Kabanata 1

69 17 5
                                    

---

Napanguso ako habang inaayos ang buhok kong kulot na umabot saking bewang. Gustong-gusto ko yong pagkakakulot kasi sakto lang yong liit at itim na itim pa na bumagay sa balat kong maputi at namumula lamang kapag naiinitan ako ng araw.

Napahinto ako sa pagsakay ng tricycle nang makitang lumabas si Zephyrus sa loob ng tricycle at sumenyas siya saking ako na sa loob at mauna akong pumasok don.

"Ah, Manong sa iba nalang po ako." Magalang na sambit ko at narinig ko ang pagsinghap ni Zephyrus.

Oo, kilala ko siya. He is a police officer, malapit lang ang bahay nila sa'min. Nag-iisa lang kaming baranggay.

"Pasok na, late kana." Sambit niya at rinig ko pa ang iritasyon niya sakin. Nainsulto ko ba siya sa sinabi ko?

Hindi ko naman sinasadya..kasi totoo namang hindi kami kakasya siguro dahil sa pangangatawan niya. Nang makitang kasama niya yong pinsan at kapatid niya ay agad akong nahiya, nakatingin sila sakin pati narin yong driver.

Pumasok na lang ako sa loob. Dito kasi sa'min hanggang apat lang ang pwedeng sumakay sa tricycle. Dalawa sa loob, isa sa likuran at isa naman sa likuran ng driver.

"Ah sorry. I didn't mean to say that." Sabi ko at tinuon na agad ang atensyon ko sa daan.
Hindi siya kumibo, ayos lang naman.

Huminto ang tricycle sa harap ng gate ng school. Ang daming nasa labas ngayon dahil may general cleaning tuwing byernes.

Naunang lumabas yong katabi ko. Natagalan pa ako sa pagkuha ng barya sa bulsa ng bag ko kaya nakaramdam na naman ulit ako ng hiya sa tatlong lalaki na nakatitig na naman sakin.

Inaabot ko yong bayad kay manong at napasinghap ako nang hawakan niya yong palad ko at pinisil-pisil pa iyon. Gusto ko tuloy maiyak sa kaba. Palagi nalang ganito..minsan nga mas malala
pa ang gawain nila sakin.

Agad akong tumalikod at nagmamadaling lumakad paalis na nakakuyom ang mga palad. Nanginginig ako sa kaba at nang makita ko si Anya na papunta sa direksyon ko ay agad akong kumalma.

"Binastos ka na naman?" Bungad niya sakin. Napailing ako, ayaw sabihin sa kanya ang nangyari.





NAKANGITI akong kumaway kay Anya. Sinundo na siya kasi ng kanyang driver. Sobrang yaman talaga nila pero ewan ko kong bakit ako ang napiling maging kaibigan ni Anya. Ang dami kasing mayayamang katulad niya dito at paniguradong magkakaintindihan sila..lalo na sa buhay na mayroon sila.

Hindi ko nakakasabay sa pag-uwi ang mga pinsan ko tuwing byernes dahil may mga lakad sila at hindi tumatama ang mga schedules namin sa isa't-isa tuwing huwebes at byernes.

Nahinto ako sa paglalakad nang makitang papunta sa direksyon ko yong mga lalaking anak mayaman. Engineering and Business Management students.

"Hi Aleeza." Bati sa'kin ni Onyx Balesteros.

Tipid akong ngumiti at handa ng umalis ng marinig ko ang mahihinang tawa nila.

"You're really a snob Aleeza. Aalis ka na agad kinakausap ka pa eh." Sambit naman ni Aziel Relux, klarong-klaro yong accent niya sa English kahit purong pinoy siya at dito rin lumaki. Sanay na sanay silang gamitin ang lengguwahing yon.

"Ah sorry. Uuwi na kasi ako."  Nahihiyang sambit ko.

"I really like your voice, it's so soft and gentle parang hindi ka marunong magalit." Napanguso ako sa narinig mula kay Spruce Balesteros.

Nasa bilang anim sila sa harap ko at magpipinsan yong apat, iyong dalawa naman kaibigan nila.

"Una na ako. Ingat kayo." Magalang na sambit ko at paalis na sana ulit ng marinig ko ang boses ni Ada.

"Aleeza hinahanap kita nandito kalang pala. Ang sabi ni lola sabay na tayo kasi papagabi na at baka pag-tripan ka na naman ng mga tricycle driver naku-" Nahinto siya sa pagsasalita nang makitang may kasama ako at nakikinig din sa kanya.

Minsan talaga inaatake siya ng kadaldalan. Napatango ako sa kanya at hinila na siya paalis. Kumakain na naman ng chichirya.

Nahagip ng mga mata ko ang kapatid ni Zephyrus. Malapit lang siya sa kintatayuan ko kanina at may hawak na mga libro at mukhang may ka-text.  Magkamukha talaga sila nong kuya niya kaso lang mas maputi siya at mukhang mabait. Dalawa lang silang magkakapatid at parehas criminology ang kinukuha.

"Aleeza grabe talaga ang kamandag mo. Ang daming pumipila, hindi nila alam may boyfriend kana. Paniguradong madaming sad boy pag nalaman nila yon." Napailing ako kasi mukhang inatake na naman siya ng kanyang kadaldalan.

"Nagsalita ang madaming suitors." Pagpaparinig ko.

Hindi naman talaga nawawalan ng suitors ang mga pinsan ko. Hindi ko lang alam kong may nagugustuhan ba sila sa mga manliligaw nila. Pero ang alam ko may boyfriend na si Solenn, taga-Manila nga lang.

Sabay nga kaming umuwing dalawa at nakasabay pa naming dalawa si Yeshua. Isang tingin mo palang sa kanya masasabi mo nang hindi siya nakikipag-usap sa mga taong hindi niya close.

Nakakatakot sila kausapin at lapitan baka mapapahiya ka lang, nakakatakot baka ituring ka lang nilang hangin. Kaya nga takot kaming magpipinsan sa mga 'yon.

I know they're wealthy and filthy rich too pero hindi katulad ng mga Olivares na nagsusumigaw ng karangyaan ang buhay. Ang mga Rigor kasi nananatiling low profile, para bang ayaw nilang malaman ng nakakarami ang kaganapan nila sa buhay. They're so private people and intimidating.

Parang tanga kaming dalawa ni Ada na nakaiwas ang tingin habang mabilis na inilagay ang barya sa driver at nag-uunahang tumakbo papasok sa gate ng bahay.

"Al, grabe iniwan ako!" Reklamo niya nang mahuli siya sa pagtakbo. Nakasalubong namin si Solenn.

"Parang mga batang paslit ah?" Tawa niya at lumabas sa gate. Sinundan namin siya ng tingin at nakitang kakaalis palang ng tricycle na sinasakyan ni Yeshua. Sumakay siya sa panibagong tricycle at kumaway pa siya sa'min na may ngisi sa labi.

"Bye mga paslit!" Pahabol niyang sigaw.

Natawa na lang kami ni Ada.

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now