CHAPTER 22

40 6 0
                                    


Chapter 22
Jaycee's pov

"master sorry na...." pagmamakaawa ni hanson habang hawak ko ang kabilang tenga niya

"bakit pinapunta mo siya dito?"  tanong ko sakanya

"m-master sorry na talaga"

"bakit nga siya nandito" madiin kong sabi habang hawak ang tenga niya

"master jaycee wag kang mabibigla ahh...." sabi niya kaya niluwagan ko ang hawak ko sa tenga niya para makapag explain siya "pinautang niya kase ako kaya bilang kapalit sinali ko na siya sa Group chat natin----aray"

Isang malakas na batok ang binigay ko kay hanson dahil sa sinabi niya...aissshhhi bakit ba kase niya pinautangan...ako nanaman ang magbabayad non

Tinanong ko kung magkano ang inutang niya

"15,000"

"ha!" nagulat ako sa sinabi niya

FIFTHTEEN THOUSAND!!!! what the ang laki naman ata ng hiniram niya kay Jake....natulala ako sa sinabi ni Hanson parang paulit ulit na nag eecho sa ulo ko yung 15k

"15k"

"15k"

"15k......"

"hoy jaycee---"

"tangina ka patay ka talaga sakin"
Sabi ko habang nakikipagtayatayaan sakanya para lang mahuli ko siya

"sorry na nga ehh"

"ibalik mo yung inutang mo sakanya" utos ko sakanya

"ayun lng n-nagamit ko na ehh"

Ayun ehh ako talaga ang magbabayad ng utang nitong kulugong to

Dahil don pinabalik ko na siya sa labas, ako naman pumasok sa bahay para kumuha ng pera para mabayadan si Jake, pagkatapos dali dali akong lumabas.

Lumakad ako papunta kay jake at inabot ang 15k sa harap niya.

"oh kunin mo na ako ang magbabayad sa utang ni Hanson sayo" But he refuse to accept it

"no need my lady....maliit na bagay at tsaka tulong ko na sakanya yun"

"ha???anong tulong??" nagtatakang tanong ko

"ahh sabi niya kase ibibigay niya sa magulang niya" sagot niya kaya napalingon ako kay hanson

"wait...what nasa U.S ang parents niya" sabi ko habang nakataas ang kilay

"ayy gago!....kuyugin si Hanson!!!"
Sigaw nila james

Napatakbo si Hanson habang sumisigaw ng "tama na mga paps sorry na" at hinabol siya ng buong tropa

Damn nagsinungaling pa siya para lang makautang...takte pinagkalulo pa ako dito sa isang to. Napahawak ako sa sintido ko habang nakayuko.

Kahit kelan walang pinagbago tong hanson nato palaging nangungutang at dinadamay pa ako.

Pinatigil ko na sila sa paghahabulan dahil baka hindi lng 15k ang bayaran ko baka pati yung antique na bannga mabasag pa.

"kunin mo na" utos ko kay Jake

"I don't need money... I need you"

Dinig ko ang sabay sabay na pa ohhhh nung mga ulol at syempre buti nalang wala si Kier at Clyde dito baka gatungan pa nila si Jake.

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now