Kabanata 4

43 13 1
                                    

---

Nangunot ang noo ko nang mahalatang kanina pa ako iniiwasan ni Anya. Para bang natatakot siyang lumapit sakin.

Inisip ko kung may nagawa ba akong mali sa kanya kaya siya nagkakaganyan pero..parang wala naman.

"Anya.."mahinang tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay pero nagulat ako dahil napasigaw siya at parang napapasong lumayo sakin.

"What's wrong, Anya?" Takang tanong ko. My voice is always calm and soft. Pero bakit parang gulat siya nong tinawag ko siya?

"I..I have to go." Ngumiti siya sakin nang pilit at nagmamadaling umalis.

Sinabihan ba siyang huwag ako kaibiganin?

Nang matapos ang class ko ay agad akong lumabas sa room at dumiretso sa sakayan ng tricycle. Kung ayaw niya akong kausap ngayon ay hahayaan ko siya. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw ako sa ngayon kausap.

Tahimik akong pumasok sa loob ng tricycle. Okupado ang isip ko sa kaibigan ko. Ano kaya ang problema niya? May kinalaman ba ako don?

Napatingin ako sa katabi kong kakapasok lang at halos maubo ako nong makilala ko ang makakatabi ko..si Yeshua Rigor.

Halos magsumiksik ako sa pwesto ko baka kasi nasisikipan siya.

"What are you doing?" His voice is cold that brought shivers to me.

"Ah.." naitikom ko nalang ang bibig ko at napailing dahil wala akong maisip na rason.

"If you're uncomfortable just say it, I can go outside-"

"Hindi! Baka kasi nasisikipan ka kaya.." Napaiwas ako nang tingin nang inilapit niya ang mukha niya sakin na nakakunot-noo.

"Don't mind me." Parehas talaga sila ni Zephyrus sobrang nakakaba kausap at katabi.

"S-sorry." I said stuttering.

Napayuko ako at pilit inabala ang sarili ko dahil sa katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa.

"Bakit hindi mo kasabay mga  pinsan mo?" Tanong niya na mahinang ikinasinghap ko. Nakakagulat dahil nagtatanong siya at kinausap ako..nang maayos.

"Ah, kasi yong mga schedules namin hindi magkapareho."

Napatango lang siya at hindi na kumibo ulit hanggang sa bumaba na ako ng tricycle.

Tumulong ako kay Lola sa gawaing bahay habang wala pa ang mga pinsan ko. Matapos namin maglinis ay nagluto naman kaming dalawa.

"Aleeza, kumusta ka naman?" Tanong ni Lola sakin.

"Maayos naman, Lola. Ikaw po?"

"Malakas pa ako at maayos pa naman ang aking kalusugan."
Nakangiting sambit niya.

Lolo died 5 years ago, mahal na mahal nila ang isa't-isa at hindi ko alam kung paano kinaya ni Lola ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na tao. Iisipin ko palang na iiwanan din ako ng aking mapapangasawa ay bumibigat na ang aking kalooban.

"Kumusta kayo ni Wahid?" Natigilan ako sa tanong ni Lola. Kumusta nga ba kami? Maayos pa ba?

"Maayos naman siguro, 'La. Busy siya sa kanyang pag-aaral at miminsan lang kami mag-usap." Umiwas ako nang tingin at itinuon nalang ang aking atensyon sa aking niluluto na adobong manok.

"Huwag mong seryosohin masyado ang pakikipag-relasyon mo sa Olivares na yon, apo. Baka masaktan ka lang, hayaan mo ang tadhana ang magdikta at magturo sayo sa pagpili ng lalaking para sayo. Hindi ko sinasabing  ayaw ko kay Wahid, ang sa akin lang. Maaaring kayo sa isa't-isa hanggang sa huli o baka naman parte nalang kayo sa isang kuwento, na hindi kayo nagkatuluyan at magiging kuwento nalang sa hinaharap."

Natigilan ako sa narinig kay Lola. What if Wahid and I will not be together in the future? Baka hanggang dito lang kami? Baka sa iba siya nakatakda..at ako ganoon rin.







Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil late na akong nagising. Nauna na yong mga pinsan ko dahil mas maaga yong schedule nila. Makakahabol pa ako sa class ko.

