Kabanata 14

25 8 2
                                    




---

Napatingin ako kay Yvo kausap ang mga pinsan niyang hindi sumali sa laro namin. Busy siya at mukhang inaaliw ng mga pinsan niya.

Huminga ako nang malalim at napatingin kay Red na para bang siya ang sisisirin ko at sumisid na nga ako. Malinaw ang tubig kaya kita ko si Yvo na nandoon parin at nong umahon na ako ay hindi pa ako nakamulat agad dahil sa tubig.

Maayos na pumunta sa likuran ko ang kulot kong buhok at ramdam ko ang tubig na dumaloy pababa sa mukha ko.

Nagmulat ako at agad na napasinghap nang mapagtanto kong nasa harap ako nila Zephyrus at wala na si Yvo!

"Hala.." nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Yvo na nakangiti malapit lang sa akin! Nahiya ako dahil nasa harap nila ako at nakatingin sila sa akin.

"Ang bilis mo umalis." Napalatak ako at napatingin kay Zephyrus na nakatitig lang talaga sa mukha ko. Parang aliw pa siyang pinagmamasdan ako nang matagal.

"Ibang laro naman. Ang hina ni Aleeza manghuli," natatawang sambit ni Yeshua. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sumisid na nga hindi pa nasisid ng maayos." Tawang-tawa na sambit ni Nashville.

Napaismid ako at sinabuyan ko silang dalawa ng tubig. Gulat silang napatingin sakin.

"Kayong dalawa na ang taya."
I smiled sweetly at lumangoy na palayo.

"Hoy!"

Angal nila pero mabilis na akong umalis habang nagpipigil ng tawa ko.

"Oh, kayong dalawa na taya!" Sigaw ni Red at hinila ako sa tabi niya.

Nagreklamo silang dalawa pero pumayag naman hanggang sa sumali na silang lahat dahil sapilitan din silang sinabuyan nina Yeshua at Nashville. Naiba na ang laro, kapag natamaan ka ng sinaboy nilang tubig ay magiging taya ka na.

Tuwang-tuwa kaming magpipinsan dahil ang kukulit nila. Panay ang reklamo nila at paninisi sa isa't-isa.

Napansin ko si Zephyrus na nasa harapan ko at mukhang tinatago ako kay Hans ngayon.

"Alis ka diyan Zephyrus, ang saya kaya maging taya ni Aleeza." Natawa sila sa sinabi ni Hans at napangiwi naman ako dahil napagod ako kanina sa kakahabol sa kanila.

"Iba naman. Hirap niyo kayang habulin." Reklamo ko at nagtago lalo kay Zephyrus.

"Pag ako naging taya ulit," banta ko kay Zephyrus nang gumalaw siya paalis. I heard him laughing. Ang sarap sa pandinig.

"I won't let that happen," nilingon niya ako na natatawa. Lalo siyang nagiging guwapo sa paningin ko dahil sa masaya niyang mukha.

"Ang sweet niyo naman. Huwag na nga lang si Aleeza, baka barilin mo pa ako.. police officer." Ismid ni Hans at kina Yeshua naman siya lumapit.

Napuno kami ng tawanan at asaran. Halos mangiyak-ngiyak na kami sa kakatawa dahil sa pinangagawa nila. Lalo na si Hans at Red na panay ang asaran.

Sabay rin kaming nananghalian at nagkuwentuhan pagkatapos kumain. Ang dami namin pero nagkasya naman ang pagkain naming mga dala.

"May smoke ka Red?" Napalingon kami sa sinabing iyon ni Hans.

"Naninigarilyo kayo?" Sambit ni Ada at nakapamewang niyang hinarap ang magpipinsan na ngayon ay may pagtataka na nakatingin kay Ada.

"Minsan lang." Nakangiting sambit ni Hans.

"Oo, minsan lang. We smoke when we feel stressed o pagkatapos namin kumain."
Usal ni Red.

"Bawal kayo manigarilyo kapag kasama kami." Maangas niyang sambit at inirapan pa iyong mga magpipinsan. Lalong silang nagtaka.

"Okay, tell us your reasons though."
Sambit ni Sylvester na may pag-irap pa kaya nairapan din siya ni Ada. Ang kulit nilang dalawa.

"Kung ayaw mong maubo habang naninigarilyo, huwag mo na subukan."

Natawa kami ng malakas ni Blythe at Bliss.
Natahimik kaming tatlo nang mapatingin sila samin. Kami lang tatlo ang malakas na natawa dahil sina Solenn at Sunshine ay pigil nila ang kanilang sarili na matawa ng malakas.

"Masusunod teacher, Ada." Sarkastikong sambit ni Sylvester.

"Pangit mo, Engineer Sylvester."

Nauwi na naman sa asaran silang dalawa. Nang magdapit hapon na ay nilakad namin ang malapit na falls.

"Ang sarap magpakalunod kung ganito naman kaganda iyong tubig at paligid."
Sambit ni Blythe. Nakayakap siya sa braso ko at sa kabila ko naman ay si Bliss.

"Hindi nakakasawa puntahan kahit na matagal na natin to nakikita at puntahan," usal ko.

"Kinalakihan na natin. Ang bilis ng panahon." Malambing na sambit ni Bliss at naupo kami sa malaking bato.

"How about an overnight here?" Suhestiyon nila.

Natahimik kaming anim. Pwede naman pero wala kaming damit eh, baka lamigin kami dito.

"Wala kaming damit. Ano magpapalamok tayo rito?" Sambit ni Solenn.

"We can go back and get your clothes tapos magdadala rin ng tent."
Sambit naman ni Ryxhen.

"Bukas." Matipid na sambit ni Sunshine.

"Yeah. Tomorrow." Sang-ayon ni Yvo at nakangiting napasulyap kay Sunshine.

"Dito tayo bukas, kami bahala sa tent at pagkain." Sabi naman ni Xanthus.

Si Ryxhen at Xanthus parehas seryoso at gusto pulido ang lahat. At parang walang puwang iyong mga bagay-bagay na walang kwenta sa kanilang paningin. Iyong sinisigurado nila na ang lahat ay masusunod at tama.

"Okay na ba?" Paninigurado ni Yeshua.

"Oo, bukas."

Naligo kami sa falls at nang alas sais na ay umuwi na kami. Iniwan na lang namin iyong ibang gamit dahil babalik pa naman kami bukas.


"Lola Sandra, uuwi na po kami. Bukas po aalis kami ulit at maliligo sa may talon." Magalang na sambit ni Zephyrus.

"Mag-iingat kayo. Pahinga kayo pagkauwi dahil bukas magsasaya kayo ulit. Salamat sa inyo."

"Sige po Lola, good night po." Pagpapaalam nila at nagmano muna bago umalis.

"Good night mga binibini."

Nakangiti silang nagpaalam samin dahil hinatid namin sila sa labas ng gate.

"Ingat kayo."

"Salamat, kitakits bukas." Sambit ni Red at sumaludo pa samin.

"Sige," sandali pa silang nakatayo sa harapan namin bago sila umalis at sumakay sa kanilang mga kotse. I look at Zephyrus and I saw him looking at me. He bit his lower lip at tinanguan ako bago pumasok sa kanyang itim na kotse.

They are a bunch of handsome man, they could be a freakin' model or a celebrity.

May ngiti sa labi akong nahiga saking kama at inalala ang mga pagkakataon na magsasalubong ang mata namin ni Zephyrus. Parang nawawala ako sa sarili ko kapag magkakatitigan kaming dalawa..


Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now