Simula

86 18 6
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

June, 2021✨

---

Nakangiti kong kinuha ang cellphone ko at inayos ang sarili bago ko sinagot ang tawag. Maligaya kong binungad si Wahid.

Kuya siya ng childhood friend ko and he's my boyfriend! Nasa Manila siya ngayon at nag-aaral pa. Graduating na yon at ako naman first year college palang.

"Hii!" Lumapit ako sa bintana para mas maliwanag.

"Hello, ganda!" Malapad siyang ngumiti sakin at kitang-kita ko ang maayos at maputi niyang ngipin. Anak mayaman siya at ako naman ay sakto lang, hindi naman kami naghihirap at hindi rin kami mayaman.

"Anong pinagkakaabalahan mo?" Tanong ko at umupo sa upuan.
He is Wahid Olivares. Kilala ang pamilya niya sa lugar namin dahil sa yaman nila at kagandahang loob sa mga mamamayan.

May malawak silang lupain at palawak nang palawak pa iyon. Yong lolo niya ay dating gobernador, at ngayon ay yong uncle niya naman ang pumalit. Ang mga magulang niya ay nanggaling din sa angkan ng mga mayayaman. Marami silang negosyo at mga properties hindi lang dito samin kundi sa Manila at iba pang mga lugar.

Nakakapang-liit lang dahil ang yaman
nila at heto ako, wala pang masasabi sa buhay. Hindi ko alam pero naiisip ko na ang mayayaman ay para lang sa mayayaman.

"Nasa bahay lang po. Wala akong gagawin ngayon. Ikaw may gagawin ka ba?" Tanong niya at nakita kong humiga siya sa kama niya. Wala siyang damit pang itaas.

"Maliligo kami mamaya sa ilog!" Sambit ko at natatawa. Niyaya kasi ako ng mga kaibigan ko.

"Love, sino kasama mo?" Nagtaka ako kasi bigla siyang naging seryoso.

"Yong mga kaibigan ko." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Wag ka nalang sumama." Umiwas siya ng tingin.

"Bakit naman?" Nalungkot nalang ako bigla. Minsan lang naman ako lumabas sa bahay eh.

"I don't want you to go out. Take care, may gagawin pa pala ako."

Napasinghap ako at malungkot na nahiga sa kama. Why?
Hindi naman siya ganyan ah. Hindi niya ako pinagbabawalan sa mga lakad ko, ngayon lang.






ANTOK akong pumasok sa bahay, galing akong school. Nakakapagod ngayong araw.


Tahimik ang bahay nang pumasok ako. Wala na akong mga magulang parehas nang wala at nasa langit na. Kay Lola Sandra na ako lumaki kasama ang mga pinsan ko, dito din sila lumaki sa bahay ni Lola.

Lumaki kaming may magandang asal at mapagmahal sa kapwa. Sino ba namang hindi matututo kong araw-araw kaming pinapa-alalahanan at pinapangaralan. Nakakatuwa talaga si Lola kaya naman mahal na mahal namin siya.

"Ganda ni insan kahit pagod ah?" Puna sakin ni Solenn.

"Pinakamaganda sa baranggay natin!" Gatong naman ni Ada.

"Walang iba kundi si Aleeza!" Malakas na sambit ni Bliss. Napailing ako sa kanila.

"Lahat tayo magaganda." Sambit ko kasi totoo naman.

Anim kaming magpipinsang babae ang nandidito. Yong mga pinsan naming lalaki ay nasa Manila at yong iba nasa abroad, may mga trabaho na.

"Ang gaganda niyo, tandaan niyo yan." Napalingon kami kay Lola, mukhang kanina pa siya sa hamba ng pintuan.

"Thank you, lola!" Malambing namin siyang niyakap.

Si Solenn ang nakakatanda naming pinsan dito, 21 na siya. Ako naman ay 18 palang, si Bliss at Ada ay 20 na. Si Sunshine at Blythe naman ay 19. We are taking a Bachelor of Science major in Education.

Sabay-sabay kaming kumain nang hapunan at pagkatapos ay nagkukuwentuhan na naman ulit na nakasanayan na namin gawin. Animo'y hindi kami nauubusan ng kwento.

"Aleeza, kumusta kayo ni Wahid?" Hinaplos ni Solenn ang buhok kong kulot.

"Ayos naman kami." They didn't want to be called ate. They want to be called by their names at isa pa gusto naming parang magkaka-edad lang, walang may mas matanda at bata.

"Ang tagal na niya sa Manila no? Hindi ba siya makakapag-bakasyon dito ulit para magkita kayo?" Tanong ni Ada na ngayon ay may chichirya na namang nginunguya.

14 year old ako noong una kaming magkita ni Wahid, una ko palang siyang nakita ay nagka-crush na agad ako sa kanya.

Hindi siya nagtatagal noon dito sa probinsya, nagbabakasyon lang. Noong 16 year old ako ay nagpaparamdam na siya sakin, palagi niya akong kinukulit at kalaunan ay niligawan niya ako.

17 year old naman ako nong sagutin ko siya. I'm always happy whenever he's with me at sobrang saya ko dahil yong crush ko ay may gusto din sakin. Tanggap naman ni lola at mga pinsan ko na may kasintahan ako. Hindi naman kalat saming barangay na may boyfriend ako. Hindi nila alam na kasintahan ko ang isang mayaman at guwapong katulad ni Wahid Olivares. Marami kasing nagkakagusto sa kanya, ayaw ko rin ng gulo.

"Busy daw siya." Nagkibit-balikat ako. Ayaw pahabain ang usapan tungkol samin ni Wahid.

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now