Chapter 33
Jaycee's povKasalukuyan akong nakaupo dito sa study table at nagbabasa ng mga notes ko for school. Dahil sabado ngayon at wala akong balak lumabas.
Ewan ko pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Felix at Jake. Gulong gulo yung utak ko. Halos mapasabunot nako sa ulo ko dahil walang pumapasok na kahit ano.
I'm so occupied
Habang nasa ganong posisyon ako. Biglang tumunog yung phone mo. Indication na may tawag ako. Agad kong tinignan kong sino and its Nathan.
At ano naman kayang sumanid sa ugok nato para tumawag sakin.
"ey zup" bati ko
[ hindi moba ako susunduin nasa airport nako! ] bulaslas niya mula sa kabilang linya. Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya.
"fine eto na....magbibihis lang ako" bored kong sagot
[ ayun sige....see yah ] sabi niya tsaka niya binaba ang linya.
Ahh oo nga pala uuwi pala siya ngayon kase miss daw niya ako...o mas tamang sabihin na mas miss niya si ate Jackie.
Dali dali akong nagpalit ng damit tsaka agad na bumaba at pumunta sa sala.... Dahil wala akong auto...hmm sisiw anjan naman si lolo.
Hinanap ko si lolo at agad na nagpaalam kung pwede kong hiramin isa sa mga kotse nila.
"lo pwedeng humiram ng auto susunduin ko lang si Nathan sa airport" paliwanag ko
Agad namang ibinato ni lolo ang susi ng isa sa mga sasakyan nila. Hindi ko alam pero...hindi ko talaga alam kung anong susi ng sasakyan tong ibinato sakin ni lolo
"apo susi yan nung 4x4 ayun nalang gamitin mo" sabi ni lolo habang naka ngiti sakin
Damn ang angas non. Agad akong nagpaalam kay lolo at lola tsaka ako pumunta sa garahe.
Agad akong sumakay at nag drive paalis. Habang nasa byahe ako, hindi ko maiwasang maiinip dahil sa traffic. Napatingin ako sa rare view mirror, dun ko lng napansin na hindi ko pala natanggal yung eyeglass ko.
Pero mas nabigla ako sa nakita ko. May lalaking tumatawid sa pedestrian lane na nakasuot ng itim na jacket. Hindi niya suot yung hoddie kaya malinaw kong nakita yung muka niya.
Si Leo....siya nga hindi ako pwedeng magkamali.Balak ko sana siyamg sundan kaso hindi pupwedeng iwan ko nalang itong sasakyan sa gitna ng daan. Kaya dali dali akong naghanap ng pwedeng pagparkingan.
Takad patakbo ang ginawa ko para lang maabutan siya ng bigla siyang lumiko sa isang iskinita. Sumunod ako sakanya kaso bigla siyang nawala
Bakit ngayon lang siya nagpakita....tapos hindi ko pa siya naabutan
"tangina!" sigaw ko sabay sipa sa basurahan
Bakit ba siya nag tatago, ano bang problema niya? Bakit hindi niya sabihin?
"bakit moko sinusundan"
Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa likod. Yung boses na matagal na nawala ng halos isang taon.
"bakit moko tinatakbuhan?" pabalik kong tanong sakanya "Leo bakit ngayon kalang nagpakita?"
"pasensya na Jaycee may trabaho pa ako" sabi niya sabay talikod sakin
"bakit hindi mo sinabi?"
"ang alin?" nagtatakang tanong niya
Simula ng makita ko siya sa minimart. Inalam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Kahit mahirap sinubukan ko.
"hindi mo sinabi saamin na may problema ka?"
"anong problema?" sagot niya sakin na may halong pagtataka
"di ba naluguli yung business niyo kaya ka umalis sa FIS diba?" sabi na may basag na boses "bakit hindi mo sinabi kuya Leo? Diba sabi mo sanggang dikit tayo pero bakit hindi mo sinabi saamin o kahit saakin manlang?" halos mangiyak ngiyak akong sabi. Hanggang sa bumigat ang damdamin ko.
Biglang lumapit sakin si Leo tsaka ako niyakap ng mahigpit
"sorry Jaycee... Nahiya na kase akong magsabi" aniya niya sabay himas sa likod ko "m-marami kanang naitulong saakin"
"iyyy bakit hindi mo sinabi kuya Leo yung nangyari" sabi ko na may halong pag mamaktol na parang bata
"shhhhh tama na Jaycee...wag kang mag-alala" sabi niya habang hawak hawak niya yung dalawang balikat ko "sige na may trabaho pa ako" sabi niya tsaka ako binitawan
"kuya Leo....pwede tayo mag-usap pag free ka?" pahabol ko bago siya umalis
"oo naman bunsoy ikaw paba" sabi niya tsaka niya ako iniwan.
Kuya Leo became my brother simula ng nag-aral ako sa F.I.S. Nasanay din ako sa tawag niya saking bunsoy. Kaya nung umalis siya tapos hindi nagpakita saamin malaki ang panghihinayang ko.
Habang naiwan akong mag-isa sa eskinitang pinasukan ko kanina. Bigla nalang nagring yung cellphone ko.
[ jaycee susunduin mo ba talaga ako o hindi ] bulyaw niya mula sa kabilang linya
"oo eto na traffic kaya" pagpapalusot ko habang inaayos ang sarili
[ ok fine....nagugutom nako kaya bilisan mo ] sabi niya sabay baba sa linya
Shit nakalimutan kong may susunduin pala ako. Fudge! Sa nangyari ngayong araw thankful ako kase nabawasan ng bigat yung nararamdaman ko. Nakausap ko ng maayos si Kuya Leo. Isa nang malaking ginhawa yun.
30 MINUTES LATER-----
Naka rating ako sa airport at agad na huminto sa harap. Nakita ko si Nathan na nakaupo sa isang waiting shed kaya itinapat ko yung sasakya tsaka siya binusinahan.
"ano dika sasakay" bored kong sabi
"hindi moko tutulungang buhatin to?" sabi niya sakin sabay taas ng kilay
Bakla bato o lalaki? Mas lalaki pa ata akong gumalaw
"ang usapan susunduin lng kita, hindi kasama ang pagiging kargador mo!" bulaslas ko sakanya.
Kita ko siya sa rare view mirror kung pano siya mag make face kaya natawa nalang ako habang nakaupo.
YOU ARE READING
Maybe Someday
RomanceShe's one of a kind. She's a girl with a very strong personality, at handang lumaban Pero hanggang kailan siya lalaban? Hanggang kelan niya kailangang lumaban? Hanggang mapagod siya?, hanggang maubos siya? Maupos na parang kandila? Hanggang sa wala...