CHAPTER 26

31 5 0
                                    


Chapter 26
Jaycee's pov

Dahil martes ngayon at expected ko na kung anong mangyayari mamaya. Bumaba ako sa hagdan at agad na pumunta sa kusina, nakita ko si lolo na naka upo sa sala habang si lola nagtitimpla ng kape.

Binati ko sila ng Good morning sabay halik sa pisngi

"apo m-may lakad kaba sa linggo?" tanong ni lola sakin

"wala po....may lakad po ba kayo? samahan ko na kayo"

"sa linggo pa naman apo"

Tumango nalang ako at sumabay kay lola sa paglakad....nagpaalam narin ako na aalalis na kase baka ma late ako....wala kase akong balak magcommute gusto kong itry lakarin kung gaano kalayo.

Lumabas ako sa gate at nag-umpisang maglakad, nakalabas ako sa subdivision, habang naglalakad ako dumaan muna ako sa isang mini mart..... Kumuha ako ng 5 sandwich at isang pack ng chuckie. Pumila ako at nagbayad sa counter. Habang pinapunch yung binili ko napansin ko yung isang lalaki sa likuran na naka black hoddie at mask.

Shopflipter ata ang mokong

Nauna akong lumabas at agad na pumunta sa isang gilid... Inaabangan ko yung lalaking nasa loob ng mini mart na nandurukot ng mga pagkain.

Ilang minuto pa at lumabas yung lalaking naka itim na hoddie kaya agad kong sinunggaban at nilock ang dalawang braso niya

"ugh..shit!" angal niya sa ginawa ko

Habang naka lock ang braso niya at nakasandal sa pader.... hinila ko yung hoddie niya at mask.

Nagulat nalang ako sa nakita ko, siya yung taong nawala sa grupo namin pati sa banda.

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Hindi ko kase akalain na kaya niyang gawin yung ganitong bagay

"l-leo?" hindi siya umimik at gumalaw kaya inulit ko "Leo?....ikaw bayan?"

Lumuwag ang pagkakalock ko sakanya at agad na kumaripas ng takbo papalayo sakin.

Siya nga.... si Leo nga talaga. Naiwan akong naka tanga sa harap ng mini mart.

Nang makarating ako sa room lutang parin akong umupo sa pwesto ko...
Correction sa bagong pwesto ko.

Jake's pov

Shit para na akong tanga kakaisip dahil sa nangyari kahapon...kinilig ang gago.

Dahil malapit na akong malate...agad agad akong kumilos para pumasok sa school.

Lumabas ako sa bahay ng hindi nagpapaalam kay papa, hindi din lang ako papansinin bakit pa ako magpapaalam.

Agad akong sumakay sa kotse ko at agad na umalis.

Nakarating ako school at good news hindi pa ako late kaya dali dali akong tumakbo papunta sa room. Pagpasok na pagpasok ko nakita ko si Jaycee na naka upo sa tabi ng bangko ko.

Am I dreaming

Napasampal ako sa sarili kong pisngi tsaka umupo... Balak ko sana siyang kausapin kaso mukang ang lalim ng iniisip niya.

Hindi ko naman ginustong dumagdag sa problema niya kaso wala na akong magagawa sa arrangement nayon.

Inilibot ako ang paningin ko sa room, nahagip ng paningin ko si Felix na nakatingin sakin na parang nakikipagtitigan.

Problema nito?

Napansin ko din ang pabalik balik na tingin nila Clark, James, at Clyde sakin.

Dumating si Sir Nico ibinilin ulit niya kami kay Jaycee kaso mukang lutang parin siya. Pagkatapos masabi ni sir ang magiging event sa friday agad naman siyang lumabas.

Yung iba tinawag na yung mga kailangang magpractice lalo na yung mga sasayaw. Maganda naman yung naging theme nila kase cheer dance yung napili nila.

Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Jaycee sabay tawag sakin

"tara samahan moko" aya niya sakin

Ano kayang trip nito, pero kung ano man yun gusto kong ituloy niya... Im freaking inlove with her when I first meet her sa central park.

Sumunod ako sakanya... Bago ako lumabas sa room lumingon ulit ako nakita ko ang pag-iba ng facial expression ni Felix na parang naiirita na parang galit...

Sumunod lng ako sakanya, hanggang sa nakarating kami sa conference room, may mga nagmemeeting dun kaya nag-alangan akong sumunod.

Dirediretso sa paglakad papasok si Jaycee... Kaso mukang kami ang hinihintay nila, nakita ko si William, Mr. Montefalcon at si Papa.

Hindi ako naabisuhan sa mangyayaring meeting..ipinakilala kaming dalawa ni Jaycee sa iba nilang kasama... Siguro mga board members ng school to kase kilala na nila si Jaycee.

Kaya pala bigla niyang sinuot yung vest niya kanina dahil pala dito.

Kung tutuusin galing nako sa isang private school pero mukang mas maganda dito, nagustohan ko yung uniform nila dito kung icocompare mo ang FIS sa pinanggalingan ko ng school mas maganda rito.

Natapos ang meeting at agad kaming pinabalik sa classroom. Naunang lumakad si Jaycee kasunod ako.

Nakarating kami sa room, at agad na bumalik sa pwesto si Jaycee piniling magpahangin sa veranda sa hall way.

Umayos ako sa pagkakaupo at inilinga linga ako ulo, kita ko ang ibang tingin nila sakin na parang nanlilisik ang mga mata... Kaya pinili ko nalang mag basa basa kunwari ng notes.

Hindi ba magkaibigan sila ni Felix?
Bakit hindi niya sinasamahan si Jaycee?

Iba talaga ugali ng mga hapon, hindi mo maintindihan.

"kamusta ang date kahapon paps?" naka ngusing tanong ni Hanson sakin

"nice" ayun lng ang nasabi ko kase hindi ko alam ang sasabihin ko

"boyfriend kana ba ni master jaycee?" direktang tanong niya sakin

Kung tutuusin oo dapat ang isagot ko kase soon to be husband niya ako

"hindi ahh....pero bakit master ang tawag mo sakanya?" sabi ko sakanya

"hmmm....habang buhay ko yang magiging master---" hindi na natapos ang sasabihin ni hanson ng may biglang sumingit.....si Kyro

"ehh ikaw ba naman palaging tinutubos yan ni Jaycee kahit mapaaway pa siya basta para sa tropa kaya niyang isugal ang lahat parang si Hanson"  singit niya

"si Hanson?" nagtataka kong tanong

"kaya niyang isugal ang lahat kahit walang matira sakanya"  proud na sagot ni Kyro kaya bigla sing binatukan ni Hanson "aray!!!! Nagsasabi lng ako ng totoo" dagdag pa niya

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now