CHAPTER 34

33 4 0
                                    


Chapter 34
Jaycee's pov

Kasalukuyan kaming nasa byahe ni Nathan. Habang nagdradrive ako hindi ko maiwasang madistract dahil sa daldal ng katabi ko. Tanong ng tanong daig pa ang babae sa kadaldalan.

Malapit na kami sa bahay ng mapansin niya yung eyeglass na suot ko.

"cousss! Can I borrow your eyeglass?" sabi niya

Pero akamang magsasalita palang sana ako ng bigla niyang hablutin yun sa muka ko.

Mejo garapal

"nagpaalam kapa kukunin mo din lang pala" bored kong sabi

Diretso lang ako sa pag mamaneho ng nang mahagip ng mata ko si James na kinakaladkad ng limang lalaki. Agad kong hininto ang sasakyan sa harap ng isang convenience store. Kita ko ang pagtataka ni Nathan.

"wag kanang magsalita hintayin mo nalang ako dito" sabi ko tsaka dali daling tumakbo para tulungan si James.

Lakad patakbo ang ginawa ko. Nang mahanap ko sila bagsak na si James at basag narin yung muka niya.

Agad akong lumakad papalapit. Napahinto sila sa panggugulpi nila kay James at agad akong nilingon.

Nakapamulsa ang dalawang kamay ko sabay ngisi sakanila. Alam kong kilala nila ako kase ako ang nag-iisang leader ng halos lahat ng gang mapa international man o lokal.

Wala pang nakakatalo sa grupo namin. Uulitin ko hindi porke babae mahina na kaagad kaya ibahin niyo ko.

"kamusta Jaycee" bati ng isa sakanila

Member sila ng Black Serpent. Isa sila sa mga kalaban ng grupo namin. Katulad ni Miguel.

"nako mukang nagkakasiyahan kayo ahh" sabi ko tsaka ko sila unti unting nilapitan "pwedeng sumali?" sabi ko sabay tagyak sa tiyang nung isa sakanila na dahilan para tumumba.

Sunod sunod ang pagsugod nila sakin. Kaso sunod sunod din silang tumumba. Sisiw na sisiw kung tutuusin hindi manlang ako pinagpawisan.

Napansin kong isa sa mga kasamahan nila ang nasa gilid malapit sa basurahan kaya nilapitan ko.

"sabihin mo sa Leader niyo....sasusunod damihan naman hindi pa ako nagenjoy ehh" tsaka ko pinaalis

Ewan ko ba para akong nabitin. Siguro dahil halos isang linggo din akong hindi nakipagbasag ulo kaya mejo na miss ko.

Agad akong lumapit kay James na bumudugo ang muka dahil sa pagkakabugbog.

"bakit nila ginawa sayo yan?" naotoridad kong tanong

Kita ko ang pagdadalawang isip niya, parang natatakot na sumagot.

"BAKIT!?" Pasigaw kong sabi sakanya

"k-kase yung--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may magsalita mula sa likod ko.

"Jaycee" sabi niya kaya napalingon ako.

"Nathan!" nasapo ko nalang ang noo ko dahil kinuhanan pala niya ng video yung nangyari kanina.

Takte naman

-----------------------------------------------------------

"la tumulong lang ako" paliwanag ko habang sinasangga ang bawat hampas ni lola sa pamaypay niya

Dahil ang bwiset na Nathan ipinanood kay lola at lolo. Tang*na ang galing niya masyado.

"bakit kaba nikikipag suntukan...hindi ka naman lalaki" inis na sabi ni lola habang inaambahan ako ng palo.

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now