Kabanata 3

56 14 4
                                    


---

"Anak, hindi nga ako papayag na sumama ka sa Maynila kahit bakasyon lang yon o kahit isang linggo lang yon." Mahinahon na sambit ni ma'am Vinal kay Ryxhen.

Naitikom ko ang bibig ko at napatingin-tingin sa ibang direksyon at napasulyap ako sa mga pinsan kong ganon rin ang ginagawa.

"I'm going out Ada, sama ka?" Bulong ko sa kanya. Bumaling siya sakin na nakangisi. Bumulong din siya kay Bliss tapos si Bliss naman ay bumulong rin kay kay Blythe.

Nakangisi na sila ngayon, napailing ako. Si Ada lang inaya ko pero..ngayon apat na kaming lalabas. Maiiwan si Sunshine at Solenn.

Napasulyap ako sa mga lalaki malapit samin. Nakatingin samin na nakakunot-noo.

"Tara na." Hinawakan pa ni Ada ang kamay ko at naghilahan na nga kaming apat. Tatawa-tawa kaming lumabas na tanaw namin ang dalawang naiwan na halos maiyak sa inis at kaba.

"Hay nakahinga ako ng matiwasay mga insan."
Usal ni Blythe na ikinatango namin.

"Saan tayo?" Tanong ni Ada at may kinuha siya sa bulsa ng kanyang dress. Lollipop pa nga.

"Ada, parang bata to oh." Iling na sabi ni Bliss.

"Panira ka naman, Bliss. Kakain lang eh."  Ismid ni Ada at ibinulsa na lang ulit yon.

"Saan tayong apat?" Tanong ulit ni Ada.

Walang may nakasagot samin dahil parehas kaming walang ideya. Naglakad-lakad lang kami at naupo sa may mga nakahilerang upuan malapit sa divisoria. Sa kabilang panig naman ay may mga restaurant na pagmamay-ari ng mga mayayaman dito.

"Gusto kong magtayo ng coffee shop.."   Halos pabulong na sambit ni Blythe.

"We'll support you, Blythe." Sambit ko at hinaplos ang buhok niya. Mahilig kami sa kape kaya paniguradong mamahalin din namin ang kagustuhan niyang makapagtayo non.

"Kami siguro ang palagi mong customer." Sambit ni Bliss na sinang-ayunan naming tatlo..

"Ang guwapo ng mga Rigor, pero may kong ano sa kanila na masasabi mong..sa iba nalang. Don nalang sa iba na hindi mahirap titigan." Napatingin kami kay Bliss.

"Grabe yong lahi, akala ko sa mga palabas sa tv lang ako makakakita ng ganoon ka-guwapong mga mukha..dito lang pala. Malapit lang satin."
Sambit ni Ada.

"Huwag kasi tayo papahalata na kabado tayo, parang sira naman to." Sambit naman ni Blythe na ikinatawa naming tatlo. Siya rin kaya nagpapahalata na kabado din!

Ilang minuto rin kami don hanggang sa naisipan naming bumalik don pero nakakagulat dahil nandoon parin sila.

Pagkapasok namin ay nakaupo na yong mga Rigor at halos hindi na kaming apat makahinga. Natanaw namin si Sunshine at Solenn na nakabusangot ang mukha samin. Iniwan namin eh.

Sabay naming inabot na apat ang cotton candy na kulay pink sa dalawa.

"Tig-dalawa kayo." Medyo nauutal pa na sambit ni Ada. Mukhang pagkain talaga siya.

"Ah, bili namin kanina." Hilaw akong napangiti.

"Diyan lang kami sa labas." Hilaw ding ngumiti si Bliss.

"Hehe kayo naman maupo sa labas, kami na dito hehe." Halos matawa kami ni Ada at Blythe sa sinabi niya.

"Ah mga binibini.." Napalingon kami kina ma'am Vinal at Elizabeth.

"Hindi agad kami nakaalis kasi magpapakuha kaming litratong sa inyo, kami ni Vinal."

Napakurap-kurap ako, kami. Kung ganoon pinaghintay namin sila!

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now