CHAPTER 25

35 5 0
                                    


Chapter 25
Jaycee's pov

"thank you sir....mauuna napo kami" paalam ko kay sir Crisologo

Lumabas kaming dalawa ni Elli sa
P.O.D, mejo late na kami sa klase kaya hinatid ko na siya sabay abot nung binili ko para sakanya.

Yung nangyari sa loob ng P.O.D saamin nalang yun natatawa kase ako.

Nakarating ako sa room at agad na pumasok...nakita ko si Felix na nakatingin sakin at agad na umiwas na tingin

May topak ata to?

Nakakailan nato kanina pa siya monday na monday ganito ang ugali.
Lumapit ako sa upuan ko at kinuha yung bag ko sabay lipat ng pwesto. Napansin ko ang paglingon niya sakin pati ang mga tukmol.

Dahil may bakante pang upuan sa harap...sa harap kung saan naka upo si Jake dun nalang ako tumabi. Kita ko ang pagkagulat ni Jake... na may kasamang pag ngiti.

Dumating ang huling subject teacher namin ngayong umaga at nag simulang mag discuss. Yung katabi ko parang bulate hindi mapakali tapos lingon pa ng lingon.

Natapos ang buong discussion ng ganon ang ginagawa niya....pero kahit naiinis ako may gandang balita ang iniannounce ni Ma'am Gema bago siya umalis

"class dahil nagkaroon kami ng meeting kanina... Wala muna kayong pasok ngayong hapon....pero!"

"maam anong pero"

"ano nanaman ba yun"

"pero dapat magpractice kayo for Friday...understood" sabi ni maam kaya sabay sabay ang pagtango nila "ok mauna na ako"

Umalis si ma'am sa room. Sunod namang nagsigawan ang mga tukmol, habang nag-aayang mamasyal.
Dahil may lakad kami ni Elli hindi na ako nagpaalam sakanila at lumabas na sa room.

Habang naglalakad ako palapit sa hagdan bigla nalang may tumawag sakin...nanglingunin ko, nakita ko sila Drake.

"hindi ka sasama?" tanong niya sakin

"hindi...may lakad ako" pagdadahilan ko

"edi sama kami sayo!" sabay sabay nilang sabi na parang nagmamakaawa

"hindi pwede" mahinahong sabi ko sakanila....

"eh sama na kase kami!" pagpupumilit nila

"hindi nga sabi ehh! Ang kulit" inis kong sabi

"saan ba lak---" tanong ulit nila sakin kaya nainis ako lalo

"may date ako!!!"

"sino naman ehh ayaw----"

"si Jake!" wala ng preno preno dirediretsong lumabas sa bibig ko kaya pati si Jake nagulat, kita ko din ang pag-iba ng mga itsura nila lalo na si Felix na kasalukuyang nakataas ang isang kilay at naka cross arm pa. Kaya sinenyasan ko nalang siyang umoo.

Hinila ko siya pababa ng hagdan hawak ang kamay niya hanggang sa nakarating kami sa Elementary Department.

Agad kong binitiwan yung kamay niya dahil mejo awkward. Nagsimulang magsilabasan yung mga Elem students, agad ko namang nakita si Elli na papalapit sakin.

"hi ate!" bati niya sakin "asaan si kuya Felix?"

"aish pabayaan mo yun may topak ata" sabi ko sabay hawak sa balikat niya

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now