaseng rason yan? Wala ka na sa uso Gray"napapailing na saad ko "at wag mong sabihin ang mga ganyang salita dahil pinag-iinit mo ang ulo ko at dinudurog mo ang puso ko" mapait na dagdag ko pa

"No! No! No! Let's fix this. I can do and give everything for you just please comeback to me. Please sweetheart"

"Gray please give me some space. I badly need it kasi hindi ko pa a-alam? Kung paano ko ba m-maibabalik ang tiwala at n-nararamdaman ko sayo. K-kasi sa isang k-kasalanang ginawa mo nasimot lahat. Magwala ka kung gusto hindi na kita pipigilan"malamig na dagdag ko pa at tumayo para pumunta sa pintuan at lumabas.

Tumambad sa akin ang napakaraming estudyante na nakikiisyoso.

Tss akala ko ba school of gangsters and mafias 'to? Pero bakit pati mga propesor at estudyante ay parehong mga chismoso? Nangunguna na ang mga SSG Officers at mga kaibigan ko tss.

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon