Kabanata 6

41 11 1
                                    

---

Halos magtago ako sa kahihiyan dahil sa gulong ginawa ng lima kong pinsan. Natutuwa din dahil kahit kailan hindi lang sila pinsan..they can be my superheroes. Napapatunayan talaga nila sakin lagi kong gaano kami ka-solid na magpipinsan.

Dobleng kahihiyan din dahil nadawit pa namin si Ryxhen na halos yakap na si Solenn dahil sa gustong-gusto ulit sugurin ang driver. Si Ada na hawak sa siko ni Sylvester dahil susugod ulit. Yvo's blocking Sunshine's eyesight with his body para di niya makita ang driver. Xanthus is talking to Bliss calmly. Blythe is ranting to Kylo..and Zephyrus is watching me slavishly.

"You good?" Tanong ni Zephyrus sakin habang nakatingin parin sakin nang mariin.

"Yes.." Nginitian ko siya at mabilis na iniwas ang tingin.

Hindi ko gusto ang tibok ng puso ko sa tuwing magkalapit kami. Kailangan ko talagang umiwas pa..

Nakahinga ako nang maluwag nang makarating na kami sa school. Malapit ng magsimula ang class ko. Nakasakay naman kami ng matiwasay sa tricycle habang yong mga Rigor ay nakasunod samin. Inimbitahan pa nga kami na sa kanila nalang sumakay pero dahil dakilang mahiyain at kabado kami sa kanila ay hindi namin pinaunlakan yon.

Nagpaalam lang kami sa kanila at mabilis na pumanhik papasok sa loob ng gate.

"Bakit feeling ko mga boyfriend natin sila? Hinatid pa talaga tayo."

Hatid lang naman Ada eh.

"Naalala ko tuloy yong pinangagawa natin sa paradahan ng tricycle kanina.."

Solenn naalala mo yong yakap ni Ryxhen?

"Inaway ko pa si Kylo. Nakakahiya!" ingos ni Blythe.

Napailing ako sa mga pinsan ko. Bakit parang may lihim silang pagkagusto sa mga iyon? Hindi ko naman masisisi ang mga pinsan ko dahil yong mga katangian ng isang lalaki ay nasa sa mga magpipinsang Rigor na, halos lahat tinatangi sila at tinitingala.

Nang matapos ang klase ko ay lumabas na ako sa silid-aralan. Nakasalubong ko si Anya na mukhang may mali na naman sa kanyang ikinikilos.

"Aleeza, pwede ba kita makausap?"
Sa nakikita ko sa kanya ay kabado siya at hindi mapakali.

"Sure." Nauna na akong maglakad at napunta kami sa garden ng Education building.

"Anya..ano yong pag-uusapan natin?" Naupo ako sa upuang kahoy. Umupo naman siya sa harap kong upuan, napagitnaan namin ang lamesang gawa rin sa katawan ng kahoy at may halaman pang nasa paso na nakapatong sa lamesa.

"I'm sorry."

Natahimik ako at lumawak ang ngiti ko. Mukhang okay na si Anya.

"I'm sorry kong ngayon ko lang sasabihin.."
Kinabahan ako sa kanya dahil umiiyak na siya!

"Anya, bakit ka umiiyak?"
Halos mataranta na ako dahil mas lalo siyang umiyak.

"Si kuya.."

Si Wahid?

"Bakit?"
Dobleng kaba ang naramdaman ko.

"Sorry, Aleeza..hindi ko na kayang itago pa sayo." Hindi ko na kaya ang antipasyon. Gusto ko nalang agad marinig ang sasabihin ng kaibigan ko.

"He cheated."

He cheated. Wahid will never do that to me.

"Wahid cheated?" Ulit ko baka nagkamali ako sa pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"Y-yes. Umuwi siya kahapon kasi akala niya sinabi ko na sayo ang sekreto niya."

"W-what?"
Nanlamig ako sa narinig mula sa kapatid ng boyfriend ko.

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now