Halos takbuhin ko ang daanan palabas ng property namin para masigurado lang na hindi ako mahuli sa paradahan ng tricycle.

Nang makarating ako sa paradahan ng tricycle ay nakahinga ako ng matiwasay dahil meron pang bakante roon.

Papasok na sana ako sa loob ng tricycle ng matigilan ako dahil nasa loob si Zephyrus, nakahalukipkip at seryosong-seryoso. His hair is in a clean cut at nakasuot lang siya ng white shirt, pants na itim at naka-slide na nike na kulay itim.

Nang mapansin niya ako ay agad nangunot ang noo niya at lumabas siya agad sa tricycle.

"Get in." Malamig na sambit niya.

Wala akong masabi kundi ang tumango nalang at pumasok. Sumunod naman siya.

"Manong Roger, hatid mo na kami. Late na siya." Napasinghap ako at agad napabaling sa kanya. At halos malagutan ako nang hininga dahil pagkaharap ko ay nakaharap na pala siya sakin kaya muntikan ko na siyang mahalikan dahil sa lapit ng mukha niya.

"Sorry. H-hindi pa naman ko late." Napaatras ang ulo ko at sobrang nahihiya na ako. Napasulyap ako kay manong na nakaiwas ng tingin sa amin.

"So, hihintayin mong ma-late ka?"
Natahimik ako.

Wala na akong magawa dahil umalis na ang tricycle dahil pinagsabihan niya talaga na umalis na.

Halos mapisa ako na ako sa kakasiksik sa tricycle para hindi ako mapadikit sa kanya, parang inulit ko rin ang ginawa ko kahapon kay Yeshua.

Takot kasi ako na baka maulit ang nangyari kanina. Hindi rin nakakatulong ang amoy niya na panglalaki at sobrang bango. Ewan ko ba, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maamoy ko na talaga siya.

"Stop doing that." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Kung gusto mo, kalungin na kita kong nasisikipan ka."

Napasinghap na ako sa narinig sa kanya. Hindi ko naman ginagawa to para kalungin niya ako ah!

His red lips is twisting na para bang gusto niya matawa sa reaksiyon ko.

Bumukas ang bibig ko para pagsabihan siya pero agad ding itinikom dahil wala na akong masabi.
Anong kakandungin? Grabe naman siya!

Hindi inaasahang makadaan kami sa lubak na parte ng kalsada dahilan nang pagkabunggo ng aking ulo sa bakal ng tricycle sa gilid ko.

Medyo hindi naman malakas pero nakaramdam ako ng pagpanting ng aking tenga.
Nasapo ko ang aking ulo at napaigik ng mahina.

"You okay?" Tanong ni Zephyrus at hinahawakan ang siko at hinarap ako sa kanya. He got a gentle hands.

"Ah..okay lang naman." Napangiti ako ng pilit na nauwi sa pagngiwi.

"Masakit pa ba?" Hinahawakan niya ang ulo ko at mahinang hinaplos yon. Halos magdikit na kaming dalawa. Amoy na amoy ko na..siya.

Mariin akong napapikit. Bakit sobrang lapit-lapit niya na sakin? Okay lang naman ako.

"Masakit pa?" Ulit niya kaya napamulat na ako at nagtama ang aming mga mata. Nagtagal pa 'yon nang ilang segundo bago ako nakaiwas nang tingin.

"Ayos na." Paos kong sambit.

"Manong Roger, sa susunod po iwasan ninyo iyong malubak na daan. Lalo na kapag marami kayong sakay."
Magaan ang boses niya. Sinulyapan niya ako at mariin na tinignan kaya naman umayos na ako sa pagkakaupo.

Napanguso sa pagka-ilang at napahilot nalang saking ulo. Ayaw ko siyang katitigan, luge ako. Hindi ako makatagal sa titig niya.

Halos wala akong matutunan sa lecture ni professor Jen dahil sa nangyari kanina. Hindi ko malimutan ang haplos niya sa ulo ko at ang pagpapa-alala kay Manong Roger. Ganoon ba talaga siya?

Kung ganon nakakahanga naman pala ang isang tulad niya.

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now