Kabanata 11

19 8 5
                                    

---

Nakatingin lang ako sa aking repleksiyon sa salamin. May bakas pang pasa ang aking pisngi pero nawawala narin naman. Naghihilom narin ang aking mga sugat pero ang trauma na ginawa sakin ni Wahid ay hindi mawala-wala sakin. Napabuntong-hininga ako kasi tatlong araw na akong absent kaya papasok na ako ngayon.

Bumaba na ako at naabutan ko ang mga pinsan kong nakaupo at mukhang hinihintay ako.

Panay ang kwentuhan namin tungkol sa lakad namin bukas. Maliligo daw kami sa may batis nang mga dalawang araw. Sabado at linggo raw kami maliligo at inimbitahan din nila sina Zephyrus.

Naiimagine ko na ang mangyayari. Sana maging maganda ang plano nilang ito.

"Miss ko na maligo at isa pa para matanggal kahit papaano ang stress ko!" Himutok ni Ada. Stress kaming lahat sa nangyari, nakatakas ba naman si Wahid at hindi na mahanap pa. Lumuwas siguro agad ng Maynila o hindi kaya'y lumabas ng bansa.

Tumulong din sina Zephyrus sa paghahanap at nalamang nagtago na siya. Takot rin siguro ang pamilyang Olivares na malaman ng buong barangay ang pinangagawa ng kanilang butihing anak. Tinanggap ko nalang na iyon na 'yon. Walang ring ibang nakakaalam sa buong nangyari ng gabing iyon. Ayoko rin namang magulo pa ang buhay namin at madamay ang minamahal ko sa buhay.

Hiling ko lang na sana'y magsisi siya sa ginawa niya sa akin.

Nasa paradahan na kami ng tricycle nang lumapit samin si Yeshua at nag-alok na sumabay na kami sa kanya pumasok sa school. He's using his black car halatang hindi masyadong ginagamit.

Ang yaman talaga nila at nakakahanga ang angkan nila. Marami dito sa amin ang mga mayayamang angkan pero...sila talaga ang pinakamayaman sa lahat at lowkey lang mamuhay. Masasabi mong mayaman sila pero magugulat ka parin dahil hindi mo aakalaing ganito pala kayaman..

"Kumusta ka, Aleeza?" Tanong niya sa akin noong papasok na kami sa gate.

"Okay naman, Yeshua. Ikaw, kumusta ka?"

"I'm fine. Pinapasabi ni Kuya na huwag kang magpapagabi ulit."

Oh..

Ang bait pala ng kapatid niya at nakuha pa akong paalalahanan.

"Sige, pakisabi salamat."
Hindi ko alam pero natuwa ako na malaman na ang isang Zephyrus Rigor ay may pakialam sa akin.

"Your cousin is serious right?"

My cousin? Napatingin ako sa kanya at sumulyap lang siya sa akin.

"Ha?"

"That we are coming with you tomorrow for an outing?"
Nagugulahan niyang tanong mukhang hindi talaga siya sigurado sa kanyang tanong.

"Sinong pinsan ko?"

"Iyong makulit na Ada na 'yon."
Natawa ako nang mahina. Makulit talaga si Ada, that's why I love her so much.

"She's excited for tomorrow at seryoso 'yon kahit na makulit."

Natawa siya at tahimik na lang na sumabay sa lakad ko. Maraming napapatingin sa kanya at nililingon pa siya ulit kahit na nalagpasan na niya.

"Saan ka?" Takang tanong ko.

"Hahatid kita. Napraning si Kuya dahil sa nangyari sayo. Bantayan raw kita." Napailing siya at mukhang hindi makapaniwala sa inaasal ng Kuya niya. Grabe naman kasi ang kapatid niya. Hindi naman siguro ako mapapahamak dito sa loob ng school..ang dami rin kayang tao.

Teka, bakit naman gagawin iyon ni Zephyrus? Bakit? Ano ba niya ako? At talagang nakinig naman ang kanyang kapatid sa kanya.

"Huwag mong pansinin si Kuya, ganoon lang talaga 'yon. Sige, pasok ka na."

Napanguso ako. Sure, sabi mo eh.

"Salamat, Yeshua."
Ngumiti siya sa akin at umalis na.




Napansin kong hindi pumasok si Anya. Galit na galit siya kay Wahid at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Kung ayos lang ba siya..

Maagang natapos ang schedule namin at sabay na ulit kaming pauwi.

"Ang sungit talaga ng hambog na 'to!" Inis na sambit ni Ada habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Kunot na kunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Sin-o na namang ka-text mo ha at inis na inis ka na naman?"
Tanong ni Solenn at sumulyap kami sa cellphone niya. Nagulat si Ada at agad na lumayo sa amin.

Napanguso si Ada at napailing pa siya nang ilang beses. Ayaw niyang sabihin, kulit niya talaga.


"Pauwi na kayo?"
Napalingon kami kay Onyx. Kasama niya si Aziel at Freight.

"Uuwi na." Nakangiting sambit ni Solenn.

"Ahh.. By the way, we heard about the incident happened to Aleeza. You okay now?"
Tanong ni Aziel at napahinga siya nang malalim. Napatingin sila sa akin.

"Ayos na ako, Aziel." Nagulat ako dahil bakit may alam sila sa nangyari sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako, mayaman sila at maraming koneksyon kaya siguro may alam sila tungkol sa nangyari.

"Ingat kayo pauwi ah. O baka gusto niyo hatid na namin kayo?" Maingat na sambit ni Freight.

"Huwag na-"

"Kami na maghahatid. Umuwi na kayo." Napalingon naman kami sa kakarating lang at nakita namin si Yvo at Sylvester na nakangisi.

"Epal niyo naman." 

"Epal your face, Freight."
Nakairap na sambit ni Yvo. Hindi ko alam na may kapilyuhan din si Yvo at palaasar din.

"We're going now. Ingat kayo." Pagpapaalam samin ni Onyx.

Maayos naman ang byahe namin pauwi sa bahay pero may isang babae at lalaki na panay ang sagutan. Hindi namin alam kung ano nga ba ang dahilan.

"Ang kulit mo."

"Ang sungit mo!"

Napailing na lang kami sa sagutan ni Sylvester at Ada. Ewan ko kung bakit inis sila sa isa't-isa.

"Ang liit mo."

"Sinong maliit?!" Halos batuhin ni Ada si Sylvester ng kanyang bag.

"Maliit ka naman talaga."

Napanguso ako para pigilan ang tawa ko. Hanggang balikat lang kasi siya ni Sylvester.

"Para kang mushroom na maingay, makulit at maliit."

Umusok yata ang ilong ni Ada at napagdesisyunan na lang na tumahimik.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi na niya pinansin pa ulit si Sylvester.

"Thank you sa paghatid. Ingat kayo pauwi, Yvo and Sylvester."
We said thanks to these two handsome gentlemen for bringing us home safely.

"No worries, thanks." Sumaludo pa si Yvo at kinindatan pa si Sunshine. Napailing na lang si Sunshine na may ngiti sa labi.

Parang may nagkakamabutihan na ah?

Ada and Sylvester Guevarra.

Sunshine and Yvo Atienza.


Barangay Love Story#1: Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon