Kabanata 17

22 3 6
                                    

---


Ang bilis lumipas ng mga araw.

Ngayon ay nandito kami sa flower shop nagbabantay. Wala na ngayon ang mga Rigor dito dahil nasa Maynila na. Si Yeshua nalang ang 'yong naiwan dito. Nakakatuwa dahil sumasabay siya sa'min ngayon kahit hindi niya kasama ang kanyang mga pinsan.
Marami kami tuloy customer na mga dalagita dahil nandidirito siya.

"Yeshua, may natipuhan ka na ba sa customer natin?" Tanong ni Solenn sa kanya.

"Wala." Napailing siya at umupo sa stool.

"Bakit? May girlfriend ka na ba?"

"Wala rin."

"Eh crush?"

"Ah..I think I like someone.."
Naka-crossed arms siya at nakapikit ang mga mata.

"Hala. Sino kaya 'yon?"

Natawa siya at napailing.

"Halos lahat ng kaklase ko crush itong lalaking 'to eh." Sambit ni Ada na ngayon ay may nginunguya na namang bubble gum.

"Totoo yan, ang haba ng pila sa'yo at sa mga pinsan mo." Nagtawanan kami.

"May mga girlfriend na mga 'yon. Tapos na ang pila."
Sambit ni Yeshua na ikinatahimik namin. May girlfriend na sila?

Akala ko wala pa..

"Oh, natahimik kayo?" Siya naman ngayon ang natawa.

"Syempre joke lang..hindi ko alam pero ang alam ko may girlfriend sila noong nakaraang mga buwan. Ewan ko kung hanggang ngayon mayroon. Hehe."
Mahabang litanya niya at napatingin sa'ming anim.

"Long term relationships ba?" Tanong ni Sunshine.

"Merong long term at short term. Hindi na sila ngayon pala-kwento, private life na ang mga baliw."

"Sino ang nagkaroon ng maraming girlfriend?"

"Si..Yvo, Kylo, Red, Hans, Nashville."

"Ah.. eh ikaw? Nakailang girlfriend ka na?"

"Hindi pa ako nagkaka-girlfriend." Ngumiti siya at tumayo na.

"I'll go home now. Susunduin ko kayo mamaya."

"Ingat ka, Yeshua."

"Yes po." Sumaludo pa siya sa'min.

Noong nakaraang buwan lang halos hindi siya namamansin. Ngayon sumasabay na sa'min at nakikipag-biruan.


[Hi.]

[You busy?]


Tumikhim ako at napahawak sa'king dibdib. Malala na yata ako. Text pa lang ni Zephyrus parang may kung anong hiwaga na sa aking dibdib.

[Nasa flowershop kami. Ikaw,
anong ginagawa mo?]

Wala pang limang segundo ay may reply na siya.



[I'm with my co-officers. How are
you and your school?]

Pinigilan ko ang ngiti ko at napatingin sa mga pinsan kung tahimik lang. Katulad ko ay mukhang may mga ka-text rin.


[I'm fine. Maayos naman ang pag-aaral ko. Hope you're doing
fine as well.]



[Well, I'm fine here but I'm
missing our place.]



[I can send pictures if you
want.]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now