Kabanata 13

25 8 2
                                    




---

"Zephyrus is coming right?" Tanong ni Xanthus.

Pagkarinig ko sa pangalang iyon ay awtimatikong napatingin ako kay Xanthus. Napailing ako dahil weird lang..

"Yeah, kasama niya si Red, Hans and Nashville. Sasama pa sana ang iba pero ayaw na ni Red. Sinumpong siguro." Sabi ni Yeshua. Mahina siyang natawa at sumimsim sa kape niya.

Lumipat ang paningin ko kay Yvo, Kylo at Sylvester na tumayo at naghubad ng kanilang tee-shirts. Nakailang kurap ako at napatingin na lang sa ibang direksiyon.

They got a model body..

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking harap-harapan naming nakita ang kanilang physical features. 

Muli akong napakurap dahil nagtama ang paningin namin ni Zephyrus nang maibaling ko ang aking ulo sa direksiyon niya. Mariin siyang nakatitig habang papalapit siya.

"Hey! Nandito na kayo."
Masayang bati ni Kylo.

Nagbatian silang magpipinsan at nagkuwentuhan saglit. Naligo na si Kylo, Yvo at Sylvester. Si Red, Hans at Nashville ay lumapit kina Ryxhen, Xanthus at Yeshua na nag-iihaw na ngayon. Si Solenn, Sunshine at Ada ay nagpi-picture taking. Kami naman ni Bliss at Blythe ay nakaupo lang sa upuan at tahimik na nakamasid sa kanila.

Sa aming magpipinsan kaming tatlo ni Blythe at Bliss ang tahimik at mahinhin gumalaw. Iyong tipong kuntento na sa tabi na nakikisaya.

Napatingin kami kay Zephyrus na napadaan sa harap namin hawak ang kanyang kape. He looks sleepy and tired. Sa totoo lang siya pa lang iyong pinaka-guwapong nakita kong pulis.

Ang dami niya sigurong nabibighaning babae sa Maynila. Dito pa nga lang madami na..

Nagtama ulit ang mata naming dalawa, I smile a little and look away. I can feel my cheeks burning. He's so good looking in this early morning, pagod pa 'yan sa byahe galing Maynila.

Ang perpekto..pinagpala talaga ng Panginoon.

"Uy kayong tatlo, kayo naman kuhanan namin ng litrato." Sambit ni Ada nang makalapit siya samin. Tumayo naman agad ako para hindi na siya mag-ingay pa.

Tumayo rin si Zephyrus at naghubad ng damit. He's body built is so manly, bagay talaga siya sa maging pulis. His thighs are thick and his biceps are firm. Nakashorts short silang mga lalaki kaya kita talaga yong malusog nilang hita. Naligo narin siya.

Kaming magpipinsan naman ay nawili na sa kakakuha ng picture. Pagkatapos nila akong kuhanan ng litrato ay naglakad-lakad ako papuntang malaking puno at nagtingin-tingin sa mga ligaw na magagandang halaman.

Napatingala ako sa taas at nasilaw ako sa liwanag na sumisilip sa mga dahon. Napangiti ako. Ito ang gusto ko, ang lugar kung saan tahimik at payapa..malayo sa gulo.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang may naramdaman akong parang may nakatitig sa akin at kaluskos na rin.

Napalingon ako sa likuran ko at nakitang malayo na ako sa pwesto namin. Mabilis akong tumakbo pabalik. Ramdam ko talaga na may taong nakatitig sakin..

Napasigaw ako bigla nang salubungin ako ni Zephyrus. Hindi ko siya napansin na sinasalubong niya ako.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong niya at hingal din siya. Basa siya dahil naligo na siya.

"Diyan lang.." napalingon ulit ako sa likuran ko.

"What's wrong? May nangyari ba?"
Napatingin ako sa kanya.

"Ahh.." tumikhim ako. "Guni-guni ko lang siguro. Tara." Niyaya ko siyang umalis at nakita ko si Yeshua na mukhang sumunod rin sa Kuya niya.

"Namumutla ka Aleeza. Ayos ka lang ba?"
Puna ni Yeshua.

"Okay lang ako. Iyong mga pinsan ko naligo narin ba?"

"Si Solenn at Sunshine pa lang."

Nilingon ko si Zephyrus at nakitang napahinto siya at mukhang pinag-aaralan ang paligid.

"Kuya, tara na."

Hindi siya kumibo.

"Zephyrus.." tawag ko at lumingon naman siya na nakakunot-noo.

"Tara na." Sambit ko at tumango naman siya.

Bumalik na kami at nakitang nagsasaya na sila ngayon. Masayang naliligo si Sunshine at Solenn habang nakikipag-usap kay Ryxhen, Yvo and Kylo.

Nakaligo na silang lahat except me, Bliss and Blythe. Mukhang tapos na sila mag-ihaw at naghahanda narin ng pagkain sa lamesa sina Xanthus, Bliss, Blythe and Red.

"Aleeza, what did you notice a while ago?" Tanong ni Zephyrus.

"Wala naman." Ayoko naman mag-isip ng masama.

"Okay, just don't go anywhere alone. Remember to always stay with your cousins."
Paalala niya at pinaupo ako malapit sa mesa. Nahuli kong nakatingin samin si Red at Nashville na nagtataka.

"What happened?" Pabulong na tanong Ada?

"Wala naman. Nangamusta lang siya."

Napatango lang si Ada at naligo na kasama si Bliss at Blythe. Ako na lang ang hindi pa nakaligo.

Napasulyap ako Kay Zephyrus na seryosong kinakausap ang mga pinsan niya at iyong iba napasulyap pa sa akin. Ang seryoso yata ng kanilang pag-uusap.

Lumipat ang tingin ko sa mga pinsan kong masayang naliligo. Naghubad ako ng dress at naiwan ang manipis kung sando na puti at cotton shorts. Ganun rin ang mga suot ng pinsan ko. Napatingin ako sa hita kong may naghihilom pang pasa. I'm white as paper kaya kitang-kita siya. Halos magkasing-puti lang kami ni Blythe, Bliss, at Sunshine. Naglakad ako malapit sa hagdan at dahan-dahang bumaba sa tubig. Hindi na masyadong malamig dahil alas nuebe na ng umaga.

"Aleeza dito ka!" Sigaw ni Ada at malambing akong nilapitan.

"Sa wakas naligo ka narin." She giggled.

Naglaro kami ng habulan. Sumali si Yvo, Kylo, Red at Hans. Nang ako mataya ay natatawa nalang ako dahil hindi ko sila mahabol!

"Aleeza ako kasi habulin mo! Magpapataya ako." Tawang-tawa na sambit ni Ada.

"Sige." Natawa ulit ako at nang malapit ko na siyang lapitan ay bigla siyang lumayo at tinawanan ako. Kulit.

Napalabi ako at hinabol nalang si Red na malapit sakin.

"Ahh hahahaha muntikan na ako." Tawang-tawa naman siya nang hindi ko siya mahabol-habol.

"Ang daya niyo, ang bilis niyo lumangoy." Reklamo ko at si Blythe naman ang hinabol ko. At nang muntik ko na siyang mahuli ay bigla siyang hinila ni Kylo at inilangoy niya palayo sakin!

"Ang daya ni Kylo!" Reklamo ko ulit. Tawang-tawa silang lahat pati na iyong hindi kasali.

Nag-iisip ako kung paano ko sila mahuli ng mabilis.

"Ang cute mag-reklamo." Komento ni Red pero hindi ko siya pinansin dahil may iniisip ako.

Kung sumisid kaya ako? Marunong naman ako. Pwedeng-pwede..

Barangay Love Story#1: Wish GrantedWhere stories live. Discover now