Kabanata 7

35 8 3
                                    


---

Napangiti ako habang nakatingin sa aking repleksiyon sa salamin. I'm wearing a white dress and my hair is in a clean bun, tied in a floral scarf.

Nakangiti akong umikot sa harap ng vanity mirror ko. I'm done.

It's a celebration of Rigors' abundantness, a once a year celebration where all of the people living here in our place are free to go and celebrate with them.

Ang pagkakaalam ko halos lahat ng angkan nila ay pupunta. Nakakatuwa, kasi kahit nasa malayo at maraming importanteng gagawin ay nakukuha nilang pagbigyan ang selebrasyong ito.

Nong maliit pa ako ay nakadalo na ako sa selebrasyon nila. Hindi naman kailangang magbigay ng regalo at magsuot ng mga mamahaling damit at alahas. Ang pumunta at dumalo ka ay sapat na sa kanila. Nakakahanga talaga ang pamilyang katulad nila, napakakumbaba at nakakainitindi sa nakakarami.

Bakit kaya hindi sila tumakbo sa pagpo-politiko?
Kahit isa man lang sa kanila. Ganoon ba sila ka-pribado sa buhay at ka-simple?

"Aleeza.."

Napukaw ang isipin ko dahil sa katok sa aking pinto at pagtawag sakin ni Bliss.

Isinukbit ko na ang maliit kong sling bag at lumabas na sa aking kuwarto.
Malawak akong napangiti nang makita ko ang ayos ng aking mga pinsan. Ang gaganda  nila, bagay na bagay sa kanila ang kanilang mga suot na damit. Napaisip na naman ako na marami-rami na namang magkakagusto sa mga 'to.

"Lola, aalis na ho kami." Paalam ni Solenn na sinundan naman namin nang maligayang pamamaalam.

Nakaupo si Lola sa may sofa at nakatingin lamang samin na may ngiti sa kanyang labi.

"Mag-iingat kayo ha. Kanina nakasalubong ko si Zephyrus at Yvo..ibinilin kong ihahatid kayo dito sa bahay kapag lumalalim na ang gabi at uuwi na kayo. Huwag kayong mag-alala at maaasahan ang mga binatang iyon."

Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Lola at humingi pa siya ng pabor sa mga iyon. Hindi yata tumatalab ang awra ng mga Rigor saming Lola.

"Huwag na kayong mag-reklamo mga apo. Ayokong gabihin kayo sa daan, wala akong tiwala sa mga kalalakihan rito. Ang mga Rigor lang ang kaya kong pagkatiwalaan."

Halos sabay kaming napabuntong hininga at napangiwi sa narinig kay Lola. May bias yata si Lola pagdating sa makakahalubilo namin.

Alas syete ng gabi ay nakarating na kami sa malawak na venue na pag-aari ng pamilyang Rigor. Malayo sa kabahayan at may magaang kapaligiran malayo sa karahasan at kaguluhan. Hindi ko na nais na umalis pa sa lugar na ito. Mas gusto ko sa lugar na tahimik at payapa.

Kung umaga siguro ngayon ay baka umawang na ang aking bibig sa kagandahan ng paligid. Ngayon pa nga lang na gabi ay maganda na dahil sa nagliliwanag na mga ilaw na nakasabit sa mga puno, sobrang humahanga na ako. Nakakahanga ang taglay na kagandahan ng lugar na ito, ang lugar namin.

Napapaisip nga ako lagi kong may chance ba na aalis ako dito sa probinsya ay papayag ba ako? Papayag ba akong malayo sa lugar kong saan kinalakihan ko at sobrang ganda na animo'y isang paraiso..

Hindi ko kailangang umalis. Ayos na ako sa buhay na meron ako dito.

At sana dito narin ako makakahanap ng taong mapapangasawa at mamahalin ako ng totoo at buong-buo. Yong alam ang halaga ko, nire-respeto at hindi ako ipagpapalit sa iba.

Ang hanap ko lang naman sa isang lalaki ay iyong may magandang ugali at kabutihang loob. Sana naman ay makahanap ako ng lalaking ganoon..at kung mahanap ko man siya, ay sana siya na talaga iyon. Siya ang gusto kong makasama panghabang-buhay.





Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now