CHAPTER 36

52 4 1
                                    


Chapter 36
Jaycee's pov

"Jaycee kung ibinigay mo na sana yung gusto ko edi sana hindi tayo umabot saganito" bulaslas ni Romulus habang nagtatago sa isang pader, hawak hawak ang brasong may sugat dahil sa daplis ng bala mula sa hawak kong baril.

"ehh pano kung ayoko?" tanong ko habang iniinis siya.

"mapipilitan akong gawin to" sabi niya sabay paulan ng bala sakin.

Its a do or die battle between us

"tapos kana ba?" tanong ko habang dahan dahang lumalakad papalapit sa puwesto niya...."kase mukang wala kanang bala" dagdag ko habang patuloy sa paglapit sakanya.

"isa lang ang pwedeng mabuhay Jaycee at ako yun!" pasigaw niyang sabi tsaka niya ulit ako pinaulanan ng bala.

Agad naman akong nagtago sa mga drum na naka hilera. Natamaan ako sa braso na agad kong ininda.

But this time I need to be strong hindi ko dapat ipakitang mahina ako. Dahil pagmahina ka talo ka!

Bumilang ako ng tatlo tsaka ako tumakbo para sugurin si Romulus. Naglaban kami gamit ang lakas, mabis niyang pinuntirya ang tama ko kaya mejo napasigaw ako sa sakit. Walang ano ano'y isang malakas na pagsiko sa muka niya ang pinakawalan ko dahilan para mabitawan niya ako at mapa atras.

Agad kong dinampot ang baril sa sahig. Masmabilis pa sa alaskwartro ang sabay na pagtutok namin ng baril sa isat isa.

Wala akong paki sa dugo tumutulo mula sakin, ang mahalaga sakin matapos natong gulong ito.

Nagngingit-ngit nako sa galit na parang ano mang oras handa ko siyang patayin.

"hmmm tignan mo Jaycee may tama kana't lahat lahat lumalaban kaparin....hahaha!" sarkastiko niyang tawa "pano kung siya ang mawala lalaban kaparin ba?" dagdag paniya habang naka ngisi sabay turo sa buong gang

"wag mo silang idamay!" madiin kong sabi habang nagngingit ngit sa galit.

"so choose and pick one!" madiin niyang sabi "ibibigay mo ang gusto ko o isa sakanila ang mawawala....hahaha! Dagdag niya habang pinaglalaruan ang baril.

"ikaw sa tingin mo anong pipiliin ko?" pang iinis ko sakanyan

"you should choose too... So, who will gonna die you or him" naka ngisi niyang sabi sabay turo kay Felix

Para akong hindi naka galaw ng makita ko ang pulang ilaw na naka tutok sa ulo niya habang nakikipaglaban.

Hindi kona kayang mawalan pa ng kaibigan. Hindi!. Hindi na pwede. Kailangan ko siyang iligtas.

Dali dali akong tumakbo papunta kay Felix tsaka siya niyakap habang naka talikod. Alam kong magtataka siya sa ginawa ko. Pero para din sakanya itong gagawin ko.

Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Hindi ko alam kung saan yung galing pero ang mahalaga ligtas na si Felix.

"jaycee!"

"jaycee! Mga tol kailangang maisugod si Jaycee sa hospital!"

"dali buhatin niyo na siya!"

Tanging sigaw nalamang ang narinig ko habang unti unting nanlalabo ang paningin ko.

William's pov

"yes Mr. Perterson our partnership was granted....where hopping for a good and nice partnership Mr. Peterson" I said while offering him a shake hands.

We had a meeting because my dad signed thier proposal and because of the arrangement hindi sana ito magragrant.

"where very thankful Mr. Montefalcon"

"and also Jake....thank you" sabi tsaka ko siya kinamayan.

TOK!....TOK!...TOK!

Malakas na katok ang narinig ko mula sa pinto ng cobference room kung nasaan kami ngayon.

"come in!" utos ko at agad agad namang pumasok si Camile my dad's secretary.

"sir Mr. Felix Takatzuchi wants to talk to you"

"what for?"

"sir urgent daw po, Miss Jaycee was in the hospital and she needs to take an operation. But before that happens they need a parental consent para maoperahan siya" mahabang litanya ni Camile

Nabigla ako sa sinabi niya na nasa Hospital si Jaycee. Shit what happened? Bakit siya nandon?

"okay..tell him Im on my way now"
Dali dali kong hinubad ang coat ko tsaka ko kinuha ang susi ko. Pero bago pa ako umalis biglang sumulpot si Jake sa gilid ko

"kuya william sasama ako" seryoso niyang sabi sakin.

Agad agad kaming sumakay ng elevator papunta sa parking lot.

Dali dali akong nagdrive, habang nakasunod sakin si Jake.

Bvllshit ano ba kaseng pinaggagagawa niya...para umabot sa ganito.

Agad kaming nakarating sa hospital at dali daling pumasok para hanapin si Jaycee.

Agad na nahagilap ko si Felix na nakaupo habang nakayuko sa labas ng ICU.

"what happened?"

"Hans mamaya na natin pag-usapan.....kailangan ng maoperahan si Jaycee"

I gave what they need for my sister. Tinawagan ko na din Mommy at Daddy tungkol sa nangyari. Halos ilang oras na kami sa labas ng ICU nag aantay, ng may biglang lumabas ang Doctor

"Doc. Kamusta po yung kapatid ko?"

"stable na ang lagay niya....pero kailangan niyang masalinan ng dugo"

Dali dali kaming tinalikuran ng doktor at naglakad papasok ulit ng operating room. Sunod namang lumapit saamin ang isang nurse.

"Ammm sir kailangan po talagang masalinan ng kapatid niyo kaso ho...wala na po lase kaming type A na blood type  sa blood bank namin" paliwanag ng nurse sa harap ko

"ako...type O ako" singit ni Felix...kaya na patingin ako sakanyan.

"hindi na Felix" sabi ko sakanya tsaka humarap ulit sa nurse "parehas kami ng blood type ng kapatid ko...ako ang mag dodonate" pagpririsinta ko. Tsaka ko sinundan yung nurse.

Bakit kailangan mo pang sumama sa gulo?

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now