Kabanata 5

43 12 3
                                    

---

NANGUNOT ang noo ko nang makitang may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin. May bisita ba si Lola?

Maingat akong pumasok sa bahay at bumungad agad sakin ang boses ng mga pinsan kong nagtatawanan.

Dumiretso ako kay Lola at nagmano. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Wahid na nakaupo at may malawak na ngiti sa akin.

Napangiti ako at napasulyap sa mga pinsan kong may nanunuksong ngiti sakin.

"Pinagpaalam ka sakin ni Wahid na lalabas kayo ngayon." Sambit ni Lola at may matipid na ngiti sa labi.

Tumango lang ako at napasulyap ulit kay Wahid na nakanguso ngayon at titig na titig sakin.

"Magpalit ka na ng damit Aleeza at bumalik kayo dito ng alas-sais. Mag-iingat kayong dalawa."

"Salamat, 'la." Halos sabay pa naming sambit ni Wahid.

Nang nagpapalit ako ng damit ay nakaramdam ako ng tuwa dahil nakabisita ulit si Wahid dito. Wala ba siyang pasok? Bakit hindi man lang siya nag-text na uuwi pala siya?

Nagpaalam na kami sa mga pinsan ko at kay Lola bago kami lumabas ng bahay. Wala akong alam kong saan niya balak dalhin ako.

"Saan tayo?" Tanong ko nang hindi ko na napigilan ang kuryusidad ko.

"Sa farm." Maingat niya akong pinasok sa front seat niya.
Tumango ako at napangiti.

Marami pa akong katanungan pero pinigilan ko ang aking sarili at mamaya ko na siya papaulanan nang tanong.

Tahimik kaming bumyahe hanggang makarating na kami sa malawak na farm nila. Dito ako natuto mangabayo, tinuruan ako ni Wahid.

"Namiss kong pumunta dito. Namiss rin kita.." Sinulyapan niya at ako at inilapit niya ang sarili niya sakin at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"I miss you too, Wahid." Sambit ko at hinaplos ang pisngi niya.

Namiss ko siya, pero hindi na katulad dati na kapag nakikita ko siya at matagal siyang nawala ay sobrang sabik akong makita siya. Ewan ko ba..

Ramdam kong may nagbago. Ramdam ko ang pagbabago niya. Ganoon ba talaga kapag lumayo ka at nag-Maynila?

"May problema ka ba?" Tanong ko. Nakatingin ako sa kanya. Samantalang siya ay nakaiwas ng tingin sakin.

Nakaupo kami ngayon sa terrace ng kanyang maliit na Kubo na gawa sa kawayan at 'yong bubong naman ay gawa sa nipa. Maganda ang pagkakagawa ng kubo at matibay.

"Wahid.." Pukaw ko sa atensyon niyang lumalayo na naman sakin.

"Ayos lang ako, love. Ikaw kumusta ka?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon.

"Wala akong problema at maayos na maayos ako, Wahid.."

Wala na akong magawa kundi ang manahimik at hayaan na lang siya. Kung ayaw niya sabihin, wala na akong magagawa.

Tahimik kaming nakaupo sa terasa habang tanaw ang papalubog na araw. Nakasandal ako sa kanya habang nakaupo sa pagitan ng kanyang mga hita.

Napapikit ako nang maramdamang hinalikan niya ang ulo ko at magaang hinaplos ang aking buhok. He's sweet and caring. Mabango din pero ewan ko dati pabango niya lang nagustuhan ko..ngayon pabango ni Zephyrus ang paulit-ulit na naiisip ko kapag nakakaamoy ng panlalaking pabango.

Mariin akong napapikit at kinalimutan ang isiping iyon.

"Kailan ka babalik?"
Tanong ko sa kanya na ngayon ay inihinto ang pinto sa harap ng convenience store. Bumaba kaming dalawa at agad akong natigilan dahil nasa labas ang mga Rigor, nagkukuwentuhan. May mga upuan kasi at lamesa sa labas ng store at libreng umupo roon.

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now