Kabanata 9

24 8 1
                                    

Warning: Sexual Harassment


Antok kaming nagising kinaumagahan at nag-ayos para pumasok. Panay ang hikab ko papasok sa gate dahil kulang ang tulog ko.
Nangunot ang noo ko nang makita sila Onyx at Aziel sa malayo kumakaway sa direksiyon ko.

Malayo pa lang kitang-kita na ang maaliwalas nilang pagmumukha. Isa rin sila sa mga taong may mabuti na kalooban kahit na sobrang yaman nila. Humble person's really attracts me..ang gaan nila kasing kasama. Iyong tipong hindi ka maiilang kapag kasama mo sila.


"What?" Tanong ko nang makalapit na sila at sumabay sa lakad ko papuntang education department.

"Antok pa mga mukha niyo." Sambit ni Aziel na natatawa.

"Syempre napagod kami kagabi," natawa ako nang mahina.

"Sige, pasok na ako." Nakangiti silang tumango at umalis narin.

Pigil ko ang sarili kong matulog sa loob ng classroom. Ilang beses ko ring kinurot ang sarili ko para pigilan ang aking kaantukan. Nahuli ko si Anya na nakatingin sakin na may tipid na ngiti. Hay, hindi ko naman kayang layuan si Anya dahil kaibigan ko siya, labas siya sa kasalanan ng kanyang kapatid. Nakakapagtaka rin na hindi ko siya nakitang dumalo sa selebrasyon ng mga Rigor. Nababanggit niya minsan na may gusto siya sa mga Rigor na 'yon. Sino kaya sa kanila?

"Aleeza, sabay tayo mag lunch?" Naiilang siyang lapitan ako.

"Sige," napangiti ako sa kanya. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Wahid tungkol sa text ko sa kanya na maghiwalay na kami.

Tahimik lang kami kumain at miminsan lang magsalita si Anya kaya hindi rin ako kumportable magsalita.

"Huwag ka mailang sakin, Anya. Kung naiisip mo ang tungkol sa'min ni Wahid.."

"Sorry, Aleeza. Galit ako kay Kuya sa ginawa niya sayo. Gustong-gusto kita para sa kanya dahil sobrang bait mo at lahat nalang ng katangian ng isang babae ay na sa'yo na tapos..niloko ka lang niya. Kaya ayokong saktan ka niya ulit, huwag na si Kuya."

Napangiti ako sa kanya.

"I'm okay now, Anya. Thank you for always being here with me."

"Aleeza, uuwi si Kuya mamaya. He's mad at me too pero wala akong pakialam."

Hindi ko pa natingnan ang cellphone ko simula nong tapusin ko ang ano mang meron kami.

Alas sais ng gabi ay palabas na kami sa gate, may tinapos kaming visual aids kaya medyo late na yong uwi namin.
Dumaan kanina ang mga pinsan ko at mauuna na daw silang umuwi.

Pagkalabas ko sa gate ay marami akong nakitang sasakyan na nakaparada sa medyo kalayuan. Pero nakuha ng atensyon ko ang pamilyar na sasakyan ni Wahid. Kanina pa nakauwi si Anya. Ano pa ang ginagawa niya rito?

Diretso ang lakad ko papunta sa paradahan ng tricycle nang mahuli niya ako at pilit na ipinasok sa kanyang kotse. Kalaunan ay kalmado akong sumama sa kanya. Sige, pagbibigyan ko siyang mag-usap kaming dalawa. Makikinig ako, kahit nakakagalit iyon marinig.

Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa isang madilim na parte ng daan malapit sa taniman ng tubuhan.

"I'm sorry." Nanginig ang kanyang boses at hinagilap niya ang aking mga kamay.

"We're done. Be happy, Wahid."
Magaan na sambit ko.

"I love you, Aleeza. Please give me another chance." Umiiyak siya.

Just don't cheat when you love someone and committed already.

Napailing ako.

"Sorry, but I can't be with you again. Go to your family now, love them and support your baby."

Hindi ko alam kung bakit iyak siya nang iyak. Ginawa niya iyon tapos nang magkaroon ng bunga ang kanyang ginawa ay ganyan na siya? Diba dapat masaya siya?

"But I love you. Ikaw ang mahal ko, Aleeza. Patawarin mo ako sa ginawa ko..bumalik kana sakin. Hindi ko kaya." Pagmamakaawa niya. Pero hindi eh, hindi ko na siya ulit matatanggap pa sa buhay ko.

"Pero ayoko na. Tapusin na natin ito, Wahid. We will not be happy anymore. Hindi ko na nakikita ang dating Wahid na nakilala ko. Nasira na lahat. Pasensya ka na pero buo na ang desisyon ko."

"Hindi! We're not gonna break our relationship, Aleeza!"

"Hindi mo ako iiwan! Hindi mo ako mapapalitan! Ako lang dapat!"

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa malakas na pagsisigaw niya. He's angry.

"Wahid, will you calm down?"
Kabado ako sa inaasal niya.

"You are not breaking up with me!" Sigaw niya ulit at mabilis niyang hinawakan ang baba ko at mahigpit iyon. Masakit.

"Wahid, please calm down. Nasasaktan ako." Kalmado kong sambit at hiwakan ang kamay niyang nakapisil sa magkabilang pisngi ko ngayon. Nanginig ang buong katawan ko nang makita ko ang pagmumukha niyang handa akong saktan. Parang hindi niya ako makilala..


"Walang ibang lalaking makakalapit sayo, Aleeza. Dahil ako lang dapat para sayo!"

In the blink of an eye he's now harassing me. I cried while trying to escape from his grips and violent hands. Para siyang ibang tao habang hinahawakan ako sa ibang parte ng katawan ko. Sobrang higpit ng mga hawak niya sakin na halos igapos niya ako saking kinauupuan.

Nakakagulat at nakakatakot ang inaasta niya ngayon. Hindi ko kinakaya ang paraan ng paninitig niya sa'kin at nanakit pa siya..

Hindi siya ang Wahid na kilala ko, hindi niya ako babastusin nang ganito. Hindi siya nananakit ng babae..

"Wahid please!" Sigaw ko nang punitin niya ang uniform kong blouse. Nabitawan niya ang kamay ko dahil sa pagpunit niya sa damit ko kaya nagawa ko siyang sampalin sa mukha at sipain nang malakas kaya nakalabas ako sa kotse niya.

Tumakbo ako palabas kahit sobrang masakit na ang aking katawan sa ginawa niya sakin. Bugbog ang katawan ko sa higpit at agresibo niyang mga kilos.

Kailangan kong makalayo..makatakas sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin sa'kin.

Mabilis akong tumakbo, wala talaga akong makita na napapadaan sa kalsadang ito. Nilingon ko ang likuran ko at ganoon na lang ang aking gulat nang makitang umandar na ang sasakyan ni Wahid at hinahabol ako.

Hindi ako makahinga nang maayos at parang hinihila lang ako pabalik sa kanya habang tumatakbo ako palayo.

Kailangan kong makalayo! Sasaktan niya ako! He is not Wahid anymore!

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now