CHAPTER 3

80 10 0
                                    


Chapter 3
Jaycee's pov

Late na akong naka uwi yung sobrang late mejo amoy alak din ang hininga ko dahil napa inom ako ng isang bote ng beer. Bago ako pumasok sa bahay nakita ko ang text ng iba sa mga tropa ko

From: Clark
Message: akalako susunod ka?

From: Felix
Message: Dō shita no? (whats wrong?)

From: Clyde
Message: why you didn't show up?

Hindi na ako nagreply sa kanila at dali daling pumasok sa gate. Tulog na ang lahat, at naka lock ang pinto buti nalang may master key ako kayang kaya kong buksan. Pagkapasok na pagkapasok ko tumambad ang mula sa dilim si kuya William kasama si Daddy

"ang tigas talaga ng ulo mo...anong oras na ngayon kalang uuwi" sabi ni kuya william at lumapit sakin "at hindi lng yan amoy alak kapa"

"Bitawan moko!" madiin kong sabi dahil mahigpit ang pagkakahawak sakin ni kuya sa braso

"william tama nayan pabayaan mona si Jaycee makapag pahinga" sabi ni daddy habang pinapabitaw saakin

"hindi dad maslalong tumitigas ang ulo nito...ewan ko ba simula ng naghighschool to nag-iba ang ugali" galit na sabi ni kuya

Hindi niya alam kung gaano ako nag sasuffer kada araw...yung tipong kada araw na ipinapakita at ipinaparamdam sayo na wala kang kwenta, pabigat at sinisisi sa pagkamatay ni kuya Angelo ganon yun kasakit sakin

"alam mo kung bakit kuya" pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan "since kuya Angelo died I always suffer dahil sa loob ng limang taon ipinapamuka niyo sakin na kasalanan ko yung nangyari....hanggang ngayon naman ehh ganon parin" aniya ko habang pilit na pinipigilan ang luha

Dahil sa sinabi ko ewan ko kung nagalit siya pero hindi ko pinagsisihan na sinabi ko iyon

Bigla nalang akong simampal ni kuya  ng malakas dahilan para mamula ang pisngi ko.

"sige pa kuya saktan moko! kung jan kayo sasaya" pasigaw kong sabi "titiisin ko kahit gaano kasakit" halos pabulong kong sabi

Mula sa kinatatayuan ko hindi ako kumilos itinulak ni daddy palayo si kuya sakin at lumapit sakin hawak ang dalawang braso ko habang nagtatanong kung okay lng ba ako pero hindi ako sumagot. Napatingin ako mula sa kinatatayuan ni kuya nakayuko ang ulo niya at naka tingin sa kamay niya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni daddy sa braso ko at umakyat papuntang kwarto agad kong binuksan ang handcarry na bag ko naglagay ako ng mga damit, gamit, wallet at  uniform agad din akong nagpalit ng damit. Hindi ko man sigurado kung saan pupunta pero ang alam ko lang gusto ko munang lumayo

Lumabas sa kwarto ko and I saw Elli looking at me na parang nagmamakaawang wag akong umalis pero walang makakapigil sakin. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso papunta da pinto.

"Nak saan ka pupunta?" nag aalalang tanong ni daddy sakin

"dad no need to worry...kaya ko ang sarili ko, wag kang mag alala pa babalik naman ako" sabi ko at nilingon ko si kuya nakatingin siya sakin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa pinto at lumabas.

Naglakad ako papalabas ng village namin...naka rating ako sa isang convenience store pumasok muna ako para bumili ng mineral water

Nagbayad ako at agad na lumakad papaalis wala na akong pake kung sobra yung bayad.

Kalalakad ko nakarating ako sa gilid ng ilog naupo ako sa isang bench.Gusto kong sumigaw...gusto kong magpalunod at tangayin ng agos pero mali hindi ko dapat ipakitang mahina ako. Ibinuhos ko ang lahat sa pagsigaw para mawala ang sama ng loob pero biglang tumulo ang luha ko ng hindi namamalayan

"Bakit ako pa sa dinami dami ng tao bakit...bakit si kuya Angelo pa. Kuya nahihirapan nako ang hirap ipakita na matatag ka, ang hirap magpanggap na hindi nasasaktan....kuya durog na durog nako. Kuya gusto kitang makausap, gusto kitang mayakap, kaya kuya please bumalik kana....please"

Patuloy parin sa pag agos ang luha ko muka nakong batang na agawan ng candy, I open my phone at nakita ko kaagad ang limang missed call mula ka daddy...dahil wala akong makausap tungkol dito kaya pinindot ko yung number ni Felix at tinawagan siya

[ hmmm ] sagot niya mula sa kabilang linya

"sorry nagising ba kita? Sorry papatayin ko nalng"

[ wait anong oras naba 1:00 am na pala bakit ka napatawag? ]

Hindi ko siya masagot ng maayos dahil patuloy parin sa pag agos ng luha mula sa mata ko

[ are you crying...nasaan ka pupuntahan kita ]

"n-nasa tambayan ako sa i-ilog"

Kahit ayaw kong sabihin bigla nalng lumabas iyon mula sa bunganga ko. Hindi ako umalis mula sa pag kakaupo ko sa bench, ni hindi ako makakilos dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Malakas lng ako sa pisikal pero sa loob durog nako ng sobra. Hindi nagtagal may tumabi sakin sa bench at si Felix yun bigla nanlng akong napayakap sakanya habang humahagulgul sa iyak

"what happened?" nag aalalang tanong niya hindi ako nag salita napa higpit nalang ang yakap ko sakanya "halika na alam kong hindi kapa ready magkwento sakin kaya tara na sa  condo ko dun ka muna magpahinga"

Walang pag aalangan akong sumama kay Felix, nakarating kami sa condo niya at agad kaming pumasok bitbit nya yung bag kong handcarry, alam kong hindi na normal para sakanya yung ganito kaya ayos lng sakanya.

"kaya ba hindi ka sumama kanina sa Arena?" tanong niya sakin

"ang hirap maging matatag sa harap nila" walang emosyon kong sagot sa kanya "kahit wala pa silang ginagawa o sinasabi unti unti akong nadudurog" kaya kuya please ce back please

"shhhh stop it magiging ayos din ang lahat...kaya matulog kana para makapag pahinga ka" nag aalalang sabi niya

Kaya humiga ako sa sofa bed na niready niya para saakin, at natulog

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